IKAAPAT NA PAGKASIRA

5 1 0
                                    

Very helpful para sa akin ang ginagawa kong ito. Sobrang nakakagaan ng problema. Stress reliever kumbaga.

------------------

Helpless!! Yan ang maitatawag ko sa sarili ko ngayon. Tinalo pa ang katulong sa pagtrato sa akin. Mas mabuti pa nga ang katulong hindi nila pinagtsitsismisan. Mabuti pa sa katulong mabait sila.

Hindi ako nagsabi sa ate ko, itinago ko na lang sa ate ko ang mga nangyari nung gabing iyon. Inisip ko na baka kaya siguro ako siniraan ni PECHAY kay Mama dahil ayaw niyang mapalapit ako kay mama. Nung mga panahong iyon kasi, pinagbabantay ako ni Mama sa Sari-sari store niya kapag saturday at sunday, isang araw pa lang ako pinagbantay ni Mama doon tapos kinabukasan natatandaan ko Linggo yun, ako dapat ang magbabantay sa tindahan pero sabi ni ate Pechay na siya na ang pupunta para magtinda.

Binibigyan kasi ako ni Mama ng 50 natuwa naman ako kasi makaka ipon ako. Pero nagkamali pala ako. Very wrong yung pagsulat ko kay ate. 

Naging tahimik na ako. Hindi na ako yung dating masiyahin. Yung taong natatawa at ngumingiti sa labas pero deep inside durog na durog na ako. Hindi ko alam kung paano ako makaka alwan . Masyado pa akong bata para maglayas. Hindi ko pa kaya mag isa.

Hindi na din ako nakikihalubilo masyado sa mga anak ni Mama sa pangalawang asawa niya.

Si Pechay? Isinumpa ko na siya. Sobrang sumpa. Lahat na ng masasamang pag hiling ay hiniling ko na para sa kanya. Pero iba pala talaga kapag masasamang damo. Humahaba ang buhay, at lumalago ng matatag. Gamit ang paninira ng ibang tao.

Tinatawag din ako na multo kasi may mga gamit na bigla na lang nawawala. Tulad nung tech pen, nakita ko tung tech pen. Akala ko kay Pechay yun. Yun pala kay Ate Kitty yun. Siya ang PETMALU NA LODI KO. Sa kanya ko nagustuhan ang rock, screamo song. Sakanya ko naririnig yung pandemonyong  mga kanta, yun ang sabi ni mama.

Itinago ko yung isa para magamit ko sana. Tapos tinapon ko yung iba. Para kahit paano makaganti ako. Pero maling mali talaga. Ang dami ko na kasalanan kay Ate Kitty.

May isang katulong na pumasok sa amin. Kinakausap ko siya pero di niya ako pinapansin. Nakikipag close ako sakanya. Pero parang ayaw niya.

Hanggang nagkapalagayan kami ng loob. Ikinuwento niya sakin na kaya hindi niya ako pinapansin kasi pinagsabihan siya ni Mama, na wag akong kausapin kasi hindi niya ako anak, na maitim ako na pangit ako, na sinungaling daw ako kaya daw maitim yung gilagid ko. Na magnanakaw ako.

Yan ang pagpapakilala sa akin ng step mother ko. Ni madikit lang namg kaunti ang kamay ko. Todo iwas. Parang virus na nakakadiri ang aking balat. Natatakot na baka mangitim kapag hinawakan ko sila.

Si Ate Vi yung katulong namin. Siya ang parang naging ate ko na. Alam mo kung bakit? Kasi yung ate ko palaging galit sa akin kapag umuuwi galing trabaho. Wala na malayo na din ang loob sa akin. Palaging masungit. Super sungit.  Wala na, malayong malayo na.


Nagtanim na din ako ng sama ng loob sa ate ko. Dumating kasi yung time na kailangan niyang mamili saming dalawa ni Pechay. Nagkasagutan kami ni Pechay. Pero umiyak ako, kasi ang tapang niya. Ang lakas niya. Ako weak.

Ang sakit ng sinabi ng ate ko besh:

"Alam mo neng mas mahirap kapag sa ibang bahay ka pa nakikitira. Maganda naman buhay natin magtiis ka lang. Nakakapag aral ka naman. Kahit saan ka makitira mas mahirap tumira sa ibang bahay."

"Mag renta tayo ng bahay."

"Nagpapatawa ka ba neng? Nagtitipid nga ako, para pampaaral mo pag college mo. Tapos magrerenta pa tayo?"

Blanko lang ako. Di na sumagot. May bumubulong sa utak ko na sabihin na sa ate ko yung ginawa ni Pechay sakin at ng mama niya kung bakit desperado na akong umalis sa impyernong bahay na yon.

"Saka wag mo akong papiliin sa inyong dalawa ni Pechay, si Pechay simula bata pa lang ako kasama ko na yan. Ikaw ilang taon pa lang kitang kasama. Kaya wag mo akon papiliin."

Umalis na siya. Eto ako. Pinili na lang manahimik at magkimkim ng galit. Para lang makapagtapos ako. Twing nawawalan ng pera ako na ang sinisisi nila palagi. Nangungupit ako hanggang 100 lang. Hindi ko kayang mangupit ng malalaking pera. Dahil natatakot ako. Maliit lang naman dahil maliit lang naman ang pinaggagamitan ko.

Kapag malalaking pera ang nawawala, si Pechay ang nangunguha non. Kasi may sakit siyang kleptomaniac. Kinuwento na sa akin ng ate ko yun. History na  talaga niya yon.

Graduation ko ng 4th year walang umattend sakin. Lola lang ng kaibigan ko. Diba ang lupet. Kaya nabansagan akong Crying Lady.

Hanggang sa nag-college na ako. Ganon pa rin ako. Problemado.  Natutong bumarkada. Natuto sa lahat. Lumandi. Ang dami ko kasing crush non. Pero hanggang crush lang naman kasi nga takot ako sa Ate ko. Nakilala ko ang bitch friend ko na si Shaira. Lahat ng nagiging crush ko, kinukuha niya yung number at magugulat na lang ako na nakakalandian na niya. Nakakatext pa. O diba malupet.


Natuto akong mag inom. Mag sigarilyo kahit na hinihika ako. Umuuwi akong lasing pero di ako nagpapahalata. Pero imposible namang hindi alam ng ate Jinny ko yun. Eh lasinggera din siya. At amoy na amoy yun kahit na ganon.

Palagi akong ganun. Nagpi-pierce ako sa dila or nagpi-pierce ako sa tenga lalo na kapag nasasaktan ako. Pag naiistress ako. Paulit ulit yun. Binubutasan ko yung dila ko. Pero kapag may nakahalata na may hikaw ako sa dila, tinatanggal ko din agad. Tapos ulit nanaman.

Natuto na akong mag ayos ng sarili ko. Nagme-make up sa school lang. Pero kapag pauwi na binubura ko lahat ng kolorete sa mukha ko. Dahil nagagalit si ate Jinny.

Ang plastik ko ba? Gusto kong gawin ang gusto ko pero ayaw ng ibang tao. Kaya kapag wala sila doon ko lang ginagawa yung mga gusto ko.

Pero kapag umuuwi naman akong lasing di naman ako pinagagalitan ng ate ko.

Nagbanda ako. Pero di naman ako umuuwi ng gabing gabi. Kasi nagsasara ang gate namin ng 9:00 pm. Hayy.

Medyo umokay ako nung nag college ako. Di na masaydo iyakin na halos araw araw. Kasi kapag nasa school ako nagliliwaliw lang ako. Mas lumawak ang ginagalawan kong mundo kaysa nung highschool ako. Madami akong pinagkaka abalahan. Pero kahit ganito ako. Matataas pa din naman ang mga grades ko. Pwera lang sa major ko. Hindi ko kasi talaga gusto course ko.

Pero nasa tao pa din yun diba?


Nakaka-cope up naman ako paunti unti. Nung nag-college ako.

To be continued.......

Welcome to my LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon