Ano bang mabuting gawin pag wala kang maisip gawin?
Tama bang magpatangay nalang sa kinang ng mga bituin?
Heto ako ngayon, nag-iisa sa mundong aking kinilala
Humihiling ng isang kakarampot na himala.
Sana nama'y dinggin, pusong umiiliw.
Tila ang sarili ko kasi'y malapit nang mabaliw.
Paano nga ba makukuha ang sagot
Kung ang tanong nama'y mahirap isupotHating gabi na ngunit gising pa rin si Epey, at tanging lampshade niya nalang ang pinanggagalingan ng ilaw sa kwarto nila ngayon. Tulog na kasi si Violet at ayaw niya namang ma-guilty pag di ito nakatulog ng maayos dahil nasusulaw ito sa ilaw. Bakit ba kasi pag may mga eksenang ganito ay nahihirapan siyang makatulog ng payapa? Kaya sa halip na sayangin ang oras sa paghiga sa kama at hindi rin naman makakatulog ay minabuti niya nalang na magsulat ng kung ano. Nakailang piece na nga siya eh at ngayon ay sinubukan niya na namang magsulat ng tulang Filipino.
'Pano ko ba kasi siya makukumbinsi?! Okay fine! Aaminin ko na, nagsinungaling ako kay Violet na kakaibiganin ko ang kuya niya para mapapayag ito. Ang totoo'y wala pa akong plano, gusto ko lang malaman muna ang mga bagay bagay tungkol sa kanya. Syempre, sabi nga nila, para makuha ang gusto mo, alamin mo muna kung ano talaga ang gusto mong makuha. Kung sa tao, alam mo kung sino talaga siya. Saan siya nagsimula at anong ipinaglalaban niya. Pero, ano pa nga bang pwedeng ipaglaban ng isang tulad ni Ricci?
"Hayst!" Napa-face palm nalang siya at akmang sasandal na sana. Kaso huli na nang ma-realize niyang wala palang sandalan ang upuan niya. So ayun, nahulog lang naman siya sa kinauupuan niya.
"Aaww..."
"What's wrong?" Antok na tanong ni Violet na nag-on ng lampshade.
"Wala...nagdadrama lang." Pinanindiga nalang ni Epey ang paghiga sa sahig at sinagot nalang si Violet kahit pa namimilipit na siya sa sakit. Alangan namang magdrama talaga siya ng totoo.
"Matulog ka na. We have class pa tomorrow." Suggestion ni Violet na bumalik na rin sa pagtulog. Hindi man lang tiningnan kung anong nangyari sa roommate niya. Buti na nga lang at carpeted ang sahig nila't nakajacket din ng makapal si Epey kaya parang hindi siya masyadong nasaktan.
-Kinabukasan-
Hindi pa man tumunog ang alarm ni Epey ay nagising na siya. Pero kahit na sobrang aga na ng record niyang iyon ay di pa rin niya nadadaig si Violet. Gising na kasi ito nagsisit ups na sa sahig sa may paanan ni Epey.
"Odd. Maaga ka yatang nagising?" Pasmirk na tanong ni Violet.
"Anong klaseng body clock ba meron ka? Pag klase ang aga mong gumigising tapos pag sunday para kang mantikang tulog." Antok na sabi ni Epey na bahagyang tumayo na mula sa pagkakahiya. Nagstretching muna siya bago nagsimulang maglakad papunta sa closet para kumuha ng tuwalya.
"You did not attend the tryouts yesterday, what happened?"
"Sorry, may inasikaso lang ako."
"I see. So, are you still on your goal of convincing kuya?"
"Di ko pa alam eh. Wag muna natin pag-usapan. Isa pa, hindi ko pa name-meet si JK. Kailangan ko siyang makausap para sa mga terms and regulations ng pagiging coach ko."
"Right. You really need to do that 'cause he's really in great need of help talaga. And sometimes nakakairita na." Napa eye roll nalang si Violet.
"Mukha nga." Napangiti nalang si Epey at pumasok na sa cr para maligo.
Pagkatapos ni Epey ay si Violet naman ang sumunod. Makalipas nga ng ilang sandali ay sabay na silang pumunta sa dining table na halatang wala pang katao-tao dahil sobrang tahimik rito. At ngayon lang din nalaman ni Epey na kaya pala maagang gumigising si Violet dahil gusto nitong makapagbreakfast ng mahinahon. Yung tipong walang ibang taong tumitingin sa kanya. At hindi rin pala ito sa dining area kumakain, kundi dun sa may mini garden kung saan niya ito nakita nung isang araw. Pero iba na ngayon, kasi nandiyan na si Epey.