Kara Angel Rebela.
Akala ko nung una ay papatayin niya ako pero ay may pinatamaan siya sa likod ko. Agad naman akong tumalikod at nakita ang isang anotex na walang buhay. Lumapit siya sakin at niyakap ako. Nabigla ako sa ginawa niya pero hindi ako pumalag.
"Hindi ka na ligtas dito. Mas magandang dun ka muna sa dorm ko manatili. Ikaw na ang target nila" kahit wala akong maintindihan ay tumango na lang ako. Naguguluhan ako sa mga nangyayari. Biglang nanlabo ang paningin ko. Ramdam ko ang pagbigat ng talukap ko. Pumikit na lang ako hanggang sa lamunin ako ng dilim.
---
Krisha Grace Rebela.
Habang pababa ako ng hagdan ay nakita ko si Tyrence. Tyrence Josh Dantes. Ang antipatiko kong dorm president. Ang sabi niya sakin ay puntahan ko daw siya dito. Pero may kasama naman siyang babae. And guess what they doing? For fucking sake! dito sila nagme make out! WTF!
Napa ihip na lang ako sa bangs ko. Sakit siya sa bangs alam ba niya yun? Nang makababa ako sa hagdan ay pumunta ako sa tapat nila. Kahit nandidiri akong tignan sila ay tiniis ko. Puta, ang likot ng kamay ng gagong 'to kung saan saan nakakarating. Ibang klase!
Dahil hindi na ako nakatiis ay sinandya kong ihulog ang vase. Napatigil naman sila sa paglalandian nila. Ngumiti ako ng matamis tapos ay umirap ng napaka lutong.
"Sorry, akala ko kasi walang tao kaya nagulat ako ng may nakitang naglalandian dito. Opps... sorry talaga ituloy niyo na" sabi ko bago lumabas ng dorm house at pabagsak na isinara ang pinto. Letche, tang ina, nakaka gago sila. Humanda lang sakin si Tyrence. Sisiguraduhin kong mamatay ang hinayupak na yun. Puta, pinapapunta lang pala ako dun para panoorin silang magbabuyan.
Padilim na. Pagpatak ng ten ng gabi ay magsisimula na ang laro. Para sakin ay wala namang kaso ang larong yun pero paano na lang ang mga inosenteng tao? sino ba kasing gumawa ng walang kwentang laro na yan? Kung iisipin ko naman ang mga kapatid ay magagaling silang lumaban lalong lalo na si Kara. Ako nga shuriken lang pero siya dalawang katana. At isa pa siya ang nagturo sakin kung papaano gumamit ng shuriken. Siya ang nag train sakin kahit ang lakas niyang mang bully sakin. Kasi naman sinabihan niya akong naka wig kasi may kulay ang buhok ko. Tsaka malapad ang noo ko. Tsk! kasalanan ko bang ganito ako nung pinanganak?
Umupo ako sa isa sa mga bench. Hinayaan kong liparin ng hangin ang buhok ko. Napa peaceful ng lugar. Pero ang totoo ay masyadong tense ang mga estudyante dahil sa bawat paglipas ng oras ay ang kabang bumabalot sakanila. Hindi ko pinaniniwalaan ang mga narinig ko nitong mga nakaraang araw. Pero si Kara na ang mismong nagsabi sakin na nakalaban niya ang mga zombies na yun. Oo, naka usap ko si Kara pero kasama ko ang dorm president ko. Duh! ang daming alam ng school na 'to. Baka ubusin ko sila isa isa diyan.
"Bitch!" agad akong tumayo at kumaripas ng takbo. Boses pa lang alam ko na. Kapal ng mukha niyang tawagin akong bitch eh siya nga 'tong whore! Sinadya ko talagang bilisan pa lalo ang pagtakbo ko. Kahit ngayon lang bigyan man lang niya ako ng katahimikan.
"Bitch!" sigaw niya ulit at hinabol ako. Tumingin ako sa likod ko at hinahabol nga niya ako. Tumingin ako sa harapan ko and to my surprise may makaka bangga ako. Pero bago pa ako mabangga ay may humila na sa kamay ko. Agad niya akong tinago sa likod niya.
Naka rinig ako ng ungol. What the--- isa ba yan sa mga sinasabi ni Kara? A zombie? So, totoo nga ang sinasabi niya. Narinig kong nag mura si Tyrence. Oh wow! mukhang concern siya sakin. Concern siya kasi kailangan niya ako sa laro mamaya. Sakit.
"Makulit ka talaga eh noh? tinawag na nga kita pero kumaripas ka pa rin ng takbo. Kung hindi ba naman may sayad yang utak mo" inis niyang sabi na ikina irap ko. So, ako pa ang may kasalanan ngayon? Kung hindi siya nakipag landian at hindi niya ako tinawag na bitch eh di sana wala kami ngayon sa sitwasyon na 'to. Tsk! maninisi pa siya na nga ang may kasalanan.
YOU ARE READING
Merclues University
ActionMonsters? they do not exist. Zombies? is just a legend that people watch. Pero yun ba talaga ang totoong dahilan? Paano kung malaman mo na nag-e-exist pala sila? Sa lugar na hindi mo inaakala? Anong kaya mong gawin para mapatunayan na hindi ito toto...