Hope 2

2.1K 31 0
                                    

Faye's POV

"Oh, 'nay. Bumili po ako ng gamot ninyo ah. Para sa buong buwan po ito. Kaya pakiusap lang, huwag niyo na pong titipirin, ok? Para sa inyo po ito."ako

Ngumiti siya sa akin kaya ngumiti rin ako. Masarap lang talaga sa pakiramdam na naibibili ko ang mga gamot ni Nanay.

"Oo na po, anak ko."Marie

Tumawa ako at tumango bago siya hinagkan sa noo.

"'To, si Nanay! Aalis na 'ko!"ako

Sigaw ko sa kanya na nasa kusina. Lumabas na ako at dumiretso sa Villa Padua kung saan matagal na rin akong nagta-trabaho.

"Jen!"ako

Tawag ko sa kanya at excited naman siyang tumingin sa akin.

"Peng!!!"Jen

Pareho kaming tumawa dahil sa bati niya at nagyakap pagkatapos. Para bang hindi kami araw-araw nagkikita. Haha!

"Nga pala, ito 'yung kinita mo kahapon oh. Ang laki niyan kaya panigurado malaking tulong 'yan para sa iniipon mong pagpapa-opera ni nanay Marie."Jen

Kinuha ko naman 'yung inaabot niya sa akin at ngumiti.

"Salamat ah! Lalo na sa pagsalo sa akin kahapon. The best ka talaga. I love you so much!"ako

Inilagay ko iyon sa bag ko at humarap ulit sa kanya nang maayos.

"Oh, 'teka, saan ang punta mo?"ako

Kunot-noo kong tanong. Ang ayos kasi ng suot niya ngayon eh, parang may lakad. Tapos hindi siya naka-uniform.

"Ahhm, Peng. Ayun nga 'yung gusto kong ipaalam eh."Jen

"Ano?! Paalam?! Bakit, Jen?! Hindi ba ako naging mabuting kaibigan?!"ako

Napahagalpak naman siya ng tawa sa inakto ko.

"Ang OA mo, bakla! Ito naman!Magta-trabaho na kasi ako sa Maynila. Pinayagan na ako ng tatay at saka isa pa, doon na rin ako mag-aaral. Pag-aaralin kasi ako ng tita ko since magc-college na rin naman daw ako kaya, ayun! Bakla, mamimiss kita!!!"Jen

Sabay nguso, ako naman tinitigan ko siya nang masama.

*poink!*

"Aray! Grabe! Mami-miss mo talaga ako, 'no?"Jen

Humawak siya sa ulo niyang binatukan ko kaya natawa na lang ako.

"Aba! Oo naman! 'Teka, saan ka magta-trabaho? Hindi mo pa ako sinama!"ako

Pagbibiro ko at umirap kunwari.

"Baka nga payagan ka nila tatay Dante! At isa pa, mababawasan ang mag-aalaga kay nanay Marie. At saka simple lang naman ang trabaho ko doon sa Maynila, sa canteen. Medyo nakakapagod nga lang daw. Pero keri lang! Mahalaga may trabaho ako habang nag-aaral."Jen

"Ahh."ako

Sabi ko habang tumatango-tango pa.

"Saka mas malaki ang magiging sweldo ko sa Maynila!"Jen

Nanlaki ang mata ko sa narinig ko.

"Talaga? Malaki? Bakit?"ako

"Eh syempre bukod sa Maynila 'yun eh weekly ang sahod, hindi katulad dito na depende sa maaalok natin ang kikitain. Ito naman parang hindi nagt-think!"Jen

"Ay, sorry naman! Maganda lang hindi perfect!"ako

Sabi ko sabay hawi ng buhok ko kaya natawa kaming dalawa.

"Ikaw, ayaw mo? Pwede ka na naman. 16 ka na 'di ba?! Oh, pwede na!"Jen

"Baliw ka! Ikaw na nga ang nagsabi na hindi ako papayagan nila Tatay. At saka hindi na rin, naibibili ko naman si Nanay ng gamot sa kinikita ko rito saka nakakapag-ipon-ipon na rin naman ako kahit papaano ng ipangpapa-opera ni Nanay."ako

Finding HopeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon