4

6.8K 164 11
                                    

4

"K-en.. Nasasaktan ako."

"I dont care! Sabihin mo sa akin kung sino yung gagong yun! Ano?! Sumusuko ka na? What happen to your 'give me a week?' Suko ka na eh, tapusin na natin ito." He said at tinulak ako sa sofa.

"No.." Yun na lamang ang nasabi ko.

Binato naman nya ang vase sa may gilid ng sofa at naramdaman ko ang hapdi sa pisngi ko.

Nakita nya ito pero hindi man lang nya ako tinulungan at umalis na naman sa bahay.

Ang tanga ko ba? Nagpapakagago ako para sa lalaking yun? Sa lalaking kahit konti ay walang pakialam sa akin? Kailan kaya ako magigising sa kahibangan ko, mukhang hindi naman sya magbabago.

Umakyat na lang ako sa kwarto. Pinigilan ko ang sarili ko na umiyak at nanuod na lang ng wedding video namin habang ginagamot ko ang sugat sa pisngi ko.

"Ganyan kamahal ng daddy mo si mommy." ...Dati. Kinausap ko ang baby namin.

Ang saya mo jan, Faith. Ano nang nangyari ngayon?

Pinanuod ko kung paano ako niyakap ni Ken bago ako halikan sa harap ng mga tao na kumakantsaw sa amin.

*ring*

Kinuha ko ang phone ko nang bigla itong magring. Nakatanggap ako ng text from unknown sender.

[Faith! Ako nga pala yung pinaasa mo. HAHAHAH.]

Napangiti na lamang ako. Ito talagang si Lance...

[Hindi naman kita pinaasa. Duh! Pinagtabuyan na agad kita.] Sinakyan ko ang trip nya.

*ring*

Sinagot ko ang tawag nya.

"Wag naman sanang ipagdiinan ano?" Sabi nya sa kabilang linya.

"Ano kasing trip mo? Loko ka din eh." Natatawa kong sabi.

"Wala naman. Im just bored and I want to mess with you, paasa ka kasi."

"Bored? Maglaro ka na lang ng word cookies, idadamay mo pa ako ay inaantok na ako. Pag hindi naging healthy baby ko, ipapatapon kita sa North Korea, makikita mo."

"Wag naman sana, ipapakalat ko muna ang gwapo kong lahi."

"Yabang na naman nya uy! Baka marinig ng baby ko ang kasinungalingan mo. Hahahahah."

Puro biruan lang ang pinagsasabi namin at mga 10 o'clock na nang magpaalam ako kasi inaantok na ako.

"Sasamahan kita sa isang araw ha." Sabi nya. Naikwento ko kasi kanina na kailangan kong bumalik sa doctor sa isang araw.

"Wag na nga!"

"Why? Are you with Ken?" Tanong nya at napabuntong hininga naman ako. I wish...

"Not sure. Baka may gagawin sya." Sabi ko na lang.

"Basta sasamahan kita. Bye na! Sleep well!!" Masigla pa rin nyang sabi.

ΔΔΔΔΔ

Tanghali na nang lumabas ako ng kwarto. Hinanap ko si Ken at nakita ko ito sa kusina na nagtitimpla ng kape.

Lumapit ako sa kanya at niyakap sya mula likodan. Agad naman nya itong kinalas at naglakad na sa may sala.

"Ken, Im sorry." Sabi ko.

Ako ang may kasalanan. Nagsinungaling kasi ako sa kanya na wala akong kasama pero meron.

"Why are you still here? Di ba suko ka na?" Sabi nya and took a sip of his coffee.

"I will never." Matigas kong sabi at lumapit sa kanya.

Niyapos ko ang braso nya at balak sanang halikan sya sa pisngi nang itulak nya ako.

"What the hell are you doing?!" Napatayo ito at mukhang diring diri sa akin.

"Ken..." Malungkot kong tawag sa kanya.

"You should have leave here earlier. Bakit nandito ka pa rin? Sinasaktan lang naman kita? Hindi na kita mahal, understand? I dont love you anymore so lets just divorce."

"Hindi pwede."

"Pwedeng pwede kasi pinapalayas na kita." Madiin nyang sabi.

"Ken... May sasabihin ako."

One Week AgreementTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon