Detension & Tension

15 7 0
                                    

Riiinnnggg!!!!

Tunog ng alarm ni Epey na animo'y papatay ng tao 'pag hindi naunahan. Kung makaingay naman kasi, wagas. Siyempre, hudyat nato ng pagbangon kaya kahit na labag sa loob niya, ay pinilit pa ring bumangon ni Epey. Diretso siya sa CR at ginawa na ang lahat ng dapat gawing pagpeprepara sa umaga. Pagkatapos mag-ayos ay tumungo na agad siya sa dining hall para kumain ng agahan. Nang makarating sa hall ay ginala niya agad ang mga mata sa paligid para hanapin ang roommate niyang hindi na niya naabutan kaninang paggising niya. Kaso wala ito rito.

'Eh ano naman?' Sabi pa niya sa isip niya.

Kinuha na niya yung tray na lalagyan ng pagkain at nagsimula na rin siyang kumuha ng mga pang-agahan. Nalagay na niya ang mga pagkain at kukuha na rin sana siya ng inumin, kape, kasi kung may adik sa drugs, may adik din sa kape, at si Epey yun. Kaso ang mga inuming nasa pagpipilian ay gatas, tubig, tea, at orange juice lang.

"Ah excuse me?" Tanong niya dun sa napadaan na dormer.

"Yes?"

"Wala bang kapeng sineserve dito?"

"Ay wala talagang coffee dito tuwing breakfast kasi hindi raw masyadong makakabuti sa health. Mas mainam daw kung gatas or tea nalang." Sagot nung babae.

"Ganon ba? Eh para lang siguro sa mga abusive yun. Pero sige, salamat." Pagtugon niya nalang, at umalis na rin yung babae.

Dali-daling kumain ng breakfast si Epey. Sunny side-up, bacon, at kanin ang pagkain nila ngayon. Masarap din naman pero mas masarap pa rin sana kung may tamang inumin na swak sa panlasa niya.

Matapos kumain ng pagka-bilis bilis ay dumiretso na siya sa klase. Hindi pa naman siya late. Actually, wala pa nga masyadong tao sa campus eh. Kaya siguro naisipan niyang maglibot-libot muna hanggang sa makarating sa parang garden ng school. May mga benches ito na nakahilera sa gilid kung sakaling may gustong magstudy rito. Syempre presko ang hangin at napakaganda pa ng view, idagdag pa ang mala-kristal na pag-usbong at pag-agos ng water fountain sa parteng yun ng school eh talaga namang perfect place. Naglakad lakad muna si Epey hanggang sa makita niya ang isang babaeng may violet na buhok na na nakaupong nakasandal sa isang bench dun. Naka-earphones ito at nakashades. Hindi nga sigurado si Epey kung tulog ba 'to or pa-cool lang. Anyway, nilapitan niya ito't naupo sa likurang upuan, magkatalikod kasi ang mga benches. Napansin naman siya nito at napalingon sa kanya na kakaupo lang.

"Lagi ka ba dito?" Paunang bungad ni Epey, pero hindi ito sumagot.

"Naka-decide na ako, just now, dito na ako didiretso bago pumasok sa klase." Sabi ulit ni Epey na naging dahilan para lingonin siya ni Violet sabay ayos ng upo.

"You're such a weirdo." Ang nasabi nalang nito.

"Oh, kita mo na, nakakarinig ka talaga. As if walang paki sa mundo, pero ang totoo naririnig mo naman pala ang nasa paligid mo." Pagrereklamo ni Epey na animo'y nanay na nadismaya sa anak.

"Will you stop acting like a guidance counselor? It doesn't suit you at all. Besides, you're not a psych major to be one." Naiinis na sabi ni Violet.

"Excuse me ha. Pero hindi naman siguro porket literature major ako eh hindi na ako pwedeng magsalita ng ganito. Ang problema sayo napaka-stereotypical mo." Sagot pa ni Epey.

"Excuse me! I am not what you were accusing me to be. All I said was a combination of truth and sarcasm. Palibhasa kasi hindi ka nagbabasa kaya hindi mo gets point ko!"

The UnlikablesWhere stories live. Discover now