Something About Her

19 7 0
                                    

Matapos ang eksena kanina sa canteen at guidance office, minabuti muna ni Epey na mapag-isa. Nasa isang coffee shop siya ngayon with her coffee latte. Nagmumunimuni? Siguro. Habang nag-iisip eh naalala niya yung family picture nina Violet. Hindi pa nga niya pala ito nasasauli. Naisip niya mamaya nalang siguro. Makalipas ang ilang sandali ay naglakad lakad na si Epey hanggang sa madaanan niya ang isang exclusive coliseum para sa mga nearby boys' school. Pero ano naman di ba? Wala naman sigurong masamang sumilip. Tsaka napansin din niyang may mga babaeng pumapasok, mga hindi nga naka-sports attire kaya malamang manonood/magpapapansin lang ang mga ito. Sino ba naman kasing matinong tao ang papasok ng coliseum para maglaro o magpractice nang naka-full make up? Binaliwala nalang niya ito at nagpatuloy sa paglalakad nang may 4 na lalaking sisiga-siga na nag-approach sa kanya. Medyo mindful naman siya pero binaliwala nalang din niya yung papalapit sa kanya. Eh kasi naman, sino bang lalapit sa kanya sa istado niya ngayon? Eh wala naman siyang ginagawang kababalaghan. Well, wala nga ba? Hindi nagsalita ang mga ito at biglang pasimpleng hinawakan nung dalawang lalaki ang magkabilang braso ni Epey. Sumama ka samin kung ayaw mong masaktan. So ayun, medyo dinapuan ng kaba si Epey pero chill lang ang reaction niya. Naglakad silang lima papunta dun sa may likod nung coliseum kung saan medyo tinulak nung dalawa si Epey sa wall.

"Aray! Ano bang kailangan niyo sakin? Kung pera gusto niyo, wala akong dalang cash. Wala rin akong dalang cellphone o ano pa yan." Pagrereklamo ni Epey habang yung apat ay nagsisimula ng maflexed ng muscles at magpatunog ng knuckles.

"So ikaw pala yung babaeng nambully kela Marissa." Sabi nung parang leader nung 4 habang papalapit kay Epey.

"Hindi ko sila binully. Sila ang nambully sa kaibigan ko." Pagdedeny ni Epey.

"Nagdedeny ka pa talaga ha?" Susuntok na sana yung lalaki pero buti nalang at nakailag agad si Epey at napaatras na naman.

"Hoy wait lang! Pag-usapan natin tong mabuti. Hindi ko sila binully at lahat ng yun nangyari for a reason." Pagpapagaan sana ni Epey ng sitwasyon pero mukhang wa epek ito. Sinubukan na naman sana siyang saktan nung isa pero nakaiwas nanaman siya. Hanggang sa nahuli siya nung dalawang humawak sa kanya kanina sa magkabilang braso ulit.

"Heto na boss, turuan niyo na ng leksyon." Sabi nung isang nakahawak kay Epey. Lalapit na nga sana yung lalaki para saktan siya, pero napahinto ito nang sumigaw ng pagkalakas-lakas si Epey.

"Sandali langgggggggg!!!!!!!!!" Papikit na sigaw ni Epey. Nang hindi nakadama ng hapdi ay dahan daha niyang iminulat yung kaliwa niyang mata kasunod naman yung kanan. "I-I have a deal... Please pakinggan niyo muna ako. Hindi ko alam kung anong koneksyon niyo kila Marissa pero alam kong importante sila sa inyo kaya niyo to  gingawa, at ganun din yung nangyari sakin. Kaibigan ko ang naargrabyado kaya kailangan kong kumilos. At alam kong alam niyo pinagsasasabi ko. Kaya para patas ang lahat...para patas ang lahat..." Nag-iisip pa ng magandang sasabihin si Epey. Nagdadasal din na sana gumana ng maayos utak niya.

"Na ano?!" Naiinip na tanong nung boss.

"Nadaaninnalangnatintosabasketball!" Walang kapreno-preno niyang pagsisiwalat.

"Ano sabi mo?" Sabay na tanong nung mga lalaki.

"B-basketball... O-one on one. Kung sino unang maka five points siya ang panalo. At pag natalo ako, magpapasapak ako sa inyo anytime. Hindi ako magrereklamo at hindi ako magdedemanda. P-pero pag nanalo ako, hindi na kayo manggugulo sakin kahit kailan." Matapang kahit na may kabang pagpapahayag ni Epey. Hindi nagsalita ang 4 at bigla nalang humagalpak sa pagtawa. Minamaliit yata si Epey porket babae siya.

"Bakit ba?" Tanong ni Epey na parang oblivious lang sa reaction nung mga lalaki.

"Ikaw? Hahaha...ikaw laban sa isa samin sa court? Nagjojoke ka ba?...kaming tatlo, qualified kaming varsities sa skwelahan namin ngayong taon. Tapos hahamunin lang kami ng isang kagaya mong lalampa-lampa?" Pagmamayabang nung leader.

The UnlikablesWhere stories live. Discover now