Chapter 9: Scattered Zombies.

39 3 1
                                    

Kara Angel Rebela.

Agad siyang sumugod sakin. Umiiwas lang ako sa mga atake niya. Psh! bakit hindi ako tulungan ni Xero sa bruhildang 'to? Kasalanan naman niya kung bakit nabaliw ang isa 'tong eh. Papatayin ko rin si Xero pagkatapos ko sa babaeng 'to! Nakakapanggigil siya!

"Ano iiwas ka na lang? Ganyan ka ba ka duwag kaya hindi ka makalaban sakin?" hindi ko na lang pinansin ang mga sinabi niya. As if naman matatamaan ako sa nga sinasabi niya. I was born numb kaya wala akong pake sa mga sinasabi niya.

Sugod lang siya ng sugod habang ako naman ay dumidepensa lang. Wala akong makitang open area sakanya kaya hindi ako makalaban. Peste! hindi ko naman alam na mahirap rin pa 'tong kalaban kung alam ko lang edi sana hindi ko na pinatulan. Tumambling ako at napunta ako sa likod niya. Saktong pagka landing ko ay tumama ang katana ko sa likod niya na gumawa ng isang mahabang sugat. Narinig ko ang pag ungol niya dahil sa sakit. Humarap siya sakin na may galit sa mukha. I just shrug, bakit kasalanan ko ba?

"You, bitch! Wala kang karapatan na sugatan ako!" halos mabingi ako sa sigaw niya. Yung totoo meron bang zombie na naka lunok microphone?

"Pangit ka naman eh kaya ayos lang na masugatan ka, as if naman maganda ka talaga" pang aasar ko pa. Lalong pumangit ang mukha niya. Well, ano pa bang inaasahan ko sa isang zombie? Pangit naman talaga ang mga mukha nila eh kaya nga maraming takot sakanila. Mukha pa lang nakakatakot na paano pa kaya kung kainin ka na?

"Bitch! Hindi mo ako siniseryoso bilang kalaban mo. Mag seryoso ka kung ayaw mong maging hapunan ko ngayong gabi!" nandiri naman ako sa sinabi niya. Like hell, sa gandang kong 'to ay magpapakain lang ako sakanya? Huh! No way!

"Sige, sinabi mo eh pero walang bawian kung mapunta ka sa impyerno ha? Tutal dun ka rin naman bagay" pang aasar kong sabi. Nakita ko sa mga mata niya na naiinis na siya. Well, magaling talaga akong mang inis simula nung bata ako. Kaya nga bully din ako sa school eh.

Mabilis siyang sumugod sakin. Lumihis ako ng direksyon at dumiretso siya sa punong nasa likuran ko kanina. Mabilis kong sinipa ang leeg niya kaya tumilapon siya. Nilapitan ko siya at akmang sasaksakin ng katana ng bigla niya akong batuhin ng bato. Mabilis naman akong umilag at umatras. Hindi ko namalayan na sumugod siya sakin kaya hinarang ko ang katana sa pagitan namin. Inatras ko ang kaliwang paa ko para kumuha ng suporta. Masyado siyang malakas at aminado ako roon. Nakangisi siya sakin at kita ko ang pangit niyang ngipin. Napa irap na lang ako at saka mabilis na sinipa ang kanyang sikmura. Napa atras naman siya kaya kinuha ko ang opportunity na sipain ulit sa panga. Napa higa siya sa lupa kaya hinanda ko ang katana ko. Gumawa ako ng malaking hiwa sa dibdib niya kaya napasigaw siya.

"Any last wish?" sabi ko at tinapakan ang leeg niya. Inilagay ko lahat ng bigat ko sa kaliwang paa ko. Ramdam kong kinakapos siya ng hininga at hinawakan niya ang boots ko. Isasaksak ko na sana ang katana pero bigla siyang nagsalita.

"B-bitch! Kah-it a-nong gawin mo a-ay hin-di mo ako mata-talo! Isa ako-ng Mardavil! A-ang zombie na h-hindi bas-ta ba-sta nama-matay! hahaha!" kahit hirap na siyang magsalita ay nakaya niya pa rin niya. Mardavil? kung hindi siya basta basta namamatay ay matatagalan ang laro namin. Wala pa naman akong balak na aksahin ang oras ko sakanya.

Sinugatan ko ang tiyan niya. Ganun din ang ginawa ko sa dalawa niyang hita. Kung hindi ka pala basta basta mamatay ay papahirapan na rin kita. No one dares to call me bitch! Nasasaktan na siya sa mga hiwa na ginawa ko pero hindi pa rin siya namamatay. So, totoo nga ang sinasabi niya. Itinapat ko ang katana sa leeg niya. Medyo ibinaon ko ang dulo nito sa leeg niya at gumawa ng isang mahabang guhit. Inalis ko ang paa ko sa leeg niya at umatras na ilang hakbang. Dali dali siyang tumayo. Nagulat ako ng makita ang kulay ng mata niya. Pure white, tuluyan na siyang naging zombie. Nailing na lang ako. Sinayang lang niya ang buhay niya.

Merclues UniversityWhere stories live. Discover now