6
4th day na pero parang hindi pa rin nagbabago ang ugali ni Ken. Wala na ba talaga?
"Lance, yun yung center." Kasama ko na si Lance, pupunta na kami sa doctor.
Pinark na nya ang kotse nya at dali dali syang bumaba para pagbuksan ako ng pinto.
"Ito nga pala ang gentleman na gwapong cute na sinayang mo." Sabi nya.
"Loko ka talaga. Kaya mo ba ako sinamahan para kulitin ako?"
"Oo." Tumawa sya.
"Malusog naman ang godchild ko di ba?" Tanong nya nang makapasok na kami sa clinic.
"Godchild?"
"Bakit? Papaasahin mo na naman ba ako? Hindi mo man lang ako gagawing ninong?" Nagpout ito.
Kinurot ko ang pisngi nya. Ang cute cute ni Lance.
"Ouch!"
"Sorry." Tinigil ko na ang pagkurot sa pisngi nya at naglakad na kami papunta sa office ni doctora.
"Cute yang inaanak ko. Ako kasi yata ang pinaglilihihan mo." Sabi pa nya bago kami pumasok.
"Ewan ko sayo."
"Good morning Mrs. Zamora. Oh! And Mr. Zamora." Bati sa amin ni doctora.
"Ahh.. Hindi po ako ang asawa nya." Napakamot sa batok si Lance.
"Ah ganun ba, pasensya na. Please sit down."
Hindi pa rin maganda ang lagay ni baby. Tinanong na din ako ni doctora kung gusto ko ba daw malaman na ang gender ni baby pero sabi ko, wag muna.
Gusto ko, sabay kami ni Ken na makakaalam.
"Pinapahirapan ka ba ni Ken, bakit nasstress ka. Kawawa tuloy ang inaanak ko." Sermon sa akin ni Lance nang makalabas kami sa clinic.
Bigla namang nawalan ako ng balanse at feeling ko ay babagsak ako, mabuti at nasalo ako ni Lance.
"You are loosing balance, are you eating healthy? You should eat fruits and veggies. Gusto mo samahan na din kita magyoga? Maganda daw yun for the baby." Sunod pa nyang sabi.
"Ano ba Lance, wag na."
"Okay. Basta alagaan mo ang sarili mo, hindi lang ikaw ang mapapahamak kapag nagpabaya ka. May bata sa tyan mo, Faith." Napatingin ako kay Lance, seryoso kasi ang tono nya.
Hindi ko mapigilan pero naiingit ako sa magiging asawa nya.
Namumuo na ang luha sa gilid ng mata kaya naman pasimple ko itong pinahid at baka mahalata pa nya.
"Faith, bakit pala inakala ni doctora na ako si Ken? Hindi ka ba nya sinasamahan?"
"Ahhh.. Ehh..." Kita ko ang paglingon nya sa akin at biglang tinigil ang kotse sa may tabi.
"Tapatin mo nga ako Faith. May ginagawa ba sayong masama si Ken?" Hindi ko alam pero ramdam ko ang galit sa tanong nya.
"Hindi. Wala wala." Napatingin na lang ako sa labas.
"Shit!" Nabigla naman ako nang hampasin ni Lance ang manubela.
"San ang bahay nyo?"
"B-bakit?" Kinakabahan kong tanong.
"Kakausapin ko lang si Ken."
"Lance... Wala talagang nangyayari. Maayos kami ni Ken."
"So ano yang sugat mo sa pisngi? Bakit sabi ni doctora dapat wag kang mastress? Hindi ko lang pinapansin pero hindi na ikaw yung dati kong nakilalang Faith. Masigla sya eh, ikaw, kahit pilitin mo na maging masaya ang boses mo, nahahalata ko pa rin ang lungkot."
"Lance..." Umiyak na ako sa harapan nya.
"I want to talk to Ken, Faith."
BINABASA MO ANG
One Week Agreement
Short StoryHIGHEST RANKING : #3 IN SHORT STORY "What?" "I filed our divorce papers." "Why?" Uutal utal ko nang sabi. "I want to end everything." Cold nyang sabi. "But I dont want to!" "Wala kang karapatang tumanggi sa lahat ng inuutos ko. You know how we st...