15

6.7K 156 12
                                    


"Lance!" Sigaw ko matapos makapasok sa condo nya.

Agad ko naman syang nakitang patakbong lumapit sa akin at niyakap ako. Uhm, super hug? Super higpit kasi ng pagkakayakap nya sa akin, para bang napakatagal na na hindi kami nagkita. At super haba rin, hindi ba sya makapaniwala na nandito na ako?

Last year kasi, sabi ko, pupunta ako dito sa Maynila pero hindi natuloy. Hindi ko pa kaya that time.

Hindi na ako masyadong nagluluksa nun pero hindi ko pa kayang makita ang mukha ng lalaking dahilan kung bakit nawala ang anak ko. Baka mapatay ko pa sya pag nakita ko.

Now, I can handle my anger and bravely face him.

"Awat na, Lance. I can't breathe."

"I love you too."

"Huh?" Nagtatakha kong tanong sa kanya na ngayon ay may nakakalokong ngiti.

"Hindi mo ba napanood ang movie ng KathNiel? Pag sinabi ni Kath na 'I can't breathe', that means I love you." Paliwanag nya at napataas na lang ang kilay ko.

Ang weird talaga ng lalaking ito. Kalaking lalaki ay nanunuod ng mga romantic movies. Hindi na ako masha-shock if malaman kong nanunuod na din sya ng usong KDrama ngayon.

"Ewan ko sayo." Sabi ko at naglakad na papalayo sa kanya.

Pumunta ako sa sala at umupo ng sofa. Sumunod naman sya sa akin.

"Bakit hindi ka na nag-send ng picture kanina? Di ba sabi ko, starting nung last year, magsend ka lagi ng picture?" Nag-pout pa sya.

Cute sya. Pero hindi ko sasabihin yun, baka lumaki pa ang ulo... Sa taas!

"Ang pangit kasi ng background." Sabi ko.

Half truth and half lie. Maganda naman ang shop na napuntahan ko, lively ang paligid pero pumangit dahil sa taong nandun.

Pero hindi ko sasabihin yun, again!

"Hindi naman background ang titingnan ko!" Angal nya at mas lalong nag-pout at may padabog pang nalalaman.

Isip-bata.

Nakita ko ang katangian nyang ito nang makasama ko sya sa loob ng apat na taong lumipas.

May pagka-weird sya dati at medyo isip-bata pero ngayon ay mas lumala. Lagi na syang nagpa-cute sa akin--o tingin ko lang ay nagpapa-cute sya? Kahit ano namang gawin nya ay nagiging cute!

And yes, Lance has been with me this past few years. Nandyan sya nang sobrang lungkot ko, nandyan sya nung mga panahon na walang wala ako. Nandyan sya para saluhin ako at patibayin ang aking sarili.

So I can say that Lance is the reason why I am here... Why I am still alive.

"What I want to see..." Napaharap ako kay Lance nang maramdaman ang kamay nya sa bewang ko. Pinulupot nya iyon at mas lalong sumiksik sa akin. Ang mukha nya ay nakabaon sa leeg ko.

"What I want to see is the face of my gorgeous fiancee." Ramdam ko ang init ng hininga nya na tumama sa leeg ko.

"Lance!"

"Uhm?" He start planting kisses on my earlobe and neck.

"Lance!" Saway ko ulit pero hindi naman sya nakinig.

I love this side of him na sweet pero nakikilito ako sa ginagawa nya at wala ako sa mood ngayon. May sumira ng mood ko.

"Lance, I am tired." Sa pagkakasabi ko nun ay saka lang sya tumigil. Umayos sya ng upo at hinawakan na lamang ang kamay ko.

"Kumain ka na ba?" I turn my head left and right.

"Nagluto ako, tara muna kumain." He guide me to the mini kitchen where the dining table is placed.

He move the chair for me. Such a handsome gentleman. Pinaupo nya ako at inutusan na wag kumilos at sya na ang maghahain.

Can he be sweeter?

Naghalumbaba na lang ako habang pinapanuod syang maghanda. He put the plates and utensils on the table. Saka naman nya binuksan ang ref para kumuha ng maiinom.

"Just water." I said kaya tubig lang ang kinuha nya sa halip na fruit juice.

His specialty, steak, ang kinain namin. Sya pa mismo ang naghiwa nito para sa akin.

"Lance naman! Sabi nang kaya ko naman---"

"Ahhh~" Napatigil ako sa pagsasalita at kusang bumuka na lang ang bibig ko para makain ang sinusubo sa akin ni Lance.

Pinaikot pa nya yun na parang airplane.

Anong tingin nya sa akin, bata?

"Isa pa. Aahhh~~" Inikot nya ang tinidor na may steak at sinubo sa akin.

"Masarap ba?"

"As always."

"Gusto mong dessert?" Tanong nya.

"Ano namang dessert?" Nakita ko ang pilyo nyang ngiti.

"Ako."

Napa-ubo ako at kinuha ang kutsilyo sa tabi ko at tinutok sa kanya. Natatawa namang tinaas nya ang kanyang kamay na parang sumusuko.

"Joke lang."

Ang kulit talaga!

Napatawa na lang ako sa kakulitan nya 'eh.

One Week AgreementTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon