14

6.9K 187 29
                                    


Apat na taon. Apat na taong pabalik-balik ako sa puntod na ito.

Ilang taon man ang lumipas ay parang hindi ko pa kayang malimutan ang lahat.

Napakasakit.

Nilagay ko sa puntod ang bulaklak na dala ko at umupo sa mat na nakalatag sa damuhan.

Hindi maganda ang panahon na parang nakikiramay ito sa akin. Maulap at madilim ang kalangitan. Gayunpaman ay mas pinili ko pa rin na ito ay pagmasdan.

Sa pagkalipas ng apat na taon ay nagbago ako. Nagbago ako dahil sa mga nangyari sa buhay ko. Ang pinakamamahal ko na babae ay nawala sa akin.

Nawala sya nang hindi pa man nagiging akin. Hindi ko man lang sya nahalikan at nag-alagaan. Hindi ko man lang naramdaman ang pagmamahal nya para sa akin.

Napakasakit.

This feeling is killing me for years.

I try to move on. I want to move on. Alam ko kasi na ayaw nya na maging ganito ako. Buhay nga ako pero parang patay na din naman.

Napatitig ako sa kalangitan na ngayon ay napakadilim na. Simula nang nangyari iyon ay parang nagustuhan ko na ang mga bagay na parang walang buhay.

I start to like the dullness in every things I see.

Weird pero pag nakakakita ako ng mga bagay na ganun ay nakakalma ako. I am at peace. My heart is at peace.

"You want me to move on, right?" Tanong ko.

Yes, kinakausap ko ang nasa puntod. Asa naman na sasagutin nya ako. Still, I try. I did this everytime. I talk to her like other people talk to their pets or plants. Trying to open a conversation even if they know that no one will answer them.

"Okay ka lang naman jan di ba?"

"Binabantay mo ba ako jan?"

"I want to move on."

"Baby, I'll be leaving you here. May kailangan lang akong puntahan. This will help me to move on."

"Babalikan kita."

Tatayo na sana ako para umalis nang tumunog ang phone ko.

"Hello?"

[Are you ready?]

"Yes." Tumayo na ako at nagsimulang maglakad.

[Do you want me to meet you there?]

"No. Paalis na ako."

[Alright. I am expecting that you will not back out again.]

Pinatay ko na ang tawag at nagsimulang magmaneho.

Tatlong oras din ang tagal ng byahe papunta sa Maynila kaya minabuti kong magpatunog ng music habang nasa byahe.

Acoustic musics are playing. It somehow calm me.

Today is the start of my plan of moving on.

Wala na sya at hindi na babalik pa.

Sinisisi ko ang sarili ko sa pagkawala nya pero alam kong hindi dapat. Dahil may isang tao na syang talagang dahilan kung bakit nawala sya.

Susubukan kong makalapit sa kanya. Gusto kong mapalapit sa kanya para maghiganti.

I want revenge.

I need revenge.

And I will seek revenge.

Ken Zamora, be prepare because I am coming. Kukunin ko lahat ng meron sayo hanggang maramdaman mo kung gaano kasakit ang mawalan ng tao o bagay na napakahalaga sayo.

Hapon na nang makarating ako sa Maynila. Bago ako pumunta sa condo na aking tutuluyan ay dumaan muna ako sa isang mall para bumili ng pagkain.

Nagsuot muna ako ng cap bago bumaba. Nakasuot ako ngayon ng pants at plain gray shirt.

Dumeretso agad ako sa isang pastry shop para bumili ng donuts and cakes na paborito ko. Ilan mang problema ang dumaan, gaano man ito kasakit at kahirap, hinding hindi magbabago at maaalis ang pagkagusto ko sa mga pastries.

Hindi pa handa ang binili ko kaya umupo muna ako sa isang high stool ng shop.

While waiting, I grab my phone and text Lance.

Malapit na ako. I am just buying some pastries.

I open a the camera para mag-picture at isend ito kay Lance. Trip nya daw kasing magkolekt ng mga pictures ko kasi dun daw lang nya ako nakikitang nakangiti--kahit minsan ay halatang peke at least, alam pa daw ng labi ko kung paano ngumiti.

Tinapat ko sa akin ang camera at halos mabitawan ko na ang hawak na phone nang makita ang tao sa background.

Nakatagilid man, nakatalikod o kahiy anino lang, alam ko kung sino sya. I can't be wrong.

He is on his corporate attire at may kasama syang babae. They are talking happily in one of the table here in the shop.

Ken, how can you be happy after what happen?

========

Err... Akala ko wala nang nagbabasa nito dahil nilipat ko sa wattpad at hindi na sa FB so hindi na ako nag-update at dapat last chapter na yun. Sadyang pabitin!

Sorry sa mga naghintay~~

Excuse some grammatical errors, mabilisan ko lang itong ginawa. Tatlo kasi ang math namin so torture ang brain ko. 😹😹

One Week AgreementTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon