IKALIMANG PAGKASIRA

10 1 0
                                    

16 years old ako.

I'm with my friend in deed. :) deed nga bang maituturing? Haha. Just read and learn. How will you notice your friend is your frienemy too.

Lagi kong kasama si Shai. Kasi ka-block mate ko na siya. Kapag pinakitaan kasi ako ng kabaitan. I'll showcase my kindness too.
Maituturing ko ang aking kaibigan na simpleng malandi.

Meron akong crush na crush, yung dancer. :) Ewan ko pero patay na patay ako sakanya. Ginagaya ko lahat ng ginagawa ni Shai. Lalo na kung paano siya makipag-usap sa mga lalako. NBSB AKO. Never been kissed. Ay mali pala nakiss na pala ako. But already touched!! :(

Muntik ko na malimutan na nag-ka-bf nga pala ako sa text lang. Hindi ko maalala kung 3rd year ako o 4th year. Kinalimutan ko na kasi yung mga panahong yon.

Mga panahong ayaw kong maalala. Kasi wala namang kwenta. Natuto lang ako humalik. Dun mismo sa school. Torrid yun pero hanggang dun lang. Nakita pa kami nung guard. Ilang araw lang naman naging kami. Weeks siguro. Kasi ibang school siya private school. At parang pang play-play lang ako. May gf pala siya dun sa school nila. Anghel ang mukha. Anghel na anghel. At pinagsisigan ko yun. Alam ko talaga 2nd year ako non. Oo tama. Basta yung wala lang may masabing boyfriend lang, yung may maisama ka lang si bilang. Akala ko kasi non mas maraming boyfriend mas maganda. Yun pala pangit yung ganun. Nagbibilang ng boyfriend.

Mabilis ako magka-crush. Pero hindi pa ako handa mag boyfriend, kasi takot ako kay Ate Jinny. Babambuhin ako non. :)

Hindi niya alam ang ginagawa kong kabulastugan kaya hindi ko na ipinaalam.

But then, dumating si dancer na si Kris. I fell in love with him. His moves, his voice. His cuteness. Basta physical attraction lang. Puppy love. 😜. Naalala ko tuloy yung kabaliwan ko nung high school...

Throwback tayo...

Ito ay isa sa imahinasyon at kathang-isip ko lang. Sapagkat ako'y bata pa.

Totoong tao si Pads, at totoong nangyari. At iba yung tinutukoy kong kathang-isip.


-------
3rd year highschool ako nang makilala ko si Pads. Itago natin siya sa pangalang Pads. Ewan ko ba, ang angas ng aura niya. Maliit, singkit, maputi, talented, vocalist ng banda, maganda boses niya, pang-screamo talaga siya. Yun ang genre niya. Section 1 ako at Section 5 siya. Diba ang layo, pero alam yata ng buong school namin kung gaano ko siya ka crush. Wahahahaaha. Sa kadaldalan ko ba namang ito, at sino bang di makakahalata. Bulag lang ang di makahalata.

Ginagawa ko lahat para lang mapansin niya. Padaan-daan sa room nila kahit na malayo ang papunta sa canteen. Iikot pa ako para lang makasimoy. Ultimo teachers namin alam, at suportado ako ng Math teacher namin na si Ma'am Rc, kasi mutual teacher namin siya, At siya ang favorite ko, alam mo na. Bukod sa nilalakad niya ko kay Pads, magaling siya mag explain ng lecture. Kunwari uutusan niya si Pads manghihiram ng notebook sa kin ayiee. Para lang makasimoy. Yung feeling na nagrereport ako sa unahan taposh bigla shang darathing, taposh bigla shang manghihiram ng notebook. Sa kaitiman kong to, di ko insahang nag blush ako. Emergerd. I love you na talaga ma'am Rc. Haha. Pangarap kong maging kami. Sobra-sobrang pagpapansin na ginagawa ko maging kami lng. Lahat ng kantang gusto niya, pinakikinggan ko hanggang sa nagustuhan ko din yung hilig niyang mga kanta, nagpapaturo ako mag-gitara sa kanya, lahat ginawa ko. Kumakanta ako kapag may jamming sila, kahit nakakangilo yung boses ko. Yung ginagawa kong EMO ang physical looks ko kahit na FIX ME IM BROKEN NAMAN TALAGA. Ang tag ko pa sa sarili ko nga non. I'M SMILING OUTSIDE BUT I'M DYING INSIDE. Oh diba. Lokaret. Alam niyo naman ako masyadong funny. Funny-walain. Laking tuwa ko nung pinapansin na niya ako, noong kinakausap na niya ako, alam mo bang computer illiterate ako, tapos siya literate siya sa computer. Hindi kasi ako pinapagamit ni Papa ng Computer kasi nakakabobo daw yun. Anyways, eh di yun na nga. Hindi ako marunong nung friendster, kaya nagpagawa ako sa kaklase ko, nagpaturo ako kung pano, yung background profile ko pa non yung Angel na black lang yung paligid. Basta maangas tingnan tapos background music ko yung My Heroine ng Silverstein. Lagi kong ini-stalk yung profile niya. Hayy. Yung Silverstein kasi alam ko one of his favorite band, kaya inaral ko yung mga alam niya, at ginusto ko yung mga gusto niya. Saosin, Silverstein, Secondhand Serenade. Hanggang sa napamahal ako sa mga bandang yon at nagustuhan ko mga kantahan nila. Eh di yun na nga. Lassingero pala siya. Actually 18years old n siya. Isang beses sumama ako sakanilang magkakatropa, si Gen at si Pads, dun kami sa bahay nila Gen, gf niya yung sister-sisteran ko sa room si Lyn, nakapag-solo kami sa labas ng bahay nila Gen, pinipilit ko siyang magkwento, ayun napakwento siya na kesyo galit siya sa kuya niya kasi maagang nagkaanak, siya pa nga daw nagbigay ng pangalan, Airishia. Yan ang natandaan ko eh. Ako naman todo puri, eh bitin ako, alam mo yung iniimagine ko ikikiss niya ako kahit saglit lang. Pero hanggang imagination na lang pala talaga ako. Masyado ng gabi kaya nagpasya na ako umuwi. Pinilit siya nila Lyn na ihatid ako hanggang kanto. Napilitan naman siya. Ang sarap sa feeling na maglakad kasama yung taong crush na crush mo. One of the best feeling na naramdaman ko. Sana may wattpad ka no, pero alam ko imposible yon. Haha baduy to para sa mga taong kagaya mo. Alam ko pag nabasa mo to malalaman mong ako to at ikaw ang tinutukoy ko. Anyways, sabi niya habang naglalakad kami, akin na yang paperbag mo, ako na magbibitbit. Yung puso ko kulang na lang umalis na siya sa dibdib ko sa sobrang saya. Waaaaaaahhhhhhh!!!!!!! Binitbit niya yung bag ko waaaaaahhhh!!!! Eto naman ako si tanga asa ng asa. Assuming ako that time. Pero kinabukasan, wala na back to normal nanaman. Mysterious type nanaman. Yan yung naka-attract sakin. Misteryoso siya, sarap pasukin ng buhay niya. Tahimik kasi siya. Di nanaman niya ko pinapansin. Twing magkikita kami "hi Pads" laging bati ko sakanya. Sya tataasan lang ako ng kilay "uy" . Pero kilig to the bones na ako non. Eto na dumating na yung pinakahihintay ko!!!!! Acquaintance Party!!!!! Ginawa ko ang lahat payagan lang ako ng Ate ko. At yon pinayagan ako. At sobrang saya ko. Gustung-gusto ko siya ang First Dance ko. Oo tama wala akong isinsayaw hangga't di siy ang isinsayaw ko. Gusto ko pang tugtog non your guardian angel ang kanta habang kasayaw ko siya. Syempre dating gawi, pinilit nanaman siya ni Lyn. Nalimutan ko yung unang kantang nagsayaw kami. Pakiramdam ko ako na ang pinakamasayang babaeng umaasa sa mundo. Pero di siya nakatagal, iniwan niya ako bigla hindi pa tapos yung kanta. Nasaktan ako dun, ang sakit.. Pero di ako nagpahalata. Binalewala ko lang. Tumahimik na lang ako. And nalungkot na din ai Lyn. Kasi alam niyang nasaktan nanaman ako ni Pads. May nakikipag sayaw sakin crush daw niya ako. Sabi ko ayaw ko. Pero pinilit ako ni Lyn, may itsura naman siya pero si Pads lang talaga ang itinitibok ng Puso kong sawi. Gusto pa niyang umisa pero ayoko na. Umupo na lang ako sa gilid. Pantanga. Nakikinig ng sweet songs. Tapoa nanonood ng mga sumsayaw. Hanggang sa Your Guardian Angel na. Hindi ko mahagilap si Pads. Sakto nasa pangalawang verse na siya nang makita ko siyang pabalik don sa pwesto namin. Nilapitan ko na siya walang ka-abog--abog.  Pads sayaw tayo, sige na please. Sabi niya sige na nga. Nawala agad yung sakit na idinulot niya kanina. Nilagay ko yung bag ko sa unahan ko . Nakasling bag ako kaya nilagay ko sa unahan, yung matatakpan si private part ko. Nakakailang kasi. Bigla niyang hinigpitan yung kapit niya sa bewang ko , inilapit niya ako sa kanya. Tapos naramdaman niya na may nakaharang sa harap ko. Tinanong niya ako "ano yan?" Sumagot ako "bag ko". Tapos napailing at napangiti na lang siya. Malapit na matapos ng kanta, humilig ako bandang dibdib niya. Malapit sa balikat. Para kaming magkayakap. BEST FEELING EVER! Ang saya! Kumpleto na ako. Amoy na amoy ko yung pabango niya. Haha . Aficionado F4 hahahaha. Oh diba highschool days. Iisa pa sana kaming sayaw kaso sabi niya pagod na daw siya. After non, di na ko nakipgsayaw p sa iba.

Welcome to my LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon