Bagong Simula

121 7 0
                                    

Presko pa ang gabi't may preskong presensya din ang lumabas mula sa isang taxi na may pasan-pasang napakalaking backpack na tila mas malaki pa sa kanyang katawan. Nang makalabas ay agad din niyang pinuntahan ang likuran ng sasakyan upang ito'y buksan at kunin ang dalawang maiitim na maleta. Pagkatapos niyang mahila ang isa ay tsaka pa nakalapit sa kanya ang uugod-ugod na taxi drayber.

"Kailangan mo ba ng tulong, hija?"-Drayber

"Ay oo nga sana, manong, kaso parang mas kailangan niyo ho yata nun."-Babae

"Ano ka mo?"- Drayber

"Wala ho. Okay lang po ako, salamat."- Sagot niya habang matagumpay niyang naipalabas ang isa pang bagahe.

"Sige. Ako'y mauuna na." Sagot naman ng drayber na papasok na ulit sana sa taxi.

"Ay manong sandali lang ho!" Tawag nung babae habang papalapit sa drayber. May hinugot siya mula sa kanyang bulsa, isang wallet. "Hindi pa ho ako nakakapagbayad. Ito ho, salamat ulit." Sabay ngiti ng pagkatamis tamis at hawak dun sa balikat nung driver.

"Hay nako, wag mo akong ngitian ng ganyan, hija. May asawa na ako. Sorry not sorry." Pagmamayabang nung matandang drayber nang kunin nito ang bayad at tatango- tango pa na parang matinee idol.

"Ahaha, kayo naman ho, lolo. Sige na nga ho, alis na ako." Tinalikuran niya agad ang drayber sabay kinuha ang dalawang maleta sa magkabilang kamay at agad na nagtungo sa isa sa mga nagbabantay na gwardiya sa labas ng gate ng Sacrosanct Girls Montessori College.

"Good evening po, kuya guard. Bagong salta ho ako rito. Ito po yung admission form ko, patulong naman po." Magiliw niyang sabi sa lalaki.

Inusisa muna nung gwardiya ang form bago ito nagsalita sa isang walkie-talkie.

"New student, about to enter." Napataas ang dalawang kilay nung babae sa inasta ng gwardiya, sosyal! Napansin din niyang ang kausap nung gwardiya ay iyong isa pang gwardiya na nakapwesto sa loob ng skwelahan at agad itong may pinindot na kung ano sa may gilid ng bakuran, dahilan upang gumalaw iyong gate at tuluyang magbukas.

"This way, ma'am." Sabay ngiti nito sa babae.

"Thank you." Pormal niyang sabi, bilang pagresponde sa pormal na pakikitungo nung gwardiya.

'Nasa loob lang pala may pa walkie-talkie effect pa tong si koya. Akala mo naman kung ano ako.'

Napaisip nalang si Epey. Hayst, modern world. Pero whatever it is, ang importante nasa new world na siya. Pumasok na siya at pagpasok niya'y talaga namang napa nganga siya sa ganda ng lugar. Kung titingnan kasi sa labas ay parang isang napaka striktong paaralan lang, pero pag pumasok ka na pala ay talaga namang mamamangha ka. Para itong mamahaling hotel na may enchanted garden.

"Are you okay, ma'am?" Tanong nung isang guard na nakapwesto sa loob.

"Huh? Uhm, yes. Sir, will you help me find my dorm? I'm not really good at maps kasi eh."- Mahinahon niyang request sa gwardiya.

"I can only give directions, vocal directions, but I'm afraid I can't take you to your dorm, ma'am. It's a strict policy for us, guards, to not leave the entrances where we're assigned to." - Mainam namang sagot nung gwardiya.

"Oh, I see. Well, guess I have to find it myself. It's fine," ito nalang ang nasabi niya sa gwardiya. Pero hindi naman siya nainis o ano. Nakangiti pa nga siya eh. At kahit nahihirapan ay pinilit niyang hanapin ang kanyang titirahang dormitory. Hindi rin biro ang kanyang paghahanap, bagamat may kalakihan din ang skwelahan at ang mga buildings na nakapaloob dito.

Makalipas ang ilang sandali ay himalang nahanap na rin niya ang dorm na titirahan niya.

Hindi man first class na maituturing eh halatang mamahalin pa rin ang itsura ng building. Tila isang 5 star hotel nga ang porma na may lobby pa sa unang palapag. Ang kaibahan nga lang ay wala itong receptionist, pero may isang middle-aged na babaeng nakaupo sa isa sa mga upuan sa lobby habang abala sa pagbabasa ng libro. Nakasuot siya ng isang long-sleeved na velvet night gown na kulay berde at flat sandals. Pansin din ang makikinang na salamin sa kanyang mga mata na mas nagningning pa nang bahagya itong tumingin sa deriksyon nung dalaga. Napansin yata ang kanyang presensya.

The UnlikablesWhere stories live. Discover now