Coach!

6 1 0
                                    

Habang abala sa  paglalaro ng kung ano, ay biglang may narinig na ingay si Ricci mula sa bintana. Nang niingon niya aito’y hindi na siya masyado pang nagulat dahil nasanay na rin siya sa ganitong ugai ng kapatid niyang si Violet.

“You realize that you could just simply knock the door, right?” Paunang tanong niya rito na ngayon ay abala na sa pagkuha ng kung anong inumin sa ref.

“Well, I can’t help it eh. Besides, it’s a talent.”

“Why are you here, Vi?”

“To talk to you about something that you did very wrong.” Seryoso ang mukha ni Violet and this time, alam na ni Ricci na kailangan na niyang making ditto nang mabuti. “Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa, kuya. I know that you were the one behind the sudden withdrawal of those payers from the team. Sinundan ko si Epey kanina and I saw how pained she was after their decision. Also, you and that bastard JK’s excuse earlier was stupid. Ako pa talaga ang sinabihan niyo of all people, when in fact, I am completely aware how tardy the two of you are when it comes to attending school activities. That was rude, kuya, and I came here to tell you that I am mad at you.”

Hindi na muna nagsalita si Ricci. Minabuti niya na munang makapag cool down saglit si Violet bago siya nagsimula.

“Sorry.”

“Is that it? Iyan lang ang sasabihin mo after everything that’s been said and done?”

“I’ll make it up to you.”

“You know what, you don’t have to. If you really aren’t serious about being in the team again, at least have the decency to apologize to Epey na waang ibang ginawa kundi ang tulungan sana kayo. I’ll go ahaead.”

Nag-walk na ito.
--------
Pagkatapos makapagpalit ng damit ay dumeretso na si Epey sa pag-aaral. Marami kasi silang kailangang i-submit this week and ngayon lang siya ulit nagkainteres gawin ang mga iyon. Ilang minute pa’y may narining siyang katok sa pinto. Tumayo naman agad siya’t binuksan ito.

“Hi, Epey right? May nagpapabigay sa ‘yo.”

Hindi niya kilala ang babae na nasa harapan niya ngayon pero aam niyang dorm mate niya ito. Pero bukod sa first time niyang nakaharap ito ay ang pagdedeliver nito ng bulaklak sa kanya ngayon ang mas ipinagtataka niya.

“Kanino raw galing? Imposibleng makatanggap ako ng ganito.” Sabi nalang niya politely.

“Hindi, sa iyo talaga iyan. Pero hindi ko rin aam kung sino ang sender. Inutusan lang ako ni DM na ibigay to sa ‘yo. In fact, gusto ka niyang makausap bukas sa free time mo para pag-usapan to. Here, tanggapin mo na.”

Wala na rin siyang ibang nagawa kung kaya’t tinanggap nalang din niya ito. Grabe naman oh, hindi ko na nga alam kung kanino gain ‘to tapos kakausapin pa ako ni DM. Isinara na niya ang pinto at dumeretso sa table niya. Inilapag nalang muna niya ang daffodils sa table at nagsimlang ulit sa assignment niya. Ilang minute pa’y himalang maaga nakauwi si Violet.

“Oh, a daffodil…where did you get that?”

Ang bulaklak agad ang napansin niya’t pinulot ito.

“Ewan. May nagpapabigay raw.”

“For me?”

“Lol! Para sa ‘kin kaya iyan. Hindi lang ikaw ang maganda sa earth nuh.”

Sabi naman ni Epey as if finiflip ang short hair niya.

“Hm, interesting. Paano naman iyan nakaagpas sa gate? Bawal ang suitors ditto sa campus.”

“Talaga?”

“Alam ko na kung san galing iyan, Pey.” Seryoso namang sabi ni Violet na nagpatigi kay Epey sa ginagawa niya. 

“Saan?”

“Edi, sa security guards HAHAHA!”
Umasa na sana si Epey ng magandang impormasyon, umepal pa talaga tong kaibigan niya.

“I was just kidding. But I was telling the truth about the rules of the school on not allowing suitors inside the campus, even gifts from them.”

“Hay, wag na nga nating pag-usapan ‘to. Kailangan ko pang tapusin tong assignment natin.”

“Hindi mo pa pala nagawa iyan. Shame!”

“Whatever!”

“Hey, but seriously, of all the flowers in the world, it’s daffodil that I like the most because it symbolizes rebirth and new beginnings. Also, according to the manga that I’ve read, a daffodil symbolizes patience daw. Oh ‘di ba? Alam mo na kung bakit ko ‘to favourite, kasi lahat ng sinabi ko, kailangan ko HAHAHA!”

“Sira ka talaga.”

“I came from kuya’s house.”

Medyo natigil ulit si Epey. Hindi naman siguro magpapadala ng PATIENCE iyong lalaking iyon? Charot, patience talaga, Pey?

“Oooyy, natigilan sa pag-mention ko ng magic word.” Panunukso naman ngayon ni Violet.

“Hoy, Violet tigil-tigilan mo ako ah. Ano naming ginawa mo dun.”

Oh ‘di ba, ang rupok din, Pey nuh?

“Wala lang. tapusin mo nalang iyang assignment mo. I’ll just get my restoration sleep started.”

Frustrated man ay tinuoy na nga lang talaga ni Epey ang assignment niya.

Kita mo ‘tong ababeng ‘to, magsisimula ng topic tapos hindi rin pala tatapusin. Hayst!

Kinaumagahan ay dali-daling nagpunta si Epey sa gym pagkatapos na pagkatapos ng klase niya para may excuse siyang hindi muna magtungo sa office ng DM nila. Sa lahat ba naman ng mga pinagdadaanan niya ngayon, least na ng concern niya ang makausap ang dorm manager nila. Ilang minute pa ay malapit na siyang makapasok sa gym. Pero bago pa man niya ito magawa ay napatigil siya saglit dahi sa narinig na ingay sa loob nito. Syempre nagtaka siya kasi sila ang naman ang inaaasahan niyang gagamit nun at base sa schedule nila, mamayang hapon pa ang practice. Hindi na siya nakatiis at pinasok na nga niya ito. Laking gulat naman niya nang Makita ang nangyayari sa loob. Ni minsan hindi sumagi sa isip niya na makikita niyang maglilinis nga gym ang mga barkada ni Ricci. Napanganga pa siya nang bahagya nang biglang magsaita sa likod niya. Sino pa nga ba, kundi si Ricci.

“It was supposed to be a surprise, pero mukhang excited ka yatang pumunta rito.”

It took her seconds to regain her senses.

“Teka, anong drama ‘to? Akala ko ba hindi kayo interesado rito?”

“Sino namang nagsabing hindi kami interesado?”

Magkatabi na sila ni Ricci na ngayon ay umiinom ng tubig habang pinagmamasdan ang mga nangyayari sa loob ng gym. Si Epey naman, parang batang nakatingala sa kanya. Iba naman kasi talaga ang height difference.

“Ricci, kung panggo-good time na naman ‘tong ginagawa niy---”

“Epey…seryoso ako.” Tumingin na ito kay Epey. Hindi naman sumagot si Epey.

At this point, napansin na sila nina Sam at Brent.

“Coach!”

Sunod sunod na tinawag nila si Epey nito na talaga naming hindi makapaniwala sa narinig.

“Anong ibig sabihin nito?” bigla naang niyang nasabi at sinagot naman ni Ricci.

“Wag ka ngang slow, simula ngayon kasali na sila sa team. Pangpalit dun sa mga nagwithdraw.”

Nagsimula ng maglakad sana si Ricci pero nagsalita ulit si Epey.

“Seryoso ka ba?” Hindi talaga siya makapaniwala. Pero ang mas ikinagulat at hindi niya talaga inaasahan ay ang naisagot ni Ricci  sa kanya.

“Oo nga, Coach.”
At nagpatuloy lang ito sa paglalakad.

“Teka, anong sabi mo? Ricci!”

Pero hindi na ito lumingon kaya hinabol niya ito’t kinulit na sabihin ulit ang word “coach” sa kanya, which of course, hindi na naulit pa. Samantala, sina JK at ang iba nama’y napatawa nalang sa itsura ngayon ni Ricci na annoyed na annoyed.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 15, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The UnlikablesWhere stories live. Discover now