8

6.7K 132 3
                                    

8

Nagising ako sa kwarto ko.

Anong nangyari? Hinawakan ko naman ang tyan ko, hinamplos ko ito at naramdaman ang pagsipa ng baby ko.

Okay ang baby namin.

Tumayo ako at lumabas ng kwarto para kumuha ng tubig. Wala nang masakit sa akin.

"Good morning!" Masayang bati ko kay Ken nang makita sya sa kusina.

"Continue cleaning the house." Sabi nya at umalis na dala ng kape nya.

Kumuha naman ako ng tubig at dinala ito sa kwarto. Kinuha ko ang vitamins at gamot ko sa drawer malapit sa kama ko at ininom ang mga ito.

I need to be healthy. Our baby needs to be healthy.

[Are you still mad at me? Im sorry.]
Basa ko sa huling text sa akin ni Lance.

Nireply'an ko na naman sya ng 'hindi'.

*ring*

"Faith! Sorry na! Gwapo lang ako pero minsan nagagalit din! Sorry na naman!" Pangbungad nya sa akin.

I love how he handle this situation. Dahil kung magdadrama pa sya sa akin ay hindi ko na alam ang sasabihin.

Im not mad at him, though.

"Sorry din ha. May mga nasabi ako, sorry kung nasaktan kita dun."

"Totoo naman yun eh. I forgive you and I will never be angry at you."

Hindi ko alam ang sasabihin kaya tumahimik na lang ako.

"Uhmmm, Faith! Do you want to go out later, sasamahan kita sa mall kasi baka hindi ka pa nakakabili ng mga gamit para sa inaanak ko?"

Pumayag naman ako na magkikita kami ng mga alas tres sa mall. Tinapos ko na ang tawag para makapaglinis agad ako.

*ring*

Sinagot ko ang tawag.

"Faith?" Its Lance.

"Oh! Bakit?" Masayang sabi ko.

"Where are you? Malapit ka na ba?"

"Ha? Saan?"

"Ouch! Binibiro mo lang naman ako di ba? Nandito lang ako sa Starbucks ha, iintayin kita. Excited na akong mamili ng gamit para sa inaanak ko."

Oh. My. God.

I completely forgot! Anong nangyayari sa akin? Meron nga pala kaming lakad ni Lance!!

Buti naman at nakaligo na ako kaya naman nagsuot na lang ako ng pang buntis na dress.

First time kong magsuot ng ganito.

Nadatnan ko si Lance na naghihintay.

"Kanina ka pa?"

"Simula pa highschool ako naghihintay, ngayon pa ba ako maiinip?" Pinalo ko sya sa braso.

Parang walang nangyaring sagutan sa amin kahapon ah.

"Ang cute ng design nito, Faith oh!" Tuwang tuwang sabi ni Lance. Pinakita nya sa akin ang crib na sunflower ang design. Parehas kasi naming fave ang sunflower.

"Happy ka ah. Ikaw ang ina?"

"Ninong ako nyan!"

"Ang cute nga kaso malay mo boy ang inaanak mo." Sabi ko na lang.

"Ay oo nga. Dun na lang tayo sa mga diapers and bottles." Sabi nya.

Naglibot libot pa kami at ang dami na naming napili.... Ang dami nang napili ni Lance. Pabibo din ito, akala mo sya ang ina.

Nagtingin na lang ako ng mga pacifier habang si Lance naman ay kausap yung salesman kasi may binibili syang maliit na house, yung laruan ng mga bata at kinukuha pa sa stockroom.

Kukunin ko sana yung pacifier na nagustuhan ko nang biglang kumirot ang ulo ko. Unti unting nagiging black ang paligid.

Napaupo na ako sa sahig at bago malawan ako ng malay ay nakita ko ang nagaalalang mukha ni Lance na papalapit sa akin.

One Week AgreementTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon