Into the Nerves

14 6 0
                                    

Nagsimula na ngang pumila ang mga players at nagsimula na ring pumwesto si Epey sa harapan nila upang tingnan ang mga capacity ng mga ito. Isa-isa niyang inusisa sa pamamagitan ng…tingin.

“Uhm, ano exactly ginagawa mo, Pey?”

Confused na tanong ni JK.

“Walang magsasalita hangga’t hindi ko sinasabi!”

Galit si teta. Anyways, tumahimik nalang si JK, alangan naman. Isa isa niyang tiningnan ang mga ito at ayaw man niyang aminin pero talagang disappointed siya sa mga capacities nito. Mga ngayon lang kasi yata nagsimulang mag-jog ang mga ‘to. May iba naman na mga nagji-gym pero sa tingin ni Epey kulang pa talaga iyon para tumagal sila sa court if ever isa sa kanila ang magfirt five. Nga pala, pito ang bilang ng mga bagong recruit ni JK at hindi doon kasali yung Jerome. Dumako na si Epey kay JK, at medyo nakampante siya dahil base sa mga nakikita niya sa features nito, ay sanay sa mabilis at mahabang takbuhan. Malakas din ang mga braso nito’t alam kung paano magfocus ng mabuti kung kinakailangan. Matangkad din si JK at kung hindi nagkakamali si Epey eh may potential siyang kumuha ng rebounds. At ngayon, nasa huling player na siya, sino pa nga ba, edi si Ricci. Nagtama ang mga tingin nila bago makapagsimula si Epey sa pag-eestimate nito. So, base sa nakikita niya, walang duda, sanay sa pabilisan at palakasan ang isang ito. Hindi pa man niya ito nakikitang maglaro pero kampante siya sa credentials nito. Kaso may kaunting problema. Medyo napatulala si Epey habang nakatingin sa binti ni Ricci.

“Uhm, pwedeng magtanong, coach? Anong problema?”

Hindi na yata nakapagpigil si JK.

“Tanggalin mo sapatos mo.”

Mahinahon niyang sabi habang nakatingin sa binti ni Ricci, syempre, kanino pa nga ba siya nagsasalita, edi kay Ricci rin.

“Ano?”

“Ang sabi ko tanggalin mo ang sapatos mo.”

May kalakasan na niya itong sinabi at nagkunot nuo lang si Cci. So ayun, tinanggal din ni Ricci. Ang pinagtatakhan lang ng lahat ay kung bakit biglang kumuha ng bandage si Epey at binigay ito kay Ricci.

“Alam kong alam mo kung ano ang pinagsasasabi ko.”
Reluctant man at tinatantsya ang galaw ni Epey ay kinuha nalang din ito ni Ricci.

“Ikaw, ikaw, tsaka ikaw, team A kayo kasama si Jk. The rest, kasama kayo kay Ricci. Pero bago ang lahat, gusto ko muna kayong magpakilala.”

So ayun na nga, isa isang nagpakilala ang lahat ng may buong giliw, maliban kay Ricci. Sa unang team, sina Jay, Nichols, Brian, at JK. Sa ikalawang team naman ay sina Devi, Archie, Jeff at Ricci.
Pumwesto na sina JK at Ricci sa gitna facing each other habang nasa gitna na rin si Epey na nagbibitbit ng bola at papunta ng pumito.

“Sorry dude, pero, this time, wala munang captain-captian.”

May ngiting sabi ni Jk na handa ng harapin sina Cci. Ngumiti lang din si Ricci at balik agad sa focus. Makalipas ang ilang segundo, pumito na si Epey sabay hagis sa bola, at dun na nagsimula ang unang pag-eensayo.

Kung tutuosin, may edge talaga si Ricci. Mas matangkad siya at siyempre, team captain siya ng Pits dati na kinabibilangan din ni JK. Pero dahil na rin sa hindi masyadong magandang lagay ng binti niya ay napapainda siya minsan sa sakit tuwing maglalanding siya. Samantala, iyong ibang players naman ay parang mga paraphernalia lang dun sa court. Sinubukan silang pasahan nung dalawa pero wala ring mangyayari. At hindi sigurado si Epey pero parang nananadya tong si Ricci na ipasa sa teammates niya yung bola para batugan agad ni Jk na siyempre nauwing bagsak matapos harapin ang napaka aggressive na si Jk. At parang iyon din ang ginagawa ni Jk sa teammates niya. Kung siya aggressive, si Ricci troublesome. May balak yatang pilayan ang mga players. Kung hindi lang talaga pinipito ni Epey kahit na wala namang foul dahil hindi obvious sa mga ordinaryong tao yung mga dirty moves ni Ricci, ay baka umuwing hindi na buo ang mga kalaban niya. Lumipas pa ang ilang mga minuto at pumito nalang uli si Epey dahil awang awa na siya sa mga players.

“Okay, water break muna.”

May inis na sa boses niya at sa ngayon ay bahagya na siyang lumalapit kay Ricci at JK na mahinang nagtatawanan, halatang planado nila ang lahat.

“Akala niyo hindi ko nababasa ang mga galaw niyong dalawa?”

Nagcross arms siya sa harapan nung dalawa na ngayon ay nakaupo na sa mga benches.

“Hindi namin alam ang sinasabi mo.”

Sabi naman ni Ricci na halatang nagpipigil ng ngiti. At gayundin si JK.

“Hoy Jk, wag mo akong pagtaguan niyang ngiti mo dahil hindi ako natutuwa sayo. Ano yun? Kung may plano kayong patayin yung mga yun, mas mabuti pang sa wrestling ko nalang sila pinasali.”

“Sorry coach, ginanahan lang kami. Alam mo na, medyo matagal tagal din kaming hindi nakapaglarong magkasama sa court.”

Palusot naman nitong si JK.

“Tss magkasama, wag mo akong dramahan, JK. Ayusin niyo ang laro niyo.”

“Inaayos namin ang laro namin, isa pa, kung mayroon kang dapat pagsabihan ng ganyan, iyong mga iyon ang dapat mong sinesermonan.”

Mahinahon namang sabi ni Ricci na may halong panunubok habang nakatingin sa mga bagong recruits. Nang tumingin si Epey sa gawi ng mga ito, halos lahat ay bagsak sa sahig dahil sa sakit ng katawan at pagod. Nag-sigh nalang si Epey habang nilapitan ang mga ito. Habang papunta siya sa mga players ay dun naman nagsimulang mag-usap sina Cci at Jk.

“Ginalit mo yata ang dragon.”

Sabi ni Jk na nginisihan lang ni Ricci.

“Dude, ginagawa ko lang to ngayon, at ngayon lang dahil request mo at dahil ikaw pa rin ang team captain na tinitingala ko. Pero sa susunod na mga araw, hindi ko na pwedeng irisk ang team.” Medyo sumeryoso na si Jk at nag-nod naman si Ricci.

“Seryoso ka na ba talaga sa ginagawa ko, K?”

Seryoso ring tanong ni Ricci habang eneenjoy ang frustrations ni Epey ngayon sa mga players.

“Alam mo kung bakit ko ginagawa to. Hindi man nagbigay ng impaact sayo yun, pero sakin oo. Kaya mahalaga to para sakin.”

“Hindi mo naman talaga kalangang iwan ang Pits.”

“Oo, pero, ano namang gagawin ko dun kung wala na dun ang mga taong naniniwala talaga sa kakayahan ko? Mantsya lang ang tingin sakin nila Don, alam mo yun. At ikaw at si coach lang ang naniwala sakin. Mahal ko ang basketball, at kung maglalaro man ako, gusto ko sumama dun sa taong may tiwala sakin.”

Seryoso pa rin ang tono ni Jk na bahagyang tumingin kay Ricci.
“Alam mo, Cci, hindi ko alam kung anong nagpapayag sayong bumalik uli, pero masaya akong makita kang sumusubok ulit pagkatapos iyong…”

“Sa totoo lang, hindi ko rin alam kung bakit ko ginawa to. Hindi ko rin alam kung anong nararamdaman ko.”

“Eh kasi nga, may paraan ang mga bagay na nawala na makabalik uli.”

Napabuntong hininga si Ricci sabay tayo.

“Hindi ko maipapangako sayo ang laro at kampyunatong inaasahan mo. Per…”

“Wag kang mag-alala dude, hindi ako assuming. Sapat ng bumalik ka. Malaking bagay yun. At tsaka, alam kong walang katulad si coach Martin pero, wala rin namang masamang sumubok ng bago.”

Pa-smirk na sabi ni JK habang tinitingnan din ang frustration ni Epey na nakikipag-usap sa mga bagong recruits.

“Tingnan natin. Pero sa ngayon, panoorin muna natin ang frustations niya.” Nakangising sabi ni Ricci.

Lumipas ang ilang segundo at nagsimula na ulit ang laro kung saan hirap na hirap na ang mga bagong recruits, inis na inis na si Epey, at tawa lang nang tawa sina Ricci at JK.

The UnlikablesWhere stories live. Discover now