Tryouts 1

13 9 0
                                    

Malalim na ang gabi pero hindi pa rin nakakatulog si Epey. Well, nakahiga siya pero malalim talaga ang iniisip niya.

-Flashback-

5...4...3...2...1 AND THE TIME IS UP! THIS YEAR'S NATIONAL CHAMPION FOR WOMEN'S ELEMENTARY BASKETBALL IS THE SHUKOTO ELEMENTARY SCHOOL!

Hindi magkamayaw ang ang mga batang babae habang papalapit sa kanilang tropiyo at agad na nagpapicture. Hawak ng isang batang naka pigtails ang trophy, walang dudang siya ang leader ng team. Siya ay walang iba, kundi si Epey. Siya rin ang itinanghal na MVP sa oras na iyon, kaya naman hanggang tenga talaga ang ngiti niya. Pagkatapos nilang magpapicture at magbatian ay tila may hinahanap siya.

"Mio, where's coach? I mean, papa?" Tanong ni Epey sa parang assistant coach ng papa/coach nila.

"He went out earlier, said he's doing some very important matters. He also requested me to bring you home after the game. Maybe he's at your house already. He'll be very happy and proud. So, let's go?" Sabi nung lalaki.

"Okay." Magiliw na sabi ni Epey.

Nasa tapat na sila ng bahay nina Epey dati. Actually Pilipinas lang ang setting ng lugar, pero Japanese school ang pinapasukan niya dati.

Pagpapasok niya ng bahay ay hindi pa rin nawala ang ngiti sa mukha niya. Sobrang excited na kasi siyang ipakita sa papa niya ang bunga ng kanilang pinaghirapan.

"Papa! Papa! Papa! Nandito na ako!" Medyo natahimik siya nang pagpasok niya sa may living room ng bahay nila ay may dalawang lalaking kausap ang papa niya.

"Pey? Ah, hali ka anak." Hindi alam ni Epey kung anong nangyayari pero parang may mali sa ekspresyon ng mukha ng tatay niya. May pag-aalinlangan pa itong tingin dun sa dalawang lalaki na talaga namang nagpaconfused lalo kay Epey.

"Pa, bakit? Sino sila?" Tanong ni Epey.

"Mga kaibigan sila ni papa mo. Si tito Henry at tito Arman. Ganito kasi yan, nak. Naalala mo nung sinabi ko na may pupuntahan ako? Pupunta na kasi ako dun sa susunod na linggo. Siyempre malayo yun kaya hindi talaga mapapakali si papa pag mag-isa ka lang. Kaya for the mean time, kinausap ko na sina tito Henry at tito Arman mo na sa kanila ka muna titira habang wala pa si papa." Pagpapaliwanag ng papa niya.

"Ho? Pero bakit po kayo aalis? Tsaka hindi naman po kayo magtatagal di ba? Bakit kailangan ko pang tumira sa ibang bahay? Kaya ko naman pong alagaan ang sarili ko, pa. Tinuruan niyo kaya ako." Pag-iinsist naman ng batang si Epey.

"Anak, makinig ka kay papa. Babalik ako, okay? At ayaw kong nalulungkot ang basketball princess ko kaya ayokong nag-iisa ka. Kaya please, sa kanila ka na muna habang wala si papa. Pwede ba yun?" Pagrerequest uli ng papa niya. At this time, tumango na si Epey.

Lumipas ang mga araw at umalis na ang papa ni Epey at umalis na rin si Epey. Okay naman ang pamumuhay niya sa bago niyang tirahan. Para nga siyang prinsesa. Lahat ng gusto niya nasusunod. Kaso ang hindi maintindihan ni Epey ay kung bakit hindi pa rin bumabalik ang ama niya makalipas ang isang linggo. Ni wala man lang siyang text o tawag na natanggap. Hanggang sa nagdesisyon na ang totoong may-ari talaga ng bahay na tinitirhan ni Epey na umalis ng bansa, syempre kasama si Epey. At sa bagong bansang iyon niya nalaman ang lahat.

-End of flashback-

Tumutulo na ang mga luha mula sa mga mata ni Epey. Hindi niya pa rin lubos maintindihan kung bakit ganon nalang nagtapos ang normal niyang buhay. Matagal na panahon na yun, pero preskong presko pa rin ito sa alaala niya. Medyo sumikip na ang dibdib niya at narealize niyang kung hihiga pa siya sa kama ay mahahalata na ni Violet na umiiyak siya. Kaya minabuti niya nalang na bumangon at pumunta sa CR. Doon sa loob, umupo siya sa tub at doon na naglabas ng damdamin.

The UnlikablesWhere stories live. Discover now