Kara Angel Rebela.
Wala akong magawa. It was a boring day for me. Kasi naman si Xero hindi ako pinayagan na pumasok sa klase kahit na sinabi kong ayos na ang paa ko at ang masaklap ay binuhat pa niya ako sa harap ng mga student pati na rin sa harap ng teacher. Like hell! parang wala lang sakanya yung mga tingin ng mga kaklase namin pati na rin nung teacher. Kinuha ko ang cellphone ko sa bag at nagbabaka sakaling may signal pero wala. Ang saya talaga ng buhay ngayon. Damn.
Humiga ako sa kama at bumuntong hininga. Ipinikit ang mga mata at inisip ang mga nangyari simula nung dumating kami sa university na 'to. May mali talaga dito sa university. Minulat ko ang mga mata ko at tumayo upang kunin ang isang notebook sa bag. Kumuha din ako ng pen at binuklat ang notebook. Isusulat ko dito ang mga napansin ko simula kahapon.
First, ang clinic ng university. Ang nurse ng clinic na yun ay may tinatagong sekreto. Habang nag e explain siya ay pinagpapawisan siya kahit hindi naman dapat. At may nakita rin akong pinto sa may clinic. Nakabukas yun at hindi niya naisara. May tao sa loob ng isa pang kwarto na yun maliban samin ng kapatid ko at nung nurse.
Second, ang mga tingin na natanggap ko sa mga student kagabi. Nakatingin sakin ng masama ang ibang tao na parang ayaw akong makita. May iba rin akong napansin kagabi. They make out na parang ayos lang head board nila. At isa pa may nakita akong mga nagda drugs. Like ang drugs ang nakakapag pakalma sakanila. And another thing is isang ring kung saan may nag aaway na dalawang babae. Halos magpatayan na sila. Pero kahit isa walang pumigil.
Itinigil ko ang pagsusulat. Para akong gumagawa ng isang essay kahit hindi naman kailangan. Tumayo ako at lumapit sa bintana ng kwarto. Makikita dito ang ilang student na tahimik na naglalakad papunta at pabalik. Akala mo napakatahimik at napaka normal ng university na 'to pero hindi dahil may ikinukubli ang university na hindi dapat malaman ng mundo at yun ang aalamin ko. Aalis na sana ako sa may bintana upang bumalik sa pagsusulat ng may sumigaw ng babae. Napakunot ako ng noo. May tumatakbong mga student na parang takot na takot.
Nagmadali akong suotin ang isang doll shoes at lumabas sa kwarto. Nag pa slide ako sa handle ng hagdanan dahil sa pagmamadali ko. Lumabas ako ng dorm house. May mga ibang tumatakbo papasok dito pero ang pinagtataka ko ay bakit sila nagkakagulo. Maglalakad na sana ako papunta sa mga taong nagkakagulo ng may humawak sa kamay ko. Inis ko siyang tinignan at nakita ko ang takot sa mga mata niya.
"Wag ka nang tumuloy sa binabalak mo dahil ikakamatay mo lang yan. Mas mabuti pang dito ka na lang" nanginginig ang kamay niya. Mukha talaga silang takot. Tinanggal ko ang pagkakahawak niya sa kamay ko at tinignan siya ng walang ekspresyon.
"Kaya ko ang sarili ko" sabi ko at naglakad. Narinig kong sumarado ang pinto ng dorm house. Hindi na rin akong nag abalang tumingin pa sa likod. Diretso lang ang lakad ko. Ni hindi ko pinansin ang mga taong nagtatakbuhan ng halos madapa na. May ilang akong nabangga at nagalit sakin.
YOU ARE READING
Merclues University
ActionMonsters? they do not exist. Zombies? is just a legend that people watch. Pero yun ba talaga ang totoong dahilan? Paano kung malaman mo na nag-e-exist pala sila? Sa lugar na hindi mo inaakala? Anong kaya mong gawin para mapatunayan na hindi ito toto...