LABING-ISANG KABANATA

3 0 0
                                    

Okay lang naman sakin. Walang problema. Pero bakit sa twing niyaya ko siya na mag-do kami. Nirereject niya ako. Mas gusto pa niyang humarap sa computer mag-hapon mag-damag. Kaysa humilata sakin.

Iniintindi ko kasi Mahal ko siya. Nanonood na lang ako ng movie sa tablet, o kaya naman kapag di ko na kaya ang libido sa katawan at utak ko, nanonood ako ng Porn. Pinapanuod ko yung mga babaeng nagsasarili. At yun na lang ang ginagawa ko. Self-pleasure na lang. Kasi hanggat maaari ayokong naibabaling ang atensyon ko sa ibang lalaki. Ayokong matukso. Ayokong magkahiwalay kami ni Saydie. Kasi mahal ko siya.

Sa twing nag-aaway kami, walang gabing, hinahayaan namin ang isa't-isang matulog na may sama ng loob. Pero minsan dahil masyado akong pa-hard to get kapag nagagalit, natutulog ako sa sahig. Umiiyak, hanggang sa nakakatulog na lang ako. Magigising ako sa umaga katabi ko sa sahig si Saydie.


Nakalipat siya ng trabaho sa isang factory malapit sa amin. Kitang-kita naman ang pagsisikap niya. Kasipagan niya. Kaya ako naman todo asikaso lahat ng kailangan niya. Pinagluluto ko siya ng baon, pinaglalaba ng uniform. Lahat todo asikaso ako.

Ako rin ay nakalipat ng trabaho, sa isang bpo company. Non-voice ang ginagawa namin, more on typing. Usually galing sa ibang bansa ang ginagawa namin. Pero problemado nga lang kami sa sweldo. Kasi di tama sa oras at hindi sakto ang nakukuha namin sweldo. Kaya kinakapos pa din kami. Una, magastos ako, lalo na sa pagkain. Pag gusto ko bumili ng gamit, bumibili ako. T-shirt, sapatos, pero syempre pati si Saydie binibilhan ko rin. Mahirap nga lang siya bilhan ng damit at sapatos. Dahil mapili siya. Ayaw niya ng colorful, v-neck, black ang favorite niya, tapos simple lang. Sa sapatos ayaw niya ng magmumukha siyang jejemon. Kaya hindi ko siya binibilhan ng sapatos hanggat hindi siya kasama.

Pero, hindi naman pera ni Saydie ang pinambibili ko ng luho ko. Sariling sikap ako.  May times na kapag kunakanta ako o nakikinig ako ng RnB songs, basta hindi pang emo, sinasabihan niya ako ng BADUY!! Nasasaktan ako, gusto ko makinig ng mga kantang gusto ki pakinggan, pero naririndi lang siya. May times na sasabihin niyang Jejemon ako.

Kaya di na ako nakikinig ng RnB songs.
Kahit sa pananamit, kapag yung binili kong damit o sapatos eh uso. Aasarin na rin akong jejemon.

May times na pipitikan niya ako ng sipon, papahidan ng kulangot. At yun ang pinaka-hate ko. Umiiyak ako. Pero hinayaan ko lang. Mahal ko eh.

Umabot kami ng dalawang taon, hanggang three years na. And thank God kami pa din. Sa kabila ng lahat.

Meron kaming friend na magkakaron ng bagong bahay, syempre katuwaan. Nag-i-skate kami. Akala namin, na patutulugin kami doon, gusto ko kasing nakikipag-overnight, at nakikipag-inuman sa tropa. Pero di Saydie ayaw niya, ayaw niya sumama sa mga inuman. Ayaw niya ng maki-bonding sakanila. Malumanay makipag-usap si Weng sa amin. Nagpapahiram siya ng pera sa mga nangangailangan, at isa na kami sa mga nangangailangan na yon. Mabait siya, kasi hindi siya nagagalit. Kabaligtaran naman siya ng asawa niyang si Wong. Medyo mayabang, kahit na konedyante, di ko gusto ang datingan at tinginan niya. Pero dahil mabait ang asawa niya, nakikisama kami.

Hindi ko alam. Pag si Weng ang kasama ko, napapakwento na lang ako. About samin ni Saydie, puro good moments naman, pero kapag about sa conflict namin ni Saydie, hindi ko kinukwento kahit kanino, puro good side lang. I trusted her, I was fooled by her gentle talks.

Nung gabing nakitulog kmi sa bahay nila, doon nagbabantay ang tropa pa naming si Mark. Madami kami actually, pati yung ibang tropa p naming mga babae na mas matagal na kakilala ni Weng eh nandon din.

May nakita si Saydie na rice cooker na sira. Dahil nag-tapos siy ng electronics sa tesda. Inayos niya yung rice cooker. And I'm glad he made it. Proud ako.

Di ko na maalala kung bakit ko hiniram yung phone ni Mark, kung makikilaro lang ako non. Akala ko kasi okay lang kay Weng na pumupunta kami doon. Di ko alam, pero biglang umiral pagka-pakialamera ko at pagkatsismosa ko, nagbasa ako ng messages ni Mark.

[O talaga? Naku salamat naman at naayos ni Saydie yung Rice cooker, kay Shal namin sana ipapaayos yan, babayaran nalang sana namin. Pakisabi kay Saydie thank you.]

Hindi ko alam kung anon nireply ni Mark. Kasi naaalala ko burado eh.

Nagtext ulit si Weng.

[Buti pa si Saydie may pakinabang, malas nga niya kay Krolithika pa siya napunta. Malas niya kay Krolithika.]

Pagkabasa ko ng mga katagang ang malas ni Saydie sa akin, sumikip ang dibdib ko. Hinahanap ko yung dahilan kung bakit ako walang kwenta para sa kanila. Ginawa ko naman lahat ng makakaya ko, lahat ng alam ko. And I know I have given my best.

Iniisip ko in a good way, na malas si Saydie kasi hindi ko magawang mag-ipon, katulad niya na kahit maliit ang sweldo niya dati. Nag-ipon at nagsipg siya. Nagtrabaho as Csr, at ayun umunlad ang buhay.

Ako eto, kapag walang-wala na sa oras ng kagipitan, lumalapit sa patalim. Nagbabakasakali, na may kakapitan.

Pakiramdam ko ang baba kong tao.

Kinuwento ko kay Saydie

"Sabi ko naman sayo, kaya ayokong nakikihalubilo sa mga tao. May sasabihin at sasabihing masama yang mga yan. Lalo pa at nagkukwento ka ng nagkukwento sa kanila. Hindi ka malas okay? Kaya hindi ako sumasama sakanila kahit na noon pa. Ikaw lang kasi mapilit. Yan tuloy."

"Ang sakit kaya." Tumulo na ang luha ko at umiyak ng umiyak kay Saydie. Hindi ko naman akalain, na ayaw pala talaga niya kay Wong. Nakikisama lang siya.

Nakita ako ni Mark na namumula ang mata.

"Bakit ka umiyak?"

"Nabasa ko yung text ni Weng sayo. Bakit naman ganon?"

Hindi na lang nakapag-salita si Mark. Alam kong alam niya ang tinutukoy ko. Hindi ko alam kung bakit ko sinabi, at kung sinabi niya ba kay Weng.

Simula non ilag na ako sakanilang mag-asawa. Hindi na ako nagkukwento tulad ng dati. May utang pa kami sakanila.

Yung mabait kapag kaharap mo, may sinasabi palang masama tungkol sayo. Yumaman sila lalo nung manalo sa Lotto ang kapatid niya. Kaya sila nagkaroon ng sariling bahay.

Siya rin naman malas niya kay Wong, walang alam na trabaho. Umaasa lang sakanya. Mga tao nga naman, ang lakas humusga ng kapwa gayong, mas malala pa ang lagay niya sa asawa niya. Diba malupit.

Kaya wala na kaming pakialam ni Saydie. Hindi na din kami sumasama sa kahit na anong inuman, lalo na at painim ni Weng. Pero kapag kami-kami lang sumasama kami ni Saydie.

Sa trabaho ko naman, may mga bagong salta. March 14, 2014, nang makapasok sila sa trabaho namin. Puro lalaki sila. And take note, walang pogi. Haha, syempre isa lng naman ang lalaking pogi sa paningin ko. Ang Lee Min Ho ng buhay ko, si Saydie.

Pero one guy caught my eye, si Krolithiko. Di naman siya kagwapuhan na as in parang si Saydie, pero nasa kanya ang mga katangian na gusto ko din sa lalaki, matangkad. Siguro 5'8 ng height, chinito, moreno, na medyo payat, kung tatanungin ako medyo mas pogi siya kay Cloud.

Siya ang nkatinginan ko sa mata, nung bagong dating sila sa office. Pero no feelings attached naman. Kasi may boyfriend ako t mas pogi ang boyfriend ko. Time goes by, close na rin kami, lagi na nila akong binubully na pangit. Negra.

Pero lagi kong binabawian ng asar si Krolithiko. Kasi naiinis ako sakanya.

"Akala mo naman tong si Krolithiko, makapag-salita akala mo pogi. Ngongi naman. Na-friendzone pa"

Tapos tatahimik lang yunv mga yon, kasi pikon na ako. May times na napapaiyak pa nil ako.

Galit na galit ako kay Krolithiko, pero siya ang pinkamabait sa mga bagong salta.

Niligawan niya si Yeng, pero si Yeng pihikan sa lalaki. At VIRGIN pa kaya takot sa lalaki.

---
To be continued

Ilalahad ko na lang lahat sa susunod na kabanata, nangungulit na si Lilith ang baby ko. Tantrums ng tantrums.

Welcome to my LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon