JK's Proposl

13 7 0
                                    

Nasa kwarto na sina Epey at Violet para magprepare sa lakad nila, at kasalukuyan ng naglalagay ng make up si Violet, habang si Epey naman ay kanina pa tapos at naghihintay nalang sa roommate na matapos sa mga pinaggagagawa nito.

"Saang sagala ka ba aattend? Ang tagal mo rin eh nuh?" Satkastikong tanong ni Epey habang nakaupo lang sa kama niya't pinagmamasdan ang pagmi-make up ni Violet.

"Shut up." Sagot naman ni Violet.

"Gutom na ako. May pagkain ba dun sa pupuntahan natin?" Tanong uli ni Epey.

"Meron naman, basta may pambayad ka." Seryosong sabi ni Violet habang naglalagay ng mascara.

"Wow naman. Nag-aya ka pa talaga ha?" Medyo nainis na sabi ni Epey. Yung tipong nagulat lang pero hindi galit.

"Someone will pay for us, don't worry." Sabi ni Violet.

"Kuya mo?" Diretsong tanong ni Epey. Not realizing na parang halatang naexcite siya.

"You wanna see him?" Tanong naman ni Violet habang isinasauli sa ayos yung make up kit sabay pagtingin nang makahulugan kay Epey.

"Hindi ah." Pagdedeny niya agad. Nagsmirk lang si Violet.

"Let's go." Sabi ni Violet at ilang minuto pa'y on the way na sila sa pupuntahan nila sakay ng isang SUV.

Habang nasa loob ng sasakyan ay nag-uusap lang sila.

"Tell me about your hobbies." Sabi ni Violet. Medyo nalito naman si Epey dahil hindi naman ganito nung una si Violet.

"Bakit?" Ang tangi lang nasabi ni Epey.

"Why not?" Tanong din ni Violet.

"Tss fine, mahilig ako sa sports. Halata naman sa pananamit ko." Sabi ni Epey habang iniindicate yung suot niyang itim na jacket at gray na jogging pants. Syempre, naka-running shoes din siya.

"I see. So you think you're good at it? What particular sports are you most interested in?" Tanong uli ni Violet.

"Actually, hindi ko alam. Naglalaro lang naman ako. Yun lang." Sagot naman ni Epey.

"How about basketball? What do you know about it?" Tanong uli ni Violet.

"Basics." Simpleng sagot ni Epey.

"And by basics, you mean everything. The rules, the mechanics, the tactics, and the proper player, right?" Pag iinquire ni Violet.

"Hmmm oo. Bakit?" Naconfuse na si Epey sa kung anong patutunguhan ng usapan nila.

"Wala lang. Here, I have some questions." Sabay check sa Ipad niya si Violet. Medyo na confused na talaga si Epey kung bakit sobrang interesado nito sa basketball.
"Question number one, how many teams should there be in a basketball game?"

"Dalawa malamang." Sabi naman ni Epey na napakunot-nuo lang.

"Right. My God, Violet. What were you thinking? Anyway, second question, tell me about the court."

"Well...rectangular siya tapos at each end may mga hoop o yung ring siya, usually 10 feet above the ground. May tinatawag na mid-court line so basically tig isang half ng court ang bawat team. Sa simula nung laro ito-toss nung referee yung bola sa pagitan ng dalawang players na magkalaban. Offense ang tawag sa team na may hawak nung bola, defense naman yung isa. Pag yung offense hindi pa nakalabas sa lungga nung defense, yung sa loob ng kalahating court, within ten seconds, mapupunta sa defense ang bola. Syempre kailangang idribble yung bola kasi traveling yun pag hindi. Kailangan ding mag-ingat ng player sa paglalaro kasi baka mauwi sa foul. May personal foul, charging, blocking, flagrant, intentional, at technical fouls. Personal pag masyado ng touchy yung players. Yung tipong mananapak na. Pwedeng three free throws ang katumbas, inbounds, one&one, or yung ten fouls na yung kabila, makakafree throw yung team. Blocking naman, illegal personal contact yun kasi pag yung defense player hindi nakaestablish ng position sa saktong oras habang nagdadrive yung offenseeh lagot na. Charging pag nanulak yung offense. So ibibigay ang bola sa defense. Intentional pag intentional talaga ang harm ng isang player at wala naman talagang balak agawin yung bola. Tapos yung technical, hindi lang players ang pwede patawan nun, pati coaches. Depende kasi yun sa manners. Sa violations may traveling, palming, double dribbe, held ball, goaltending, blackcourt violation, at time restiction. Tapos sa positions naman ng players, may forward, center, at guard. Basta yun na yun. Matatangkad dapat yung center kasi sila yung malapit sa ring. Syempre para sa pagrebound. Forward naman yung pwede sa malapit pwede rin sa malayo. Matatag na suporta ang binibigay nila sa isang team. Tapos yung guard, yun usually ang nakaka-pogi points sa mga babae. Sila kasi yung score system ng team. Dapat yung guard marunong humawak talaga ng bola. Tapos usually, sila yung nagti-three points kaya medyo gwapong gwapo sa mga sarili nila yung mga yun. So ayun yung parang summary ng basketball." Pag eexplain ni Epey habang si Violet ay nakanganga lang.

The UnlikablesWhere stories live. Discover now