Chapter 1: Going Away.

114 2 2
                                    

Author's Note:I write this story because I'm inspired on the movie Resident Evil (from the first movie to last part). If you watch that. Advance sorry for wrong typos and grammars. I am not perfect. Please understand me.

Kara Angel Rebela.

"The fuck it is!" inis kong sigaw habang naka takip sa unan. Tang ina,sino bang nag set ng alarm clock na yan?!

Inis kong bumangon at kinuha sa side table ang alarm clock na yun at walang takot itong binato sa pader. No one dares to ruin my sleep or else your dead! Humiga ulit ako kama at ipinikit ang aking mga mata. Sinubukan kong matulog ulit pero hindi na ako inaantok. Tang ina lang,pati ba naman pagtulog ay iistorbuhin? Wala na bang peaceful part sa mansion na 'to?Kainis lang.

"Good morning,Hell!" malakas kong sigaw sa may bintana at agad kinuha ang alarm clock na hinagis sa pader at itinapon ito sa bintana. Sino ba kasing naglagay ng alarm clock na yan sa kwarto ko? I surely kill her.

Bwisit. Nakakapang gigil lang talaga. Wala na nga akong matinong tulog kagabi tapos binulabog pa ako ng pesteng alarm clock na yan. Sino bang tao ang matutuwa sa ganung bagay?!Kung nasa matinong pag iisip ka ay hindi mo gagawin yun sa taong walang tulog. Pero itong magaling kong kapatid ay binubwisit pa ako. Sakanya pa lang sira na ang araw. Great,just fucking great.

Agad akong pumunta sa CR upang maligo. Wala na ring silbi kung ipapagpatuloy ko pa ang pagtulog ko. Mas mabuti pang maligo na lang ako kesa lalo akong mabwisit ngayong umaga. Baka pumangit ako bigla eh sayang naman ang taglay kong kagandahan. Ilang minuto rin akong naligo sa CR at pagkatapos nun ay nagbihis agad ako. Sa mga oras na 'to ay nagsisimula ng mag break fast ang mga walang hiya kong kapatid. Nag suot ako ng isang white V-neck t-shirt at pinarisan ko ito ng isang fitted jeans. Nag suot na lang ako ng rubber shoes kesa sa mag doll shoes.

Lumabas ako ng aking kwarto at bumaba ng hagdan. Hindi pa ako nakakarating sa ibaba ay rinig ko na ang ingay nila. Narinig ko ang tawanan ng kapatid kong si Krisha at Kathy pati na rin ang boses ni daddy na mukhang nagpapatawa. Minadali kong bumaba ng hagdan dahil mauubusan na ako ng pagkain matatakaw pa naman sila kahit mukha silang sexy. Naabutan ko silang nagtatawanan pero nakita ko si Kristel na tahimik na kumakain. Well,sa aming lahat siya ang serious mode palagi na akala mo dala lahat ng pasakit sa mundo. Umupo ako sa isa sa mga silya dun at tumigil sila sa pagtawa. Ang kaninang maingay ay naging tahimik na animo'y may dumaan na anghel sa harap nila.

"Gising ka na pala,Kara.Simulan mo ng kumain para maka alis kayo ng maaga at makapunta sa papasukan niyong school" sabi ni daddy habang nakatingin sakin. I nod and start eating.

Tumahimik ang kaninang maingay na atmosphere. Alam nila ng ayaw ko ng magulo plus hindi pa maganda ang gising ko kaya lalo akong madaling mainis. Ang sabi ni mommy nung nabubuhay ako ay isa daw akong demonyo,taong hindi nila gugustuhing kalabanin. Dati hindi ko pinapansin ang mga salitang yun pero napatunayan ko na isa pala talaga akong demonyo ng mag away kami ng kapatid ko,si Kathy. Mas matanda siya sakin ng isang taon. Nag away kami dahil lang sa isang laruan. I nearly kill her with my bare hands kung hindi dumating si daddy at inawat kami.

"What is the name of that school,anyway?" tanong ni daddy habang nagbabasa ng newspaper. Well,hindi ko naman alam kung ano ang pangalan ng school na yun. Ang alam ko ay lilipat kami ng bagong school.

"Merclues University.I found that online.It's stated there that the school can be find in the middle of the forest,Merrem Forest exactly" paliwanag ni Kathy.Nakita kong natigilan si daddy sa pagbabasa ng newspaper at seryosong tumingin kay Kathy. I suddenly felt a tension. Hindi ko alam kung bakit ganun na lang ang reaksyon niya nung mabanggit ang pangalan ng forest na yun.

"Wag na kayong tumuloy.Sa ibang school na lang kayong mag enroll" sabi ni daddy na nakapag pakunot ng noo ko. Never kaming pinagbawalan ni daddy sa mga gusto naming gawin. Pero this time ay umalma siya. I think there is some serious matter about that forest.

Merclues UniversityWhere stories live. Discover now