IKAANIM NA PAGKASIRA

14 1 0
                                    

Bago ko umpisahan ang pang-anim na istorya ko. Let me share something lesson from the Bible. Katoliko ako, pero maganda yung naging homily ni Father kaya gusto kong i-share sa mga makakabasa nito.

Hindi kami pala-simba ng Soon-to-be husband ko. Maligalig kasi yung baby namin, in times. Lalo na kapag nag-ta-tantrums. Daig pa niya ang nag-e-exorcist. Haha.

Stress kasi ako kagabi, naghahanap ako ng way out from stress. Alam mo na, kelangan ng mapagbalingan kapag di na kaya. Naka-duty sa trabaho si Krolithiko kaya napagdesisyunan kong mag-simba kami ng Baby Lilith ko. No regrets, at maganda ang message ni Lord sa akin. Kasi alam mo ba pangalawang beses ko na nagsisimba na laging tumatama sa problemang kinakaharap ko, kaya minsan nagiging positive ako. Lalo na kapag di ako sinapian ng ka-demonyohan. Kasi pag sinaniban ako ng kademonyohan, ayan nanaman ako sa pag-iyak, pag sumbong kay Krolithiko. At nagiging negative nanaman ako. Basta alam niyo na.

So eto na nga, homily ni Father.

WATCH YOUR SELF!!!!

Una, WATCH YOUR SURROUNDINGS!
Sabi ni Father, in order to watch your surroundings, you ahould be SILENT. Oo tama kailangan mong manahimik at mag-obserba. Kailangan mong malaman yung mga taong nagpapanggap lang sayo. Kailangan mong obserbahan yung mga bagay na maaaring makakapahamak sayo. May mga tao daw sa paligid na punung-puno ng inggiy sa katawan, mga tsismosa, mga insecure. Hindi daw nawawala sa paligid ng tao yan. Kapag yan ang nangibabawa sa paligid mo ay ikapapahamak mo yan.

Ikalawa, WATCH YOUR ENEMY!

Tama! Tama ang nabasa mo, watch your enemy. Meron daw tayong tatlong kaaway sa paligid natin. Una, ang demonyo. Yan ang pinakamalupet na kaaway ng tao. Pangalawa, ang kapwa. Given na yan. Kapwa? Hindi na bago yan. At ikatlo ang sarili mo. Oh diba? Bull's eye si Father? Kailangan patawarin mo daw ang sarili mo para lumaya ka. Lahat ng mga kasalanan, lahat ng pagkakamaling nagawa mo sa nakaraan mo, kinakailangan mong patawarin ang sarili mo. Hindi para sa ibang tao, kundi para sayo lang talaga. Para lumaya ka na. Para maging masaya ka.

Ikatlo, WATCH YOUR LIFE.

Kailangan mong obserbahan ang buhay mo, maraminh tao ang pinangungunahan ng panghuhusga sa buhay ng may buhay, may mga nanghihimasok sa buhay mo. Watch the fools. Yung mga uto-uto. Sila yung mga taong, sumusunod sa mga mali, sila yung mga taong nakikinig sa mga kasinungalingan. Kung ayaw maging uto-uto, then watch your life.

Last, WATCH YOUR FAITH.

Yung mga taong faithful sa Diyos, yun daw ang dapat na sinasamahan. Dahil sila ang mas nakakaintindi sa mga ginagawa mo. Naiintindihan nila ang mga pagkakamali mo, imbes na pag-isipan ka nila ng masama, they will find another reason. Para makita ang langit.

Ang ganda ng message ni Father.

------

Well, back to the ball game.

Pinaasa ko ang sarili ko kay Pads. Dahil sa matinding pangarap at pagpapantasya ko sakanya. Ayan nakagawa ako ng pagkakamaling pinagsisihan ko sa huli. Okay naman kami ni Pads after ng Graduation, sinabi ko na lang sa sarili ko na hanggang kaibigan lang talaga kami. Wala ng magbabago dun.

College days, we have separate ways. Mas lumaki ang mundo ko, mas lumawak ang karagatan na sisisirin ko para makahanap ng isdang huhulihin ko.

Dumating si Kris, yung dancer.

Crush ko siya, pero di gaya ng pagka-crush ko kay Pads. Daig pa ni Pads ang artista sa paghanga ko sakanya. Para akong avid fan na nagkakandaugaga kapag nandyan siya. Pero si Kris iba siya mature na rin siya parang si Pads. Dati may pinakita sakin si Pads na Condom. Nung time na tinanong niya sakin yung bagay na yun, hindi ko talaga alam ang tawag dun at kung saan ginagamit yun. 4th year high school kami non. Totoo hindi ko alam ang bagay na yun.

Welcome to my LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon