Nakauwi na ng dorm si Epey at ngayon ay papasok na siya ng kwarto.
'Nandito na kaya yun?' Ang nasa isip ni Epey. Hindi pa niya kasi nakasundo ang roommate niya. Eh pano ba naman nuh? Pero sa lahat ng mga nalaman niya ngayon, parang nabago ng bahagya ang tingin niya kay Violet. Siguro may paghanga pero mas nangingibabaw ang pagka-intindi niya rito, na gaya niya, after all, kahit ganon ang tingin ng mga tao kay Violet, hindi pa rin nila alam kung ano ang nasa loob nito.
Binuksan na niya ang pinto at agad din siyang pumasok. Napansin niyang wala pa si Violet sa loob, malamang may ginagawang kung ano. Kaya naman naisipan niyang magligpit ulit ng mga nagkalat niyang gamit sa sahig na hindi niya naatupag kaninang umaga. Gaya ng dati eh naabutan pa rin siya ng isang oras sa pagliligpit. Mga alas 6 na ng gabi nga siya natapos at suot niya pa rin ang uniform niya. Naabutan na rin siya ng gutom kaya naman ay bumaba na lang muna siya sa dining area ng dorm at naghapunan. Syempre, gaya ng eksena kanina sa classroom ay wala pa rin siyang kasama ngayon sa table at sa halip ay pinagtitinginan pa rin siya ng mga tao rito. Binaliwala nalang niya ang eksena at mabilis na tinapos ang pagkain.
Nang makabalik sa kwarto ay agad na siyang dumiretso sa CR at nagbihis.
Alas 7 na ng gabi pero wala pa rin si Violet.
"San na naman kaya nagpunta yun?" Tanong pa niya sa sarili nang mapahinto mula sa binabasang libro. Nakaupo siya ngayon sa kama niya.
Alas 7:30...alas 7:45...alas 8:00 pero wala pa rin si Violet.
"Hindi naman siguro nakalimutan ng babaeng yun ang curfew? Hayst! Ano ba Pey! Iniinvolve mo na naman sarili mo. Matanda na yun, okay? Relax." Sabi pa niya sa sarili niya at pinagpatuloy nalang ang pagbabasa hanggang matapos niya ito at 9:12 ng gabi. Hindi niya alam kung bakit pero parang nagsisimula na siyang mag-alala sa kasama. Hindi man niya alam kung anong parusa ang pinataw rito kagabi dahil dun sa miraculous scene na yun, pero alam niyang hindi biro yun, at ayaw na niya sanang maulit pa yun lalo na't naawa siya rito nung magkwento si Ale kanina. Kaya naman ay sa di inaasahang pagkakataon ay tumayo siya mula sa kinauupuan, kumuha ng itim na jacket at isinuot paimabaw sa puti niyang sweat shirt, at pinalitan niya na rin ang itim niyang jersey shorts ng grey na jogging pants. Isinuot niya na rin ang panlabas niyang tsinelas at tuluyan ng lumabas. Dahan-dahan pa siyang naglalakad sa corridor ng dorm at mabilis na nagtago nang may namataang assistant dorm manager na nagbebed check.
"Pag may nangyari talaga sayo 'Pey, kasalanan mo rin. Nasan na ba kasi yung magaling mong roommate? Hayst!" At wala na nga talaga siyang ibang choice dahil nasa labas na rin naman siya, paninindigan niya nalang. That feeling when you're not supposed to worry but you think you are obligue to because you're living together in the same place though!
Sa ngayon ay matagumpay na nga siyang nakalabas ng dorm pero hindi niya alam kung san siya magsisimulang maghanap. Lumingon-lingon muna siya sa paligid, baka sakaling may makita siyang violet na buhok. Palayo na siya nang palayo hanggang sa eksaktong 9:30 na at eksaktong naka-lock na ngayon ang dorm nila.
"Choice mo to 'Pey, panindigan mo nalang." Napabuntong hininga nalang siya nang ma realize na wala talagang bakas ni Violet ang lahat ng pinaghanapan niya. Napaupo nalang siya sa may simentong nakaprotrude mula sa ground nang may marinig na bulungan, at sa pangalawang pagkakataon, mga boses ng babae at dalawang lalaki.
'Hindi naman siguro threesome ang makikita ko ngayon'
nasabi pa niya sa isip niya. Dahan dahan siyang lumapit sa pinanggalingan ng tunog at sa wakas ay nakita na nga niya si Violet, kaso may kasama na naman itong mga lalaki.
"Galit na galit si Ricci. So better go with us, or else, siya mismo ang pupunta rito." Dinig pa niyang sabi nung isang lalaki. Matangkad ito base sa nakikita niya, although hindi niya masyadong maaninag ang mga mukha nito kasi nakatalikod ang mga ito sa gawi niya at si Violet lang ang medyo nakaharap sa direksyon niya pero hindi rin naman siya napansin nito.