Pagkatapos makipag-komprontahan sa mga players ay hindi na nagsayang ng oras si Epey na manatili pa dun sa lugar na yun. Binalikan niya agad si Violet at kahit na may inis pa siyang nararamdaman ay kinotrol niya nalang ang sarili, pati na ang kanyang mukha.
"Where have you been ba? Tagal mo na naman." Pagrereklamo na naman ni Violet sabay ubos sa kape niya.
"May nakita lang akong kakilala. Mag-aalas tres na, Vi, tara na sa practice." Mahinahon nalang na tugon ni Epey. Kung titingnan talagang mabuti eh magaling talaga siyang magtago ng emosyon.
"Yeah right. Baka nandun na yong mga players mo. My God, I'm getting excited na!" Enthusiastic na response naman ni Violet, at ayun na nga, umalis na sila papuntang gym.
Kakababa lang nila mula sa sasakyan at ngayon ay patungo na sila sa loob ng gym, kaso nga lang ay hindi pa sila nakakapasok ay biglang may tumawag kay Violet, si JK.
"What?" Mataray na paraan ng pag-hello ni Violet.
"Vi, may number ka ba ni Epey?" Sabi naman ni JK.
"I don't have her number. But why are you asking?"
"May ipapasabi lang sana ako, na hindi kami makakadalo ni Ricci ngayon kasi may biglaang activity ngayon sa school. Kailangan naming umattend para na rin sa grades." May pag-aalalang sabi ni JK.
"Oh come on! Epey's here with me ngayon."
Napataas naman ang dalawang kilay ni Epey, halatang curious. At ayun na nga, binaba na ni Violet iyong phone at sinabi na kay Epey iyong news. Gusto sanang magwelga ni Epey pero pinili nalang din niyang huminahon at ipagpaliban na muna ang halatang fake excuse nung dalawa. Sa ngayon ay pumasok nalang siya sa loob at naabutan ang dalawang players na nagtiyaga at matatag na umattend ngayong araw sa practice sana nila, sina Jay at Devi. Ngumiti nalang rin si Epey dahil alangan namang magwelga pa siya roon. Buo na ang desisyon niya't gagawin niya ang lahat ng makakaya para mairaos ang team na sinimulan niya.
"Okay! Since kayo lang dalawa ang nandito ngayon. . .wala pa ring magbabago, tuloy pa rin ang practice. 10 laps around the court, now!" Bigla ng pumito si Epey. Iyong dalawang player naman, hindi sigurado kung totoo na ba o tatakbo na ba sila o kung saang direksyon sila magsisimula. Nagka-time pa talaga silang malito hanggang sa sumigaw uli Epey, "Now!" Kaya ayun, tumakbo na agad sila.
Matiwagang tinuruan ni Epey iyong dalawa. May potensyal naman sila na humawak ng bola at mag-dribble ng matagalan, pero sa standards nga ng isang katulad ni Epey, may kulang pa rin. Habang magkatabi sila ngayon ni Violet, na abala sa pamimintas dun sa dalawa ay biglang nagsalita si Epey.
"Vi, pakihawakan na muna 'to." Inabot na niya iyong hawak niyang clipboard kay Violet at nagsimulang pumunta sa court nang hindi napapansin nung dalawa kasi abala sa pagki-keep nung bola.
Habang abala sina Devi at Jay na maipakita kay Epey na determinado silang matuto ay biglang kumaripas ng takbo si Epey upang agawin nang walang kahirap-hirap iyong bola mula dun sa isa, kay Devi. Napatulala iyong dalawa na parang nagtataka sa ginawa ng coach.
"Anong problema?" Tanong ni Devi.
"Wala naman. Tini-test ko lang kung may nag-improve na sa inyo." Mahinahong sabi ni Epey habang dini-dribble pa rin iyong bola.
"Jay, ibaba mo muna iyang hawak mong bola." Sinunod naman siya nito.
"Ngayon, gusto kong makita ang kakayahan niyo. Sa loob ng dalawang minuto, kailangang maagaw niyo sa akin itong bola."
Dagdag pa ni Epey."Tss, ang dali lang naman nun." Pagyayabang naman ngayon ni Jay. Medyo nawala kasi confidence ni Devi simula nung kaninang agawan siya ng bola ni Epey.