Two Steps Behind

12 7 0
                                    

Naglalakad papuntang Sacrosanct ngayon si Epey. May pera naman siya pero minabuti nalang niyang mapag-isa habang papauwi. Kung ilalarawan nga siya ngayon, ay ang mga katagang 'malalim ang iniisip at parang wala sa sarili' ito, at sa kung anong dahilan? Siya lang ang nakakaalam. Mga ilang minuto pa bago niya marating ang dorm. Pawis na pawis na siya, especially at nakajacket na naman siya. Kaya nagbihis muna siya bago tuluyang bumalik sa kama at natulog.

Mga alas 6 na ng gabi nang makauwi si Violet. Ano man ang nangyari sa tryouts, halatang pagod siya at disappointed. Nang makapasok siya ng dorm ay diretso rin siya sa kwarto. Unlike Epey, may naabutan na siya ngayon, at si Epey yun. Nagbabasa lang ito ng libro nang pumasok si Violet pero nang tuluyan na ngang makapasok si Violet ay agad na itong nagsalita.

"Okay ka lang?" Tanong ni Epey.

"Well, what do you think?" Sabi ni Violet sabay tingin kay Epey.

"Yun na ba lahat ang magta-tryouts?" Tanong ulit ni Epey at sa puntong ito, nagbigay na ng questioning look si Violet. "Don't give me that look, okay? Pumunta ako kanina sa tryouts, hindi mo lang siguro napansin." Pangiti pa niyang dagdag.

"You went there?" Parang di makapaniwalang tanong ni Violet.

"Oo nga. So ano, ayos lang ba nakuha niyong players? Hindi ko kasi natapos yung buong tryouts kasi biglang sumama ang pakiramdam ko."

"Really? So...well, actually...hindi ko alam kung matutuwa ba ako or ano sa mga nakapasa. Ewan!" Sagot nalang ni Violet sabay tapon ng sarili sa malambot nitong kama.

"Okay lang yan. Alam mo ba one time may nagsabi sakin na as long as there's willingness, there's improvement din." Pangiti namang pag-coconsole ni Epey sa roommate.

"Ewan ko na lang. Hindi pa nga nakakahanap ng matinong coach si JK eh. And I doubt if magkakaroon pa siya ng enough time, since malapit na ang prelims at talaga namang wala ng balak suportahan ng school nila ang mga athletes nila." May pag-aalala sa boses ni Violet.

"Kilala mo ba si coach Go? Martin Go?" Pasimpleng tanong ni Epey. At dahil nga malapit si Violet sa kanya eh parang nakita niyang nag-iba ang ekspresyon ng mukha nito. Mga milliseconds lang naman.

"Yeah. But we did not have much time to talk to each other when he was still alive. And maybe he's the reason why it's so hard for some of the Snake Pits to find another coach. Sayang talaga." Sabi ni Violet.

"Siya ba yung coach nila ng kuya mo dati?" Tanong ulit ni Epey.

"Oo. For 6 years ata yun." Sagot ulit ni Violet.

"Kaya ba tumigil si Ricci sa basketball dahil wala na siya?" Medyo natigilan si Violet sa tanong ni Epey.

"Well, hindi ko masasagot yan ng tama. Only  kuya can answer it. But one thing's for sure, Coach Go was the reason why kuya entered basketball. He's a good man." Sabi ni Violet at napangiti naman si Epey.

"...mukha nga." Malumanay pero totoong ngiti ni Epey.

"Why?" Tanong ni Violet.

"Wala lang. Kailan ba susunod na tryouts?"

"Tomorrow. Same time."

"Si Ricci ba may plano pang maglaro ulit?" Tanong ni Epey out of the blue.

"I don't know. And I have no idea if there will still be anyone on this planet who could convince him to come back." May pag-aalala sa boses ni Violet.

"Mahal mo talaga kuya mo nuh?" Sabi ni Epey. Ngumiti lang si Violet. "Wag kang mag-alala, habang may buhay may pag-asa." Seryoso pa niyang dagdag, dahilan para mapatawa si Violet sa weirdness ng sinabi niya

The UnlikablesWhere stories live. Discover now