LABING ANIM NA KABANATA

9 1 0
                                    

After that day. Hindi ako satisfied sa kinalabasan ng pangyayaring yon. Sumama pa din ako kay Saydie pero iba na ang tinitibok ng puso kong salawahan.

"Duwag pala yon eh no? Nagtawag pa ng mga ka brad niya. Mali pa niya eh tropa ko pa yung isa dun. Napaka-duwag! Gagawa-gawa ng kasalanan, magtatawag pa ng back-up."

Sabi ni Saydie.

Tahimik lang ako. Nag-iisip. Nalulungkot. Kasi si Krolithiko makakahanap pa siya ng ibang babaeng mag-mamahal sa kanya. Yung babaeng hindi gaya ko na may sabit. Yung babaeng hindi kaladkarin. Yung babaeng kaya siyang ipaglaban. Ang sakit isipin. Hindi ko kayang makita siyang hawak ng iba. Napakaswerte siguro ng babaeng mamahalin niya pa.

Nakikinig lang ako ng When I was your man. Pati di lang ikaw. Sinasadya kong marinig ni Saydie. Ipinangangalandakan ko sakanya. Ako tahimik. Hindi ko alam kung paano ko pa ulit pakikitunguhan ang mga magulang niya matapos ang insidenteng yon. Nawalan na ako ng gana sa lahat. Wala ng sex.

Kasi dati, kapag nagagalit si Saydie sa akin. Sinusuyo ko siya. Ako ang palaging nagpapakababa. Sex ang way para magbati kami. Oo tama. Kadiri ba? Wala eh. Yun ang alam kong tama.

Habang busy siya sa pag-attack ng tower ng kalaban niya. Ako naman ay unstopabble sa kakatext ng i miss you at i love you kay Krolithiko. Hindi ko na masabihan si Saydie ng mahal ko siya. Di ko na masabing masaya ako at magkasama kami.

Syempre, text delete ang gawain ko.

[Krolithiko, sabay tayo pumasok bukas huh. Namimiss na talaga kita. Mahal na nga yata kita. Nalulungkot ako kapag di kita nakikita. Hintayan na lang tayo sa may kanto niyo huh. Wag ka na mag reply. Dito si Saydie baka mabasa. I love you Krolithiko.]

Naiinis ka na ba sa kalandian ko? Haha. Wala kang pake buhay ko to. Basa ka lang may lesson naman to bukod sa paglandi. Charot!

Kinabukasan, inaabangan nga ako ni Krolithiko sa may kanto nila. Nakita niya ko sa may passenger seat ng jeep. Agad siyang sumakay.

Kita ko sa mga mata niya na miss niya rin ako. Hindi ko alam kung tama yung instinct ko. Pero iba talaga. Nag-holding hands kami. Hindi ko alam kung yung kamay niya yung nanginginig, o yung katawan ko dahil, kinakabahan ako. I feel I have a butterfly in my stomach. Feeling pbb teens lang. Iba yung daloy ng kuryente sa katawan ko mula sa kanya.

Napapahilig na din ako sa balikat niya. Tahimik lang kami pareho. Walang imikan. Ang sarap sa feeling, mahal ko na nga yata si Krolithiko. No words can tell how much I feel.

Pero pag dating namin sa trabaho, normal act lang kami, no holding hands, no kisses. Hanggabg tinginan lang kami, pag walang nakakakita, doon lang kami nag hahawak kamay pati nag kikiss.

Ang sama ko no? Ako na yata ang pinakamasamang taong nakikala mo.

Sabi ni Bruno.

"Iwasan niyo na ang isa't-isa. Maling-mali yang ginagawa niyo. Ikaw naman kasi Krolithika, ikaw lang ang kilala kong umamin sa kasalanan niya. Bakit mo kasi sinabi? Pag ganon, wag kang aamin."

Iniiwasan ako ni Krolithiko. Hindi ko kaya.

Nag-usap kami malayo sa kabihasnan . Yung alam naming walang makakakita.

"Wag mo naman akong iwasan, nahihirapan ako. Mahal na yata kita. Hintayin mo lang ako, kumukuha lang ako ng tyempo. One of this days. Please hintayin mo naman ako. Hindi ko kayang iwasan mo ako."

Oo lang ng oo si Krolithiko. Totoo hindi ko na siya kayang mawala pa sakin, kay Saydie, nanghihinayang na lang ako sa tagal ng pinagsamahan namin. Pero kaya kong makita na hawak siya ng iba. Pero si Krolithiko, hindi ko alam kung makakaya kong mapunta sa iba ang gaya niya.

Welcome to my LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon