Ang Pagbabalik?

8 5 0
                                    

Nasa kwarto na sina Epey at Violet, habang nanonood na naman ng movie itong si Violet at busy namang naghahanda ng mga gamit pang coach si Epey na gagamitin kinabukasan.

"What the heck! So that's how this fuckingly stupid movie ends?!" Pagrereklamo ni Violet na animo papatayin na ang direktor ng kakatapos lang na movie.

"Kailan ka ba umagree sa mga eksena sa pelikula? Ang oa neto." Pagbanat naman ni Epey sa kaibigan.

"I hate this feeling. Dapat hindi ko nararamdaman to sa movies." Nag-aalalang tugon ni Violet.

"Eh ano bang nararamdaman mo?" Tanong naman ni Epey.

"Weird. Anyway, what shit are you up to?"

"Shit ka jan. Para to sa start ng pagcocoach ko bukas."

"Oh, so, were you able to talk to kuya na?"

"Well, wala pa naman sa sched ko yun. Pero believe me, magagawa ko yun."

"You said that. Ikaw bahala." Sagot nalang ni Violet.

"Nga pala...." Biglang tanong ni Epey na animoy nakaremember ng bright idea.

"What?" Confused na tanong ni Violet.

"Naisip ko lang...pero wag kang mag-iisip ng kung ano ano ha, gusto ko lang malaman." Paligoy-ligoy approach pa tong si Epey.

"Ano nga?"

"Di ba matagal na kayong magkakilala ni Marissa?"

"Gosh, I am so done with that stupid topic, okay." Sabi ni Violet sabay irap ng mga mata.

"Ano ka ba, hindi tungkol sa inyo ang itatanong ko. Ano kasi, alam mo na, may history ba sila ng kuya mo?" At sa wakas natanong na rin ni Epey ang ginintuang tanong.

"Uhm, maybe. I don't know. Hindi ako nakikialam sa lovelife ng kapatid ko, unless interesado ako." Sabi ni Violet.

"Eh ba't mo alam yung kay Yen? Ibig sabihin interesado ka sa kanila?" Tanong naman ni Pey.

"Of course not! He's just Ricci Rivero, you know what I mean." Sagot naman ni Violet habang naglalaro ng something sa phone niya. Magsasalita pa sana si Epey nang biglang nagsalita uli si Violet. "Jealous?"

"Ha?"

"Girl's instinct. I know how you feel about him. But don't worry, your secret's safe with me." Sabi ni Violet na may pakindat effect pa.

Kung sa bagay, may point naman din si Violet. Hindi man kayang aminin ni Epey sa sarili niya, eh totoo naman talagang may itsura si Ricci.

Matapos mag-chit chat nilang dalawa ay naisipan na rin nilang matulog.

Kinabukasan, handa na si Epey na simulan ang araw niya. Although, hindi pa rin siya masyadong sigurado kung kaya nga talaga niyang magcoach, pero ika nga ng iba, kung susubukan at gagawin lang niya ang lahat ng makakaya niya ay walang magiging imposible. Kaya naman, pagkatapos ng klase niya ay dumiretso na agad siya sa gymnasium na pinag-usapan nila ni JK. Dala dala ang sports pack niya ay unti unti na siyang pumasok dun sa loob. At gaya ng ineexpect niya, wala pa ngang tao dun maliban sa kanya. Sa bagay, masyado talaga siyang maaga kumpara sa oras na pinag-usapan nila. Gayunpaman, ay pumasok pa rin siya sa loob at sinimulang ilapag ang bag niya dun sa may bench sabay kuha nung bola sa nasa loob nito. Tiningnan niya ito as if for the first time. Nagsimula na nga siyang magsenti eh, kaso pinutol ng tunog mula sa front door ang moment niya. Siyempre, napalingon siya sa direksyon nito at tila nanlaki ang mga mata niya nang makita ang nagdulot ng tunog. Ang akala niyang si JK at ang ibang team members ay pinalitan ng reyalidad na nakikita niya ngayon. Ang presensya ng isang lalaking pinaka hindi niya inaasahang makakasalamuha sa araw na ito, si Ricci. Nagtinginan silang dalawa na animo'y mga nakakita ng multo.

The UnlikablesWhere stories live. Discover now