Hope 30

1.5K 30 3
                                    

Dedicated to Viyyyuuh_leyyyuuh

Faye's POV

Pinunasan ko ang pisngi ko kahit na hindi naman halata ang luhang dumadaloy doon dahil kanina pa ako naglalakad sa gitna ng ulanan. Nilalamig na ako pero walang ibang nasa isip ko kung hindi 'yung mga sinabi ni Miss Lea kanina sa akin.

"I... don't want... to see your face again."

"I... don't want... to see your face again."

Pumikit ako nang mariin at hinampas ang ulo ko nang ilang beses. Dapat kasi hindi ko na pinatulan si Andrea eh. Grabe lang talaga kasi 'yung mga salitang binitawan niya kanina, dinamay niya pa ang pamilya ko. Masyado siyang masakit magsalita kahit wala namang katotohanan.

Alam ko namang siya ang nauna pero kasalanan ko pa rin. Ang tanga ko kasi, eh. Siguro tama nga siya, pumapasok ako sa buhay nila kahit hindi naman talaga dapat. Siguro tama nga rin siya, na masyado kong fini-feel. Hindi ko rin naman kasi mapigilan. Inaamin ko na minsan gusto ko 'yung atensyon na binibigay sa akin ni Miss Lea. Gusto ko lang naman kasi maramdaman 'yung pagmamahal ng isang Ina mula sa kanya. Siguro nga ipinanganak ako sa mundong ito para hindi ko maramdaman 'yun. Tama si Miss Lea, hindi na lang ako magpapakita. Lalayo nalang ako. Ayoko na.

"Ate, anong nangyari sa 'yo?"Toto

"Bakit basang-basa ka?"Dante

Lumapit silang dalawa sa akin at ngumiti naman ako.

"Wala po, 'tay! Kasi po- ano... hindi po ako nakapagdala ng payong."ako

Nilagpasan ko silang at kumuha ng tuwalya.

"Sa susunod magdala ka na, Ate. Nga pala, kumusta 'yung lunch niyo?"Toto

Hindi ako lumingon sa kanila at kumuha lang ng damit sa sampayan.

"Okay lang! HAHA! Ang sarap nga ng luto ni Miss Lea, eh! Sayang, hindi kasi kayo sumama! Ayan tuloy hindi ninyo natikman."ako

Sabi ko at pinigilang hindi manginig ang boses ko. Pumikit ako at tinakpan ang bibig para hindi nila marinig ang paghikbi ko.

"Ahm, sige. Baka magkasakit po ako. Magbibihis lang po ako."ako

Toto's POV

Sinundan lang namin ni Tatay ng tingin si Ate Faye na pumasok sa banyo. May iba kay Ate, hindi ako sanay. Ngumiwi ako at tumingin kay Tatay.

"Tay."ako

Tumingin siya sa akin.

"Sabihin na natin kay Ate."ako

Hinintay ko ang sagot ni Tatay. Alam ko na ang lahat, sinabi sa akin ni Tatay kanina. Kaya nga hindi ako sumama sa lunch lunch na 'yan, eh. Ang saya ko kasi sa wakas kilala na namin ang tunay na pamilya ni Ate Peng. Lalong nakakatuwa kasi masaya siya kasama ang pamilya niya lalo na si Miss Lea, totoong Nanay niya. Nakakatuwa naman ang tadhana. Pero ang tanong, kailan sasabihin ni Tatay?

"Hindi ko alam kung paano sasabihin, Toy."Dante

"Madali lang, 'tay! Sabihin mo, Peng! Kilala ko na ang pami-"ako

Pinanlakihan ako ni Tatay ng mata kaya natahimik ako at itinaas ang kilay ko. Bakit?

Pinanlakihan niya ulit ako ng mata at parang tumitingin-tingin sa likod ko kaya lumingon ako.

"Tay? To? Anong ginagawa niyo? Para kayong ewan."Faye

Lea's POV

"Ayos ka lang? Sabi ko naman kasi sa 'yo mag-stay muna tayo sa hospital, eh."ako

Finding HopeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon