LABING PITONG KABANATA

7 1 0
                                    

Nung gabi ding yon, ay tuluyan ko ng ibinalot ang mga damit ko. Tinext ko na si Krolithiko na ihatid nila ako sa bahay ng katrabaho ko at mangungupahan muna ako sakanila.

Gumaan yung feeling ko, akala ko okay na eh. Kinausap ako ng nanay ni Saydie.

"Sigurado ka na ba sa desisyon mo? Wag kang mahihiyang lumapit kapag kailangan mo huh. Nandito lang kami."

"Salamat po , at pasensya na po kayo."

Hindi ako makatingin ng diretso sa mga mata nilla. Naririnig ko din na nagkukwentuhan silang mag asawa, hinatid ako ng nanay at tatay niya sa sakayan ng jeep.

Nakikita ko sa mga mata nila ang sakit, alam ko hindi lang si Saydie ang nasaktan ko, pati na rin sila. Narinig ko na sabi ni Tatay tolits na.

"Habang maaga mas magandang nangyari sakanila to, para nakaka-mobe on din agad sila. Saglit lang naman mag move on si Saydie eh. Yung girlfriend niya non, bago si Lith, kakabreak lang nila, mga ilang linggo lang, ipinakilala na niya agad si Lith sa bahay."

Nabigla ako dun ah.

Narinig ko lang yun mula sa tatay niya. So it means naging panakip butas lang ako? Well, wala naman ng mas sasakit pa sa ginawa ko sakanya. Ang hirap patawarin ng sarili no?

Buti pa sa ibang tao, ang dali lang ibigay ang pagpapatawad, bakit sa sarili ko, parang ang hirap.

Yun na nga. Hinatid ako ni Krolithiko.
Nangupahan ako. Hindi ako iniwan ni Krolithiko. Naginom, walwal to the highest level. Active ulit ang sex life ko.

Sabi ko ligawan niya pa ako. Pero paano pa ako liligawan? Eh nakuha na niya katawan ko diba? Paano pa ba paghihirapan ang gaya ko? Samantalang hindi naman niya pinaghirapan ang perlas ko.

Pero deep inside alam ko, espesyal ang nararamdaman ko para sakanya. Kung lolokohin man niya ako o hindi. Basta alam ko, masaya ako. At yun ang panghahawakan ko.


Ilang linggo siyang umuuwi sa akin. Gabi-gabi, alam niyo na.

Isang araw after break up. Ihahatid ko sana sa sakayan si Krolithiko. Nasalubong naman namin si Saydie. Bagong gupit, may dalang rosas, lahat nung hinihingi ko sakanya noong kami pa ginawa niya.

Nagiba yung dating niya at ambiance ng paligid alam ko masakit.

Pagdating pa lang sa pinto ng inuupahan kong kwarto. Lumuhod siya. Nagmamakaawa na balikan ko na siya. Umiiyak na parang batang nagmamaktol. Naaawa ako, pero di ko na talaga kaya pang lokohin ang sarili ko at pati siya.

Nag usap kami sa kwarto. Niyaya niya ako. Sabi niya.

"Pagbigyan mo naman ako, ipinapangako ko, hinding-hindi ko sasaktan o gagalawin si Krolithiko."

Di na ako nag isip pa. Ginamit niya ang kahinaan ko para lang magawa ang pinaplano niya. Inagaw niya yung cellphone na binigay niya sa akin. Sakanya naiwan ang laptop na pinagambagan namin. Nabasa niya lahat ng convo namin ni Krolithiko.

Ang sama ko. Ako na ang pinakamasamang babae. Nararamdaman ko na, at alam kong pinaplano niyang buntisin ako. Gaga ako pero di ako bobo para di malaman ang binabalak niya.

Pero nagpagamit ako, bigla akong kumalas ning alam kong ipuputok niya sa loob. Buti at hindi siya nagwagi sa plano niya. Sa totoo lang, habang ginagawa namin yun, wala akong maramdaman. Wala na. Lalo ko lang ibinaba ang sarili ko. Ang masama pa, kinuwento ko pa, kaya lalong bumaba ang tingin sakin ng mga tao sa paligid ko.

Biglang nagbago mood niya, kung anu-ano ang ipinangako niya, kesyo ganito. Kesyo magbabarko siya, ipapagawa niya yung dream house ko, pakakasalan niya daw ako, at bubuo kami ng pamilya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 12, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Welcome to my LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon