Kara Angel Rebela.
"I need to tell you something." sabay sabay naming sabi. Napakalas ako ng yakap sakanila at tinignan namin ang isa't isa na may nagtatakang ekspresyon. Ano kayang bagay ang sasabihin nila?
"Maghanap tayo ng ibang lugar, hindi maganda kung dito tayo mag uusap usap lalo na kung may mga nagmamanman ng kilos natin." sabi ni Kathy habang tinignan ang paligid. Hindi ako umimik at tumango na lang. Ganun din ang ginawa ng iba kong kapatid. Parang nag iba na si Kathy. Hindi na siya si Kathy na ang unang bungad ay tungkol sa mga nilandi niya. Ilang araw lang kami hindi nagkita bigla na lang siya nag iba. And I guess I miss everything here.
"Princess."
"Tang ina!" napapikit na lang ako ng naramdaman kong bumaon ang kuko ni Kathy sa balat ko. Tang ina, mas mahal pa ang balat ko kesa sa kuko niyang pangit.
"Pwede ba, Mike, wag kang manggulat!" inis na sigaw ni Kathy dun sa lalaki na tinawag niyang Mike. Nanatiling tahimik ang lalaki na tila parang walang narinig. Naka mute kaya ang isang 'to?
"May alam akong lugar kung saan kayo malayang makakapag usap." sabi niya sa malamig na tono. Ang malamig na tono ng boses na yun... kaparehas ng boses ni Xero. Napalingon ako sa kinaroroonan nila Xero. And to my surprise, he is kissing Karae while his eyes are on me. Mabilis kong binawi ang aking tingin mula sakanila at itinuon ko ang aking atensyon sa mga kapatid ko. Wala na akong iba pang intensyon kung hindi ang makatakas kami ng mga kapatid ko dito. Love doesn't exist in this situation kaya mas magandang kalimutan na lang ang bagay na yun.
"Saang lugar?" singit kong tanong sakanya. Nabaling ang lahat ng atensyon sakin kaya napataas na lang ako ng kilay. Problema ng mga 'to?
"Ano?" bored kong tanong sakanila. Sabay sabay naman silang napatingin sa direksyon nila Xero bago ibalik ang tingin sakin. Nagkibit balikat lang ako bago magsimula maglakad palayo sakanila. Paniguradong lahat sila ay magtatanong kung ang nangyayari saming dalawa. Wala naman kasing kami kaya wag silang mag assume ng kung ano ano. Nakakapeste sila ng ibang buhay ng tao. Tang ina nilang lahat.
"Puntahan niyo na lang ako sa rooftop ng pinakamataas na building at isa sa mga kapatid ko ang magsasabi kung ano ang napag usapan. Bye." iniwagayway ko ang aking kamay pagkatapos sabihin ang mga salitang iyon. Diretso lang akong naglakad ng hindi na lumilingon sakanila. Halata namang nagtataka sila sa mga ikinikilos ko. Pero wala akong pake. Kailangan ko lang mapag isa kahit sandali. Maraming mga bagay ang gumugulo sa isipan ko na kailangan kong sagutin ng mag isa.
"Wait, Kara!" sigaw ni Kristel pero hindi ako lumingon. I want to tell them, I want to tell them who I am now. Pero paniguradong hindi nila iyon matatanggap. Kaya habang humahanap ako ng tamang pagkakataon ay maghahanap na rin ako ng mga kasagutan sa sarili kong tanong. Dapat masagot ang aking mga tanong sa lalong madaling panahon.
Habang naglalakad ako sa quadrangle papuntang building C ay napapatingin sakin ang ibang mga estudyante. Ang iba sina na mismo ng umaalis sa lalakaran ko ang iba naman ay masama ang tingin sakin. Tsk! pasalamat nga sila at niligtas namin ang mga buhay nila mula sa kapahamakan. Sila pa ang may ganang umasta ng ganyan ngayon. Letche, baka mapatay ko sila isa isa kapag nawala ang pasensya na natitira sakin ngayon.
Malapit na ako sa building C ng tumigil ako sa paglalakad. Iginala ko ang aking mga mata at bigla na lang napangiti dahil sa inis. Akala ba niya kaya niyang itago ang presensya niya sa isang assassin na gaya ko? Jerk, kung sino man ang taong yun ay tanga. Malakas ang pakiramdam ko kaya alam ko ang nangyayari sa sarili kong paligid. Imbis na tumuloy ako sa pagpasok sa building C ay pumunta ako sa likod ng building kung saan puro matataas na puno lang ang makikita.
"Lumabas ka na, alam kong kanina mo pa ako sinusundan." nakatalikod kong sabi. Base sa sumusunod sakin ay lalaki. Medyo matangkad siya sakin ng ilang metro kesa sa sakin. Matipuno ang kanyang pangangatawan. Kung hindi ako nagkakamali at kung tama ang aking hinala ko. Pero mukhang tama ang aking hinala dahil never naman akong nagkamali sa mga instincts ko.
YOU ARE READING
Merclues University
AcciónMonsters? they do not exist. Zombies? is just a legend that people watch. Pero yun ba talaga ang totoong dahilan? Paano kung malaman mo na nag-e-exist pala sila? Sa lugar na hindi mo inaakala? Anong kaya mong gawin para mapatunayan na hindi ito toto...