Faye's POV
Tumango ako pagkatapos kong magdasal. Pinagdaop ko ang palad ko pagkadilat ko at sinubukang kumbinsihin ang sarili ko na huwag nang kabahan. Ngayon na kasi ang laban ko.
"Ate, huwag kang kabahan. Think positive!"Toto"Wow ah, English."ako
Sabi ko kahit na sobra na talaga akong kinakabahan. Lord, ikaw na bahala. Basta po nag-aral ako nang mabuti. Manalo o matalo, alam ko na ginagabayan niyo ako. Tama!
"Basta! Think positive!"Toto
"To all the contestants of the National Math Quiz Bee you may..."
Blah blah blah. Hindi ko maintindihan. Ganito pala kapag National na! Huhu
"Anak, huwag ka ng kabahan. Kaya mo 'yan. May tiwala kami sa 'yo. Hindi ba, 'toy?"Dante
"Oo naman, 'tay!"Toto
Tumango na lang ako at ngumiti. Pinagmasdan ko si Tatay.
"Tay."ako
Tawag ko sa kanya dahil parang ang dami niyang iniisip.
"Ayos lang po ba kayo?"ako
Kunot noo kong tanong. Ang totoo, nitong nakaraang araw madalas tulala si Tatay. Napapansin na nga namin ni Toto, eh. Wala naman daw problema. Hindi naman malihim si Tatay lalo na kung may problema, nagsasabi agad siya. Kaya nagtataka ako kung ano ang mayroon.
"Tay!"ako
Tawag ko ulit dahil ayan na naman siya, nalunod na sa kaiisip.
"Oh, anak!"Dante
Tumingin siya sa akin
"Ayos lang po ba kayo?"ako
"Oo, anak! Ayos lang ako! Oh sige na, tinatawag na ata kayo."Dante
Tumango na lang ako at akmang lalakad na nang pigilan ako ni Toto.
Dante's POV
"Ate, may tumatawag sa 'yo."Toto
Napatingin naman kami kay Toto na hawak ang cellphone ng kapatid niya. Siya rin kasi ang may hawak ng bag ng kapatid niya.
"Sino?"Faye
"Si Miss Lea!"Toto
Napabuntong hininga na lang ako. Nakangiting kinuha ni Faye ang cellphone at sinagot ang tawag.
"Hi po, Miss Lea!"Faye
Sobrang saya ng anak ko habang kausap sa kabilang linya si Ma'am Lea. Kailan ko sasabihin ang nalalaman ko? Hindi ko alam kung paano. Kinakabahan din ako.
"Salamat po nang sobra, Miss Lea! Opo, mag-start na."Faye
Nagulat naman ako nang banggain ni Toto ang braso mo.
"Tay, ayos ka lang?"Toto
Tumingin ako kay Toto, sa tingin ko hindi lang dapat ako ang makaalam nito.
"Toy, ayan na oh! Sige na po bye na mag-start na!"Faye
Lea's POV
It's weekend at nasa bahay lang kaming lahat. Actually, I'm planning na rito mag-lunch sila Faye at ang pamilya niya pero hindi ko na nasabi dahil magsisimula na raw ang Quiz Bee. Nevertheless, mamaya ko na lang sasabihin.
"Mom!"Andrea
I look at her na bumababa ng hagdanan. Nasa living area kasi ako at may tinatapos na presentation.