Hope 39

1.4K 25 2
                                    

Fate's POV

"What are you doing here?!"Andrea

*blag!*

Nanlaki ang mga mata ko dahil sa gulat lalo na nang malaglag ko 'yung picture frame na hawak ko. Pumikit ako nang mariin at kinakabahang lumingon sa kanya.

"Ate, pasensya n-"ako

"Don't call me Ate! Ugh! Get out!"Andrea

Galit niyang tinuro ang pinto kaya napapikit ulit ako.

"P-pasensya na. H-hindi ko naman sinasadya eh."ako

Paumanhin ko at tumingin sa kanya. Tinignan naman niya ako nang masama.

"Wala akong pake kung sinadya mo o hindi! Ang ayoko lang eh 'yung basta basta ka pumapasok ka sa kwarto ko!"Andrea

Lumapit siya sa akin at tinulak ako palabas ng kwarto niya.

"Ate, pasensya na talaga."ako

Tinulak niya ulit ako. Gusto ko nang maiyak, hindi ko naman sinasadya 'yun eh. Nagulat ako sa kanya kaya nabitawan ko ang picture frame.

"Just get out!!!"Andrea

Tumama ang likod ko sa isang shelf kaya napalingon ako doon. Napayuko kaming dalawa sa teddy bear na nalaglag sa paanan ko. Kukuhanin ko sana iyon nang sumigaw na naman siya at agad akong nanginig sa takot.

"Ano ba?! I said get out! Get out, Faye. Get out!!!"Andrea

Napapikit ako sa pagsigaw niya kaya halos nanginginig akong umayos ng tayo at lumabas ng kwarto niya.

"Don't you dare enter my room again."Andrea

Nanggigigil niyang sabi sa akin kaya agad-agad akong tumango.

"S-sorry. 'Yung ice cream mo."ako

Sabi ko at inabot sa kanya ang sundae na dala ko kanina pa. Sa sundae lang ako nakatingin dahil natatakot ako sa tingin niya.

"Ate."ako

"Tss!"Andrea

Gusto ko sanang ngumiti nang kuhanin niya ang sundae mula sa akin pero huwag na lang dahil baka magalit pa siya. Hehe

"Tamang tama, kakukuha lang ni Manang ng garbage dito sa kwarto ko. At isa pa, huwag mo akong tawaging Ate."Andrea

Napatingin agad ako sa kanya nang sabihin niya 'yon.

"Ate kita."ako

Malakas na loob kong sabi. Bakit ba hindi niya ako matanggap? Ako ang kapatid niya.

"Hindi nga kita kapat-"Andrea

"Si Elly 'yung kanina hindi ba?"ako

Tanong ko tungkol doon sa nalaglag na teddy bear kanina. Hindi ko alam pero naaalala ko ang teddy bear na 'yon.

"Edi sana hindi ko siya naaalala. Natatandaan mo? Nagtalo pa nga tayo noon kung babae o lalaki ba si-"ako

"Would you please just stop?!"Andrea

Tumahimik naman agad ako at hiniling na hindi tumulo ang mga luha mula sa mga mata ko dahil nararamdaman ko na ang pagbagsak niyon.

"At ito?"Andrea

Binuksan niya 'yung sundae kaya napatingin ako doon.

"Hindi.ako.nakain... ng tunaw na ice cream."Andrea

Sabi niya habang itinatapon sa harap ko 'yung sundae na tumatalsik pa sa sapatos ko. Hinagis niya 'yung cup niyon sa sahig nang maubos ang laman.

"Get out."Andrea

Finding HopeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon