Hope 7

1.2K 28 0
                                    

Faye's POV

"Good morning, kuyang poging manong guard!!!"ako

"Good morning din, Faye!"Guard

Tumawa ako at pumasok na sa loob at sumakay ng elevator. Pagkadating ko sa floor kung saan ako assigned ay nakita ko agad na super busy ang lahat.

"Ayun! Faye!"Chinnie

"Good morning, Miss Chinnie! Bakit po?"ako

"Pa-print naman ako nito. May meeting kasi and kailangan 'yan."Chinnie

Inabot ko 'yung inaabot niya sa akin. Alam ko 'to, eh.

"Miss Chinnie, ano nga po ang tawag dito?"ako

"That's a flash drive, isa lang naman ang file na laman niyan. Iabot mo na lang kay Miss Veronica at siya na ang bahala. Okay? Nasa conference room lang ako."Chinnie

"Okay po!"ako

Sumaludo ako sa kanya at pumunta muna sa locker room para ilagay ang gamit ko at makapag-in na rin.

"Miss Veronica, good morning po! May ipapa-print po si Miss Chinnie nandito raw po sa flash drive. Isa lang daw po ang file na nandiyan."ako

Inabot ko sa kanya 'yung flash drive.

"Oh sige, hintayin mo na lang ako diyan. Saglit lang naman 'to."Veronica

"Sige po!"ako

Umupo muna ako sa tabi tapos nagpipindot na si Miss Veronica sa computer at bumalik ulit sa upuan niya.

"Faye, saan ka nakatira?"Veronica

Tumingin ako sa kanya at ngumiti.

"Taga Palawan po ako. Sa Virgia Island Sitio Del Fonso po. Pero ngayon po nangungupahan po ako sa may Tondo."ako

Tumango-tango siya sa sinabi ko.

"Eh sinong kasama mo?"Veronica

Umiling ako.

"Wala po. Ako lang po mag-isa."ako

"What?!"Veronica

Umikot siya paharap sa akin, 'yung upuan niya kasi 'yung umiikot. Sa Padua may upuang ganyan, doon ako naglalaro. Nakakahilo nga lang pero masaya!

"Hindi nga? Ang bata mo pa ah! Kinaya mo? Saka, sa Tondo?"Veronica

"Opo. Hehe. Kaya ko naman po. Para po sa Nanay at sa pamilya ko, kakayanin ko po. Hehe"ako

"Bakit? Ano ba ang mayroon sa Nanay mo?"Veronica

"Nasa hospital po kasi siya. Malala na po kasi ang sakit niya at kailangan na raw pong maoperahan kaya lumuwas po ako rito sa Maynila. May ipon naman po ako kaso kulang pa, hindi po kasi sapat 'yung kinikita ko at ng Tatay araw-araw. 'Yung kita ko po kasi depende lang sa maalok ko ng rest house. Kaya ayun, nakipagsapalaran po ako rito."ako

Nakanganga lang siya sa akin pagkatapos kong magkwento kaya natawa ako.

"Alam mo, mabait kang bata. Saludo ako sa mga taong kagaya mo."Veronica

Ngumiti ako.

"Thank you po."ako

"Oh, ayan. Tapos na!"Veronica

Tumayo kami at inabot niya sa akin ang flash drive. Kumuha muna siya ng folder at nilagay doon 'yung pina-print ko.

"Salamat po ah, Miss Veronica."ako

"Wala 'yun."Veronica

Nag-thank you ulit ako at lumabas na. Oo nga pala sa conference room ko pala ito dadalhin, eh saan ba 'yun?

Finding HopeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon