Chapter 15: His Other Side.

19 0 0
                                    

Kristel Mae Rebela.

"Shawn, will you stop kissing my neck?" iritableng tanong ko kay Shawn. Hindi naman niya kasi ako tinutulungan sa pag aaral ng libro na 'to tungkol sa mga zombies tapos kinukulit pa niya ako. Nakaka inis kaya ang ginagawa niya.

"Why do I?" nakakalokong tanong niya. Umirap na lang ako sa kawalan dahil sa tanong niya. Obviously, he wasn't helping. Ginugulo lang niya ako palagi at kahit saan ako mapunta ay nakabuntot siya. Somehow, I appreciated it pero madalas talaga ay hindi. Hindi ko ba alam kung ano ang nakain niya at nagkaganyan siya. He is sweet now hindi gaya ng dati na puro kabastusan ang lumabas sa bibig niya.

"May I ask you, Shawn?" kalmado kong tanong bago isara ang libro at humarap sakanya. Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa utak ko at naisipan ko itong itanong ang bagay na 'to.

"What?"

"What will you choose my body or my soul?" umiwas agad ako ng tingin pagkatapos kong sabihin ang mga salitang iyon. Kahit hindi ako nakatingin sakanya ay ramdam kong nakatingin siya sakin na nagtataka. Napakagat na lang ako ng aking ibabang labi dahil sa ginawa niya.

"None." napatingin ako sakanya at napakunot ng noo dahil sa sagot niya. Bakit wala ang sagot niya? Bigla na lang ako nakaramdam ng inis dahil sa sagot niya. So, ang ibig sabihin wala lang sakanya ang isang buwan na naging kami? Damn it! Naiinis ako.

"So, anong ibig sabihin ng sagot mo?" nakataas ang isang kilay ko habang tinatanong ang bagay na yun sakanya. Kung wala lang ako sa good mood ay baka mapatay ko na si Shawn agad. Pero gusto kong malaman ang paliwanag niya kahit sa loob loob ko ay gusto ko na siyang murahin ng pagkalutong lutong. Shit lang.

Nagkibit balikat siya kaya lalo akong nainis. Punyeta lang. Tumayo ako at binuksan ang pinto ng kwarto ko. Sinenyas kong lumabas siya pero umiling lang siya at humiga sa higaan ko. Talagang iniinis niya ako ngayon.

"Shawn, pwede ba lumabas ka muna? Gusto kong matapos ang pagbabasa ko at para maintidihan ko na rin, since hindi mo naman ako tinutulungan pwede ka ng umalis." tumayo siya at lumapit sakin na may nakakalokong ngiti sakanyang mga labi.

Halos hangin lang ang naging pagitan ng mga nangyari. Naramdaman ko na lang na nakasandal na ako sa nakasaradong pinto. Ang magkabila kong braso ay hawak niya. Sa loob loob ko lang ay gusto ko ng sumabog sa galit dahil sa ginagawa niya ngayon.

"Hear me out first, babe." malambing niyang sabi sakin. Imbis na kiligin ako sa ginawa niya ay napa irap na lang ako dahil sa inis.

"Hear my ass, jerk." napatawa na lang siya ng mahina dahil sa sinabi ko. Alam naman niyang mabilis akong mainis kahit sa konting bagay lang tapos ngayon iniinis pa niya ako. Minsan nga nagtataka ako kung bakit kaming lahat na magkakapatid ay mabilis magalit o mabilis mainis sa isa't isa. Wala naman sa lahi namin ang ganito. Kaya hindi ko alam kung bakit kami mabilis mainis sa isang bagay.

"Talk now." tipid kong sabi sakanya. Umiling naman siya kaya nagtaka ako. Sabi niya gusto niyang marinig ko ang explanation niya tapos ayaw niyang magsalita. Baliw lang? Hindi kaya nakakatawa.

Umirap ako sa harapan niya. Pero ang mga sumunod na nangyari ay ikinagulat ko talaga. Binuhat niya ako na parang bagong kasal tapos ay inilapag niya ako sa kama. Pagkatapos niyang gawin iyon ay hinalikan niya ako sa labi na lalo kong ikinabigla. Dang! yung puso ko parang sasabog sa ginagawa niya. Kumalas siya sa halik at ngumiti ng sobrang tamis.

"Damn it! you know it is hard to keep my sanity whenever I kiss you." napatulala na lang ako sa sinabi niya. What the heck! Feeling ko namumula ako dahil sa sinabi niya. Sanay naman na ako sa mga cheese words ni Shawn pero minsan talaga ay namumula ako dahil hindi ko naman ini expect na sasabihin niya ang mga salitang iyon.

Merclues UniversityWhere stories live. Discover now