Hope 35

1.8K 21 0
                                    

Faye's POV

"Are you nervous?"Lea

Tumingin ako sa kanya at sa kamay kong hinawakan niya. Magkatabi kasi kami ngayon sa likuran ng sasakyan, pauwi...

Hindi agad ako nakasagot at nakatingin lang sa ibaba. Lumunok muna ako.

"Ahh... kasi po..."ako

Lumunok ulit ako.

"Huwag kang kabahan."Lea

Ngumiti siya kaya tumango na lang ako.

"Drea? Are you at home?"Aga

Tumingin kami sa unahan nang magsalita si Sir Aga-este Daddy pala. Kausap niya si Andrea sa cellphone na nakalagay sa unahan ng sasakyan, may phone holder iyon.

"No, Dad. Pauwi pa lang. Bakit, miss mo na 'ko? "Andrea

Natawa naman si Daddy. Naninibago talaga ako. Hehe

"Okay. Mag-iingat kayo. We're on our way na rin kasi."Aga

"Okay, Dad. Take care! Don't worry, pag-uwi mo may anak ka pa ring maganda. HAHA!"Andrea

Kumunot naman ang noo ko. Marunong pala siyang magbiro? Hindi halata. Hehe

"Alam ko naman. And by the way..."Aga

"Hmm? Yes, Dad?"Andrea

"When we got home we will tell you something. Okay?"Aga

Saglit na tumahimik 'yung nasa kabilang linya. Lalo akong nakaramdam ng kaba. Magkapatid kami, Ate ko siya. Paano niya iyon matatanggap?

"What is it?"Andrea

"Later na."Aga

"Daddy naman you make me curious!"Andrea

"Basta mamaya. It's better to say it in person."Aga

Bumuntong hininga na lang si Andrea.

"Okay. Magkasama ba kayo ni Mommy? Ingat kayo. I love you both!"Andrea.

"I love you too!"Aga

"I love you too, hun. Take care!"Lea

Napangiti naman ako. Nakakatuwa. Ang totoo kong Tatay nasa unahan nagda-drive, katabi ko ngayon ang totoong Nanay ko, at si Andrea nasa kabilang linya. Parang kaninang umaga lang gusto ko nang sumuko sa lahat. The best talaga mag-surprise si Lord. He really heard my prayer at sumagot siya. Dalawa na ang pamilya ko ngayon at napakaswerte ko. Ano pa ba ang mahihiling ko?

Mayroon pala, na sana matanggap ako ng kapatid ko.

Andrea's POV

"I'm home!"ako

I greeted with a smile on my face but it also faded nang makita ko kung sino ang nasa loob bahay. Agad na kumunot ang noo ko. She can't see me because I am facing her back, she's looking at the picture frames sa living room. Padabog kong nilagay sa upuan ang bag ko.

"What are you doing here?"ako

I asked so she looks back to me.

"Andrea..."Faye

Gulat niyang tanong kaya lalo akong nainis. Hindi naman siya lechon pero naha-highblood talaga ako kapag nakikita ko siya.

"Yes, me! What are you doing here? Mom! Dad! There's a parasite here!"ako

I exclaimed. What is she doing here? Would please somebody tell me? Huwag ninyong sabihin na tinanggap na ulit siya ni Mommy? She promised me na hindi na 'to makakalapit sa akin!

Finding HopeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon