Chapter 11: Mistress.

36 1 1
                                    

Kara Angel Rebela.

Why I can't move?

What feeling is this?

Why do I need to feel this?

"Is she alright? Do you think we succeed the operation?

"I think so. Everything went normal so far."

"We just need to monitor her until she wake up."

"Yes."

---

Bigla akong napamulat ng mga mata at mabilis na inikot ang aking paningin. Anong klaseng lugar ito? At bakit hindi ako maka galaw? Tinignan ko ang aking katawan. Naka suot ako ng isang hospital gown at may mga kadena ako sa ibang bahagi ng aking katawan at may panyo ang aking bibig. Nangunot ang noo ko, anong nangyari sakin bago ako nawalan ng malay?

Napatingin ako sa taong bumukas ng pinto. Isang doctor? no, isang scientist ang pumasok at lumapit sakin. Gusto kong magsalita para sabihin kung anong ginagawa ko rito pero hindi ko magawa. Tahimik niya akong pinagmasdan at ganun din ang hawak niyang tablet. May parang tinitignan siya sa tablet niya at biglang nanlaki ang mga mata niyang singkit bago tumingin sakin. Naningkit ang mga mata ko bago libutin ng tingin ang kabuan ng kwarto. Ngayon ko lang napansin ang mga laboratory equipment na nasa paligid at ilang apparatus na nakakabit sakin.

"Within three days you recover faster than we expected. Maybe it's because of the antidote or it's your body." tuloy tuloy lang ang pagsasalita niya na para bang wala ako roon. At ano ang sinasabi nilang antidote? Ano bang ginawa nila sakin habang wala akong malay?

"No bruise, no wounds. You undergo a surgery two times in a day. After it you take an antidote. And, after three days all your wounds and injuries healed. Isn't it amazing? Because of science you can do anything, right?" naging pula ang mga itim niyang mata sandali at mabilis din itong nagbago. Kinilabutan ako dahil sa nakita ko. What on hell did I just saw?

Tinanggal niya ang panyong nasa bibig ko at nilalag ito sa sahig. Inilapit niya ang mukha sa mukha ko.

"But the antidote has also side effects. It can change your appearance in an instant if you are in danger. Look at yourself." may inilabas siyang salamin at iniharap iyon malapit sa aking mukha. Nanlaki ang mga mata ko ng makita ko ang aking sariling itsura sa salamin. Bakit kulay violet ang buhok ko? Bakit ganito kulay silver ang kulay ng mga mata ko? Bakit ganito ang itsura ko?

"Don't worry little girl. It will change, it won't last for long." unti unti ngang nagbago ang aking itsura hanggang sa bumalik ito sa normal kong itsura. Tinignan ko ng masama ang lalaking nasa harap ko. Isa rin ba siya sa mga baliw na scientist dito sa school? Pero masyado pa siyang bata para maging isang scientist pero debale na meron rin namang scientist na tinangkang patayin ako dati.

"Gago ka! mga hinayupak kayong mga scientist! anong ginawa niyo sakin?! bakit niyo ako ginawang ganito! da---"

Hindi ko na naituloy pa ang aking sasabihin ng bigla niya akong halikan. Nanlaki ang mga mata ko sa ginawa niya sakin. Ang labi niya, pamilyar sakin ang mga labi niya. Kumalas siya sa aming halik at ningitian ako ng matamis. Ang mga matang iyan, ang mukha niya at ang ayos ng kanyang buhok. Siya ba si King?

"Sabi ko na nga ba dito kita makikita, Ace." nanlaki ang mga mata ko ng tawagin niya ako sa aking codename. Paano niya ako natuntun dito? Halos maiyak na ako dahil nakita ko na si King, ang matagal ko nang gustong lalaki. Pero bakit nakikita ko sa mga mata niya ang pagka dismaya at pagka lungkot.

"Bakit Ace, bakit hindi mo sinabi na dito ka papasok? bakit nilihim mo ito sa akin, sa amin?" tanong niya sakin habang unti unting tinatanggal ang mga kadenang nakatali sakin. Nang matapos niyang tanggalin ang huling kadena ay mabilis ko siyang niyakap at umiyak. Hindi ko naman gustong hindi sabihin sakanya ang totoo naming gustong gawin. Ayaw ko lang na masaktan siya pero sa ginawa ko lalo ko siyang sinaktan. At lalong lumala ang sitwasyon dahil nandito siya.

Merclues UniversityWhere stories live. Discover now