Kinaumagahan, maingay na tumunog ang alarm ni Epey, 6:00 AM. Minsan din talaga napapaisip siya kung pano pumatay ng inventor ng alarm clock. Pero no choice, so sa halip na maglumpasay ay agad niya nalang 'tong pinatay at bumangon. Medyo excited na nga rin siyang maligo dahil sa hindi nga siya nakaligo kagabi. Kaya lang may problema, lahat ng mga gamit niyang pinaghirapang i-arrange kagabi ay nagkalat na ngayon sa sahig. Napanganga pa siya nang tumayo't tuluyang matanaw ang kalat sa kanyang parte ng kama. Napatingin siya sa kama nung Violet-head pero wala na ito rito. Siyempre wala na siyang ibang pinagdududahang gumawa nito. Makalipas ang ilang segundo ay nagbukas ang pinto ng kwarto nila't pumasok si Violet-head. Basi sa suot nito, mukhang galing nag-jog ang teta mo.
"Oh, nice view."- Sarkastiko nitong bati sa kanya at dumiretso sa CR. Inis na inis naman si Epey sa nangyari at sa status niya ngayon, parang mauuna pa siyang sumabog kesa sa nag-aalborotong bundok sa kung kung saang lupalop. Hindi pwedeng hindi siya makaganti sa gumawa nito sa kanya. Kaya pinuntahan niya ang cabinet na nasa tabi lang ng kama niya. Binuksan niya ang ito at may kung ano siyang inilabas mula rito. Samantala, sa loob ng CR ay magiliw na nagsashower ngayon ang babaeng salarin. May pa-hum hum pa itong nalalaman nang bigla niyang mapansin ang maitim na gumagapang sa sahig ng CR nila.
"Aaaaaaahhhhhhh!!!! What the fuck is this thing?!!!" 'Di magkamayaw ang pagsigaw niya mula sa CR na talaga namang ikinatuwa ni Epey na ngayon ay hagalpak na sa kakatawa. May de remote na ahas kasi siyang ipinagapang sa loob ng CR.
Makalipas ang ilang minuto ay lumabas na ng CR si Violet-head suot ang kanyang maroon na bathrobe. Halatang nagmadali itong lumabas dahil wala man lang towel ang kanyang ulo at kita pa ang maliliit na bula sa buhok nito.
" You bitch! How dare you!" Pagsigaw niya kay Epey sabay hagis ng towel dito na hindi rin naman nagpatigil sa pagtawa nito.
"Oh, nice reaction. Hahahahaha!"-Sarakatiko niyang banat.
"Bitch"
"Sige na, maligo ka na ulit. Wag kang mag-alala, sayo na si Thania. Sa ibang cr nalang ako maliligo."-Dali dali namang lumabas ng kwarto si Epey dala dala ang isang backpack, mas maliit kumapara sa kagabi niyang pasan pasan. Mukhang mga gamit panligo, tuwalya't uniform lang ang laman nito. Nga pala, Thania pala 9 pangalan nung di remote na ahas.
"Aaahhhh! I don't care about this fucking snake, you bitch!" Napatawa nalang siya nang marinig ang pahabol nitong sigaw mula sa loob ng kwarta.
Samantala, balik sa issue ng pagligo ay hindi rin pala siya masyadong sigurado kung papaliguin ba siya ng iba niyang dormmates sa palapag nila kaya diretso nalang siyang lumabas para hanapin ang Gym ng school. Naisipan niyang sa CR nalang siya nito maliligo.
-------
Pagkatapos makapuslit ng pagligo at pagbihis sa gym eh dumeritso na si Epey sa building na papasukan niya, ang Literature Complex Building. Yes, sa skwelahang ito, separated ang mga studyante base sa kung anong specialization nila. May iba't ibang klase ng specializations dito. May mga studyante sa medical department. Sila yung mga gustong maging nurses, medical technologist, physical therapist, at doctor. Sila din ang may pinakamalaking population sa Sacrosanct, dahil kadalasan nga raw sa mga kababaehan ay nararapat sa field na ito. Siyempre, pinakamalaki rin ang building nila. Kasunod naman sa may pinakamalaking population sa Sacrosanct ay ang mga estudyanteng nag-aaral ng social sciences. Pangatlo ang mga nag-aaral ng business. Tapos ang mga manunulat na kinabibilangan ni Epey. Mayroon ding mga nag aaral maging artista sa tv man o sa theatre, at siyempre, mawawala ba naman ang department kung saan maiisip mo kung gaano ka ka walang hiya't makasalanan? Walang iba kundi ang divinity school.
Habang naglalakad sa corridor ay napansin ni Epey na halos lahat ng mga estudyanteng nakakasalubong niya ay puro magaganda. Magaganda yung balat, ngipin, buhok, mukha... basta maganda! At kahit na medyo makapal ang uniform nila dahil may tuxedo ito eh halata pa rin ang ganda ng mga katawan nito. Pink na long-sleeve pala na may maroon na tuxedo ang pang-ibabaw nila kapares ang isang knee-level na gray skirt, white stockings at three-inch heeled black shoes. Conservative kung tutuosin, kaya lang may problema. Kahit na conservative na maituturing si Epey ay hindi siya marunong magsuot ng sapatos na may takong, at sa halip na ito ang suot niya, ay sketchers na running shoes na may kombinasyong itim at puting kulay ang suot niya kasama ang isang 6 inches below the knee level na puting medyas. Sosyal si teta! Halos lahat din ay kung 'di man naka sling bag ay naka shoulder bag, samantalang itim na backpack naman ang kanya. Kung may mga naka backpack man ay kakaunti lang at iyong tipong napakafeminine ng mga kulay at desinyo. Kaya hindi talaga maiwasang makatawag siya ng pansin. Nahalata rin niyang halos lahat ng mga mata ng mga estudyante ay nakatutok sa kanya. Pero sa halip na maintimida sa mga nakakapasong tingin ng mga schoolmates ay dedma nalang ang peg niya't nagptuloy nalang sa paglalakad hanggang sa makapasok ng classroom, na kung saan, sa kung ano mang nakakapikong dahilan ay pinagtitinginan pa rin siya ng lahat.