Hope 43

1.3K 31 2
                                    

Fate's POV

Recess time na at kasama ko si Ate. Nakasunod lang ako sa kanya papasok sa loob ng cafeteria at pinagtitinginan kami ng mga tao. Eh sikat naman pala kasi sa Academy ang Ate ko, pati 'yung tropahan nila. Bukod sa maganda ang Ate ko at maraming manliligaw, consistent Dean's lister din, at marami siyang sinasalihan sa school kaya nakikilala. Oh 'di ba, sinong hindi mapa-proud sa Ate ko? Ate ko 'yan! Hehe

"Hey, Drea! Here! Dito!"

Sabi ng kaibigan niya na para bang excited na excited sa buhay.

"Pwede ba, Jessica. Will you please sit down? Nakakahiya ka. Ang ingay ingay mo."

Saway naman 'nung babaeng naka pulang turban at nainom ng sterilized milk. Jessica nga pala ang pangalan 'nun, hindi naman kasi ako palatandain sa pangalan at birthday.

Umupo si Ate sa upuan at ako ay nanatili lang nakatayo.

"So, tatayo ka lang diyan? Saka, kailangan talaga parehas kayo ng braids, Andrea? Ano kayo bata?"Xiena

Tumawa naman 'yung iba at may pag-apir pa. Ang corny naman ng joke. Turuan ko 'to minsan. Char. Siya lang ang kilala ko sa kanila, si Xiena. Sabi ni Mommy huwag daw ako sa kanya lumapit, eh. Sa Ate ko lang daw dapat ako makipag-usap o kaya naman kay Jessica na palaging excited sa buhay.

"Fate! Upo ka rito sa tabi ko!"Jessica

Ngumiti naman ako sa kanya at dahan-dahang umupo sa tabi niya. Syempre, dapat dalagang Pilipina tayo. Feeling ko magkakasundo kami ni Jessica, mukha siyang mabait.

"So, what's all behind that braids?"Xiena

Tanong niya na nagpipigil pa ng tawa. First time niya yata makakita ng braids.

"Pwede ba? Mind your own business."Andrea

Ngumuso ako nang inirapan niya ako, si Mommy kasi eh.

"Bakit? Bagay naman sa kanila ah. Ang cute kaya! By the way, I'm Jessica!"

Tumingin ako sa kanya at ngumiti. Agad kong tinanggap ang kamay niya at sinabi rin ang pangalan ko.

"Siya naman si Kaye!"Jessica

Sabi niya sabay turo doon sa babaeng nakapulang turban. Tamad na tamad naman iyong kumaway sa akin. Luh, parang hindi nag-sterilized ah.

"Cassy!"Jessica

"Hi."Cassy

Pilit siyang ngumiti sa akin kaya pilit din akong ngumiti. Hashtag equality. Hehe

"And I think kilala mo na si Xiena, 'di ba? Siya 'yung sumabunot sayo dat-ah, hehe."Jessica

Umupo siya nang ayos at yumuko dahil tinitigan siya nang masama ni Xiena.

"Hi! I'm Xiena! Nice to meet you!"Xiena

Tumingin ako sa kamay niya na nilahad niya sa akin. Hindi naman sa bastos ako ngunit gusto ko lang malaman niya na bawal akong makipagkilala sa kanya. Hindi naman iyon masama, bukod sa sinabi rin ni Mommy. Sino pa ba ang magse-save sa iyo sa mga taong ayaw mo sa buhay mo kundi Ikaw rin?

"Ay, choosy."Cassy

Pero dahil mabait ako wala naman sigurong masama kung makikipagkamay lang ako.

"Ahm, Fate."ako

Tumawa naman siya at kinuha ang kamay niya.

"I know! Akala ko ako pa ang mapapahiya sa pakikipagkamay sa 'yo, eh. You must took it a privilege, 'yung iba halos mahimatay makadampi lang sa balat ko."Xiena

Finding HopeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon