Kinabukasan.
Maaga na namang nagising si Epey para magprepare sa kanyang bagong adventures ngayong araw nato. Adventures involving everyone, especially Ricci. Napa-sigh nalang siya sa thought. Yung akala niyang okay na sana ang lahat kasi nagbalik na si Ricci sa basketball turned out to be a complete mess pala. Umaasa nalang siya ngayon na sana hindi pa sumuko yung mga bagong recruits. Pagkatapos niyang maligo ay naabutan niya si Violet na kakarating lang galing nag-jog, naalala niyang hindi pa pala niya ito nasabihan tungkol kay Ricci.
“Nakalimutan ko nga palang sabihin sayo kagabi..”
“It’s fine, I knew you were tired last night and I also knew how disappointed you were with the new-found players. It’s fine, Pey, with practice and dedication, they will surely improve.”
“Tss well, hindi ko naman talaga maikakaila ang bagay nayan. But may isang chika pa ako sayo.”
“Go on, spill it out, girl.”
“Si Ricci, alam mo bang sumali na siya sa team kahapon?”
Natigilan saglit si Violet bago nagsalita.
“Are you…are you fucking sure about this?”
“FUCKINGLY sure, inday! Nagdecide yung kuya mo na bumalik sa pagbabasketball kahapin lang.”
“Really? Oh My God, how was it? pinahirapan ka ba niya? What can you say about his performance?”
“Well, anticipated ko na talaga ang paghihirap, lalo na’t baguhan ako. Pero may mga bagay lang talaga na nakaka…nakakatao na rin.”
“So pinahirapan ka nga niya.”
“Don’t take it that way. Ininis ko kasi ang kuya mo, natriggered kaya nagbaskteball. Pero hindi ko inexpect nag ganon siya mamikon. At talagang nakakapikon!"
“Si kuya kasi, primarily, he’s a delinquent. But hindi siya gagawa ng mga things na tuluyang ikakasira ng something. Pagpasensyahan mo na muna. But don’t worry, pag nagpatuloy yang pagiging bully niya, I’ll be the one to handle him.”
“Tss no need. Kaya ko tong trabaho ko. For now, bilisan mo ng maligo at mag-ayos dahil mali-late na tayo.”
“Whatever.”
Nagpunta na ng banyo si Violet at after some time, naglalakad na sila ni Epey papunta sa classroom nila. Medyo okay naman pagpasok nila, although, naturingan pa rin silang dalawang mitsa sa mga buhay ng kababaehang nasa loob ng gusaling iyon, particular na sa buhay ng babaeng naglalakad papunta sa direksyon nila ngayon. Isang napaganda at napakasikat na studyante ng Scrosanct, si Marissa.
“Balita ko maglalaro raw uli si Ricci.”
Sa tono niya, alam pareho nina Epey at Violet na nangangailan ito ng confirmation at explanation.
“Eh ano naman sayo?”
Tanong naman ni Epey. Iyong tipong parang wala lang.
“So totoo nga. Ba’t ‘di niya sinabi sakin?”
Pabulong niyang tanong na tila nagwo-wonder.
“At bakit naman niya kailangang ipaalam sayo, mommy ka ba namin?”
Masungit na tugon ni Violet na inirapan lang ni Marissa at mabilis na bumalik sa upuan nito.
“Assuming slut.”
Sabi nalang ni Violet, pero in a low volumed-voice naman.
“Relax, Vi. Maaga pa para ma-stress.” Sabi nalay ni Epey.