Chapter 14: I Love You.

21 1 0
                                    

Kathy Honey Rebela.

"Tang ina lang talaga." inis kong sabi at padabog na umupo sa sofa. Wala na namang pasok ngayon. Lagi na lang walang pasok. Dapat kahit ganito kahayop ang mga nangyayari ay pinag aaral pa rin nila kami. Anong silbi ng pangalan na university kung hindi naman nasusunod? Mga walang kwenta silang lahat.

Kinuha ko ang cellphone ko sa aking bag at binuksan ang apps na gallery. Binalikan ko ulit ito ng tingin. Kaso hindi ko talaga maalala kung saan ko ito nakuhaan at bakit ako nandun kasama ang mga kapatid ko. Pero ang malaking tanong sa isip ko ay bakit wala akong maalala? Sa tagal ko dito wala talaga akong maalala kung papaano kami nakarating dito. Tapos kapag tinatanong ko si Blake kung may alam siya kung paano kami nakarating dito laging walang sagot ang nakukuha ko sakanya. At yun lalo ang kinainis ko. Nakaka punyeta siya to the max!

"Kathy?" and speaking of the devil nandito na naman siya para manggulo. Umirap na lang ako bago pumunta sa kama at nagtulakbong ng kumot. Ayoko munang guluhin niya ako dahil lalo lang madadagdagan ang inis na meron ako ngayon. Ipinikit ko ng mariin ang aking mga mata ng maramdam kong bumukas ang pintuan. Pusang gala talaga, bakit ba niya ako ginugulo ngayon? Naiinis na naman ako tapos kapag tinatanong mo kung ano ang kailangan niya hindi magsasalita. Fucking seriously?! nakakapag painit kaya ng dugo ang mga ganung tao.

"Hey, are you asleep?" hindi ako sumagot para magmukhang tulog nga ako wala akong balak kausapin siya ngayon. Naguguluhan na kasi ako sa mga nangyayari sa aming magkakapatid. At hindi ko talaga mapigilang mag alala sa kalagayan ni Kara kahit naman kasi bossy at moody si Kara ay mabilis siyang maapektuhan sa mga nangyayari sa paligid niya. Lalo na ngayon.

Kahapon pinuntahan namin siya sa building C pero hindi namin siya nadatnan ganun din sa dorm house niya. Ang sabi pa nga ni Xero ay hindi pa niya nakikita si Kara. Lalo akong nag aalala dahil wala pang alam si Kara sa totoong nangyayari sakanya. Pati na rin ang posisyon na hawak niya at dapat niyang panghawakan hanggang sa huli. Bakit ba kasi hindi sinabi ni Xero sakanya ang totoong nangyayari? Naiinis rin ako sa isang iyon. Ang tipid magsalita at minsan straight to the point pang tao. Nakaka tang ina rin siya.

Nagtaka ako kung bakit walang nagsasalita hanggang sa makarinig ako ng pagbukas at pagsara ng pinto. Nakahinga ako ng maluwag dahil wala na siya pero hindi ko pa rin tinanggal ang pagkakatulakbong ko mula sa kumot. Gusto ko munang magtulakbong kahit ngayon lang naman.

"I love you, Kathy." nanlaki ang mga mata ko ng marinig ko ang mga salitang iyon. The fudge! tama ba ang narinig ko o nagi imagine na naman ako? Bakit ko naman iisipin ang bagay na yun? Nababaliw na ba ako ng husto?

Tinanggal ko ang kumot na nakatulakbong sakin at bumungad sakin si Blake na naka upo sa sofa at nakangising nakatingin sakin. Feeling ko umakyat lahat ng dugo ko papunta sa mukha ko. Takteng yan, ano ba ang pumasok sa isipan niya at sinabi niya ang mga salitang iyon? Hindi kaya naka drugs siya o may sumapi sakanyang engkanto?

"Ano ba ang pinagsasasabi mo diyan, Blake? Nababaliw ka na ba?" natatawa kong tanong sakanya. Alam ko ang mga tipong babae ni Blake. Gusto niya ay yung disente at parang Maria Clara kung gumalaw tapos ayaw pa niya sa babaeng nagmumura. Kung tutuusin ay hindi ako ang taong tinutukoy niya kaya bakit niya sinasabi sakin ang mga salitang iyan?

"Teka ba ka naman lasing ka kaya sinasabi mo ang mga bagay na yan." mabilis akong tumayo at lumapit sakanya. Medyo malapit sa bunganga niya. Inamoy ko ito pero wala naman akong naamoy sa bunganga niya. Akamang aalis na sana ako ng hapitin niya ang bewang ko. Napa upo ako sa kandungan kaya tinignan ko siya ng masama. Lakas ng topak ng isang 'to ngayon ah.

"Anong trip mo? kasi hindi nakakatuwa." inis kong sabi sakanya. Nagawa pa akong pagtripan ng ganito samantalang ang daming problema ang kailangan kong ayusin. Nakaka tang ina kaya.

Merclues UniversityWhere stories live. Discover now