When Friendship Blooms

10 7 0
                                    

Maagang natapos ang klase nina Epey at Violet, at as usual, wala na naman si Violet pagbalik ni Epey ng dorm. However, unlike yesterday, alam na niya kung san nagpunta ang roommate niya't safe naman siguro ito. Syempre kapatid niya naman yung parang leader nung snake pits churvalo na yun, kaya okay naman siguro siya. Nang mailagay na ni Epey ang mga gamit pangskwela sa mesa niya ay naisipan niyang mamasyal na muna sa syodad. Wala naman sigurong masamang mangyayari sa kanya kung gagala siya, isa pa, kahapon pa niya plinano to kaso tinamad lang siya, so ngayon na marami pa siyang time, ngayon nalang siya aalis. Nagpalit na agad siya ng damit, ayaw niyang gumala ng naka-school uniform din kasi. Isa pa, palda ito, so mas mainam na Jogging pants na itim at long-sleeves na grey nalang ang isuot niya. Syempre, mas babagay ito sa running shoes niya. Pagkatapos mag-bihis (hindi na siya nag-ayos kasi hindi naman talaga siya nag-aayos at wala naman siyang dahilan para magpaganda) ay umalis na agad siya. This time, sinigurado na niyang may dala siyang pera.

Nang makalabas ng gate ay hindi na siya pumara ng taxi. Actually, hindi talaga siya isang napakalaking syodad. Pwede lang siya malakad at napaka-homey ng vibe nito. Hindi tulad ng ibang syodad na masyadong polluted at halos wala ng sariwang hangin na malalanghap. Pwede ngang mag-jogging ang mga tao around the city tuwing umaga na walang sagabal eh. Naglalakad lang ngayon si Epey papuntang city proper at medyo maganda-ganda ang mood ng lugar ngayon kasi hindi masyadong matao.

-Sa ibang banda-

Nasa sasakyan na sina Violet, JK, at Ricci. Mukhang may 'morning the night' na namang pinaplano. Nasa front seat syempre si Violet katabi ang driver, at magkatabi sa likod sina JK at Ricci na abala sa paglalaro ng kung ano sa cellphones nila.

"Mang Ben, can we stop by a department store, I have to buy some stuffs there kasi." Sabi ni Violet sa driver na si Mang Ben.

"Ano namang bibilhin mo, gatas?" Tanong naman ni JK habang nakatutok pa rin sa phone at sa tono niya, tila gino-goodtime ata si Violet

"Shut the fuck up, JK!" Naiinis na sagot ni Violet. "There nalang manong." Huminto na yung kotse sa tapat ng isang maliit na department store.

"Ano pong ipapabili niyo, ma'am?" Tanong naman ni Mang Ben.

"No need to ask, Manong. Ako na ang bibili. Dito lang kayo, wag kayong susunod." Lumabas na siya at patakbong pumunta sa department store.

Naiwan sa sasakyan iyong tatlo at wala itong imikan dahil nga busy sa kani-kanilang mga ginagawa. Akala mo naman kung anong kinabi-busyhan, video games lang naman pala.

-Balik kay Epey-

'Shets, hindi yata ako natuwan sa kinain ko kanina. Ang layo pa naman ng inabot ko, mahirap ng bumalik sa dorm baka hindi na makapaghintay to. CR, CR, nasan ka na?! Tama, sa mall! Pero teka, baka isipin na naman nila lalaki ako.'

Palinga-linga pa si Epey na parang may hinahanap na kung ano. Pagkatapos ay lumapit siya sa isang puting Fortuner na kotse at pasimpleng nanalamin sa tinted window nito.

'Wala naman sigurong tao sa loob. Bahala na.'

-Sa ibang banda-

"Ang tagal naman ni Violet." Pagrereklamo ni JK na sa ngayon ay tumigil na sa paglalaro at sinilip na yung department store na pinasukan ni Violet through the glass window ng kotse nila.

"Masyado ka yatang nag-aalala, sundan mo nalang kaya?" Pang-iinis naman ni Ricci na nakatutok pa rin sa phone niya at impassive lang ang expression ng mukha.

"Hoy Cci, iba ang nag-aalala sa naiinip." Naiinis na nitong sagot na para bang bata. May palinga-linga pa ito nang biglang..."What the fuck! Hahahaha!" Napatingin naman sa kanya si Ricci mula sa pagkakababad sa phone. Na-curious yata.

The UnlikablesWhere stories live. Discover now