3

7.5K 156 11
                                    

3

Umiyak ako buong magdamag. Nasaktan ako sa mga sinabi nya, sobra akong nasasaktan sa mga ginagawa nya.

Rinig ko sa kwartong tinutulugan ko ang mga ungol na galing sa kwarto nina Ken... Sa dating kwarto namin ni Ken.

Nagising ako na masakit ang ulo ko dahil nga sa kakaiyak.

"Baby, sorry. Malungkot ka din ba kagabi kasi malungkot si mommy?" Hinaplos ko ang tyan ko.

Limang buwan na akong buntis and yes, hindi alam ni Ken.

Siguro wala na talaga syang pakialam sa akin at hindi man lang nya nahalata na lumalaki ang tyan ko.

Bumangon na ako at naghanda ng breakfast. Ininit ko na lang ang niluto ko kahapon at ginawang fried rice ang kanin.

Kumain na ako at naligo dahil balak kong pumunta sa doctor para sa check up ng baby namin.

'Good morning! Eat your breakfast since you skip real dinner last night~~~ -Faith'
Nagsulat ako sa sticky note at kinapit iyon sa ref bago umalis.

Gusto kong malaman nya na hindi pa rin ako sumusuko. I still love him so I will never quit kahit masakit.

"Mrs. Zamora, your baby is unhealthy. Are you eating healthy foods? Maybe you are using cigarrettes or something?"

"Hindi naman po, Doctora. Maayos din po ang pagkain ko." Sagot ko naman kay Dra. Burgos.

"I see. Depression, are you stressed?"

"Ahh... Opo."

"Hindi yan maganda sa baby, Mrs. Zamora."

May ilan pang sinabi sa akin si Dra. Burgos na dapat iwasan ko para maging healthy si baby. Umalis na ako pagkatapos at pumunta sa mall para maglibang ng konti.

Pumunta ako sa department store para magtingin ng mga gamit sa baby.

Imagine kung kami parehas ni Ken ang pipili ng gamit ni baby. Hindi ko maiwasang mapangiti sa iniisip ko.

Kailan kaya ang tamang panahon para sabihin ko ito kay Ken? Hindi ko agad ito sinabi sa kanya noon kasi akala ko mapapansin nya pero hindi.

"Faith?" Napalingon ako nang marinig ang pangalan ko.

Napatakip naman ako sa bibig ko nang makita si Lance. Kaibigan ko sya simula highschool.

"Lance, kamusta?"

"Mabuti naman. Ikaw? Wait! Buntis ka?" He ask at tumingin sa tiyan ko.

Buti pa sya nahalata.

"Ahh.. Oo."

"Congrats."

"Hey!" Pinalo ko sya sa braso nang makita ko ang pangkadismaya nya nang makompirma ito.

"I still cant believe that you chose that guy over me." Bitter nyang sabi.

"Lance naman."

"Okay. Titigil na ako. Pero yung totoo Faith, are you happy living with him? You look so..." Nagaalangan pa sya.

"Ugly? Naku Lance, alam ko. Siguro girl itong baby ko at nakukuha nya ang kagandahan ko." Biro ko na lang para maiba na ang topic.

"Wala ka palang kasama?" Tanong ko.

"Wala. By the way, nakakain ka na? Kain tayo!" Yaya nya na hindi ko naman tinanggihan.

Nagkwentuhan kami sa mga pangyayari sa buhay namin pero sya yung mas madaming naikwento kasi ano ba naman ang maikwekwento ko?

Kakabalik lang pala nya mula sa States. Umalis kasi sya sa Pilipinas nang maikasal kami ni Ken.

"Sobrang nasaktan talaga ako kaya ako umalis." Biro nya. Ngumiti na lamang ako at tumingin sa daan. Inihahatid(?) nya kasi ako pauwi.

"Ay naku naman Lance! Sige na, bye na at baka hinihintay na ako ni Ken." Paalam ko sa kanya. Binaba nya ako sa tapat ng subdivision.

"Pinagseselos mo ako Faith ha." Nagpout pa sya.

Hanggang ngayon, hindi pa rin sya nagbabago. Palabiro at masayahin pa rin.

"Where have you been?" Tiningnan ko si Ken na nanunuod ng tv. Tumabi naman ako sa kanya sa sofa.

"Sa mall." Masaya kong sagot. Bakit ba? Tinanong nya ako, ibig sabihin, may care pa rin sya sa akin. Ay kilig na ako!

"With whom?"

Oh tingnan nyo! Mukhang magseselos pa yata! Cutie ng asawa ko!

"Wala. Tulog ka pa kanina sana nasamahan mo ako---"

"Wag mo akong pinaglololoko Faith! Sinong lalaki ang naghatid sayo?!" Hinawakan nya ng mahigpit ang braso ko.

"K-en.. Nasasaktan ako."

"I dont care! Sabihin mo sa akin kung sino yung gagong yun! Ano?! Sumusuko ka na? What happen to your 'give me a week?' Suko ka na eh, tapusin na natin ito." He said at tinulak ako sa sofa.

"No.." Yun na lamang ang nasabi ko.

Binato naman nya ang vase sa may gilid ng sofa at naramdaman ko ang hapdi sa pisngi ko.

One Week AgreementTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon