ANG UNANG PAGKASIRA

38 1 0
                                    

Tawagin mo akong Krolithika ... Yan ang pangalang gusto kong itago ang aking pagkatao.

Babae ako, malamang . Dalawampu't apat  na taong gulang na ito. At my age I start to realize that I'm not living a right life.

Mood swings, lack of patience, lack of focus, doomed self-esteem, memory loss. Pesimistic. Feeling alone.

Depress ako at yan ang maitatawag ko sa sarili ko. Pero ni minsan di ko inisip na magpakamatay. Iniiyak ko na lang ang lahat. Minsan tinatanggap ko na lang sa sarili ko na hanggang dito lang ako.

Ito lang naman ang kaya ko, kasi ito lang naman ang iniisip ng mga tao na kaya kong gawin. Paulit ulit ako sa pakiramdam na palaging may sinasabi ang ibang tao na masama tungkol sa akin. Iniisip ko muna ang sasabihin ng ibang tao bago ko gawin ang mga bagay. Yung feeling na nakakatakot magkamali sa mundong mapagkunwari.

Yung mga taong akala mo tinutulungan ka, yung mga taong akala mo dumadamay sa mga pighati mo. Yung mga taong nakangiti sa harap mo, yung mga taong walang maitulak kabigin kung ika'y purihin.

Pero tinalo pa ang mga news reporter sa pagkalap ng  tamang balita saka ibo-broadcast. Shit na malupit na nagkadikit dikit! Walang dagdag pero puro bawas. Tamang hinala lamang. Magkukwento sa iba with self-conclusion pa. Haha! Nakaka-Stress!

Tinutulungan ka kuno, pero nagbibilang ng mga tulong na naibigay sayo. Once na nagkamali ka sakanila, daig pa ang armalight sa pagsumbat sa lahat.


Ewan ko ba ang dami talagang tao na ginawa mo naman lahat pero kulang pa rin. Binigay mo na lahat ng makakaya mo pero di pa rin sapat. Ikaw pa rin ang masama

DEPRESS BA TALAGA AKO ? NABABALIW O PARANOID?

Welcome to my LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon