Pambungad lang yon. Medyo masama ang tabas ng aking dila. Pero wala akong magagawa dahil sadyang ganyan din ang mga taong nakapaligid sa aking pamilya.
May boyfriend ako itago natin siya sa pangalang Krolithiko.
May isa akong anak. Nag-iisang anak. Itatago ko siya sa pangalang Lilith. Isang taong gulang. At isang taon na rin akong nakikisama sa mundong walang pakisama.Yung mundong alam mong wala kang karapatang magsalita kahit tama o mali ka.
Yung mundong hindi mo alam kung paano at kailan ka gagawa ng mga bagay na gusto mong gawin.
Yung mundong napakasikip para sa aming tatlo.
Paano ako sasaya? Paano ako magiging malaya? Paano ko mapapatunayang kaya ko. Kung yung mismong taong nasa paligid ko ang yumayapak sa pagkatao ko.
Naiisip ko nga lang ba ang lahat? Nasa isip ko lang ba ang solusyon sa lahat ng nangyayari sa buhay ko?
Pinipilit kong maging mabuting ina at asawa, pero bakit para sakanila kulang na kulang pa? Bakit laging may pang lalait at paninira akong naririnig tungkol sa akin? Hindi ba nila naiisip lahat ng sakripisyo ko para sakanila?
Yung wala ng natira para sa aming tatlo ako pa tin ang maramot? Yung sinusulsulan ko pa daw ang anak at kapatid nila na wag silang bigyan ng pera. Ikinukumpara pa ako sa isang anak niyang babae.
Kesyo ganito siya mag alaga ng anak niya. Kesyo mahal na mahal daw ang asawa at anak. Yung inaasikaso ng maayos ang asawa at anak. Tapos ako ganto lang. Hanggang dito lang ang kaya ko.
Gumagawa ka na sa bahay. Tamad ka pa. Yung nagtatrabaho ka tapos ikaw ang walang pera. Pag araw ng sweldo naming mag asawa. Akala banko kami kung palabasan ng pera. Hindi natigil hanggat hindi kami nangungutang ng pera sa iba. Para malaman nilang wala na kaming pera.
Kapag di ka pa bumili ng kahit ano, ikaw pa ang masama. Hindi ko alam kung anong klaseng pamilya ang meron sila. Alam mo yung ipinipilit ko sa sarili ko na kung mahal mo ang asawa mo dapat mahalin mo rin yung pamilya niya.
Respetuhin mo.Oo nirerespeto ko, kaya nga kahit ginaganito ako eto ako humihikbi lang sa gabi, nagbabakasakali . Na sana umihip ang hangin at tangayin ang kapalaran ko. Kapalaran na ibuklod kami sa pamilyang hinding hindi ko papangaraping maging kaisa. Punung-puno ng pangungutya. Panlalait at pangmanaliit sa sarili din nilang kapamilya.
Yung iba pang anak ng nanay niya na dumadalaw sakanila. Ang ganda nila pakitunguhan walang humpay ang paglabas ng ngiti sa mga labi nila, na animo'y walang hanggang kasiyahan ang naramdaman sa pagkikita nilang yaon.
Maya't-maya'y magdedesisyon ang iba na magsiuwian na sa kani-kanilang mga tahanan at sariling pamilya.
Si NENE itago natin siya sa pangalang NeNe. Punung-puno ng kamusmusan ang pangalan. Animo'y isang batang walang kayang manakit ng iba. Siya yung anak na palaging ipinagbubuhat ng bangko ng kanyang ina. Siya ang pinakamagaling na ina na narinig ko sa balat ng lupa. Siya yung taong palaging nakangiti sa harap mo. Yung aakalain mong hindi ka kayang saktan.
Siya pa yung numero uno sa mga panlalait at paninira ng kapwa. Handang silipin ang lahat ng bagay, mapa angat lang siya. Kakaibang asal ang ipinapakita. Pero pinakamatindi ang pagiging asal talangka niya. Alam mo yung feeling ko na pigil na pigil ako . Yung di ko kaya na lumaban pa. Dahil wala akong kalaban laban. Dahil kahit mali ang kapatid nila, sino ba ang magkakampihan sila sila ring magkakapatid.
Kaya lang ako nakakatagal sa mundong to ay dahil sa asawa ko at sa anak ko. Alam mo yung kahit na ang sakit sakit na yung ang hirap hirap na at yung kahit na ang bigat bigat na sa pakiramdam . Pinipilit kong ibangon ang sarili ko sa kalugmukan.
BINABASA MO ANG
Welcome to my Life
Short StoryTotoong istorya tungkol sa depresyon. Nakaranas ka na bang mag-mahal at di suklian ng pagmamahal? Eh ang mahalin pabalik ng taong mahal mo? Ang lumandi sa iba? Marami tayong dinaranas sa buhay natin. Minsan masaya, palaging malungkot. Laging lamang...