Hope 40

1.6K 23 1
                                    

Fate's POV

"Hiiiii! Mang Elmer! Kamushta ka po? Hehe."ako

Para akong lasing na tumabi sa kanya at nilapag sa lamesa niya ang mga dala ko. Pipikit-pikit pa ako.

"T-teka, Ma'am Fate. Lasing po ba kayo?"Elmer

Itinaas baba ko lang ang kilay ko para may epek naman ang acting ko.

"Naku! Ma'am, bakit kayo naglasing? Lagot ka kay Ma'am Lea at Sir Aga niyan."ako

Tumawa ako at tumayo nang maayos.

"Gotcha! Manong guard! HAHAHA! Joke lang po! Trip ko lang po mag-lasing-lasingan. "ako

"Akala ko naman!"Elmer

Tumawa ako nang umirap siya.

"Ano ka po ba, Mang Elmer! Hindi po ako nag-iinom, 'no. Saka magagalit po sa akin si Daddy lalo na si Mommy kapag nag-ganon ako. Saka 'di ba po sabi ko Fate lang wala nang Ma'am? Tss! Si kuyang guard talaga, parang wala tayong pinagsamahan niyan ah."ako

Ngumuso ako at kunwaring nagtatampo. Tumawa naman siya at kumamot sa ulo.

"Ito naman, sorry na."Elmer

Ginaya ko ang irap niya kanina.

"Hindi! Hindi tayo bati!"ako

Sabi ko pa bago humalukipkip at tumalikod sa kanya.

"Sorry na nga, Peng."Elmer

Kinulbit niya ako sa balikat. Lumingon ako sa kanya at ngumuso.

"Oh sige bati na tayo total tinawag mo na akong Peng. Basta next time ah!"ako

Sabi ko at binuksan 'yung paper bags na nilagay ko sa lamesa niya.

"Para po pala sa inyo 'yan, miryenda niyo po. Hehe"ako

Tumingin naman siya doon at nanlaki ang mga mata niya sa laman ng paper bags.

"Aba, syempre level up tayo ngayon, Mang Elmer! Coke is out, Starbucks is in. HAHAHAHA!"ako

Tumawa naman siya. Ayan, gusto kong nakikitang masaya ang mga tao sa paligid ko. Mabuti na lang kahit simpleng effort lang masaya na sila. Hindi katulad ng Ate ko.

"Wow. Salamat, Peng! First time kong makatikim nito! Salamat ah! Na-miss ko nga ang pa-miryenda mo eh."Elmer

Ngumiti ako.

"You're welcome po! Si Mommy at Daddy po ba nandiyan?"ako

"Ah oo nandiyan. Pero ang Daddy mo umalis kanina, may meeting na pinuntahan, hindi pa nakakabalik."Elmer

Tumango naman ako.

"Sige po. Bye, Mang Elmer! Puntahan ko lang po sila Ate Joyce at Mommy."ako

Tumango naman siya kaya pumasok na ako sa loob.

"Hi, Fate!"

"Hello po!"ako

Kumaway ako sa lahat ng bumabati sa akin at dumiretso sa elevator. Pagkalabas ko ay nakita ko agad si Ate Chinnie kaya tinawag ko siya.

"Oh, Fate! You're here!!! I miss you!"Chinnie

Nagmamadali siyang lumapit sa akin at agad akong yumakap sa kanya. Parang isang taong hindi nagkita. HAHA

"Na-miss ko rin po kayo, Ate Chi! Kumusta po?"ako

Kumalas kami ng yakap.

"Ito, mabuti naman!"Chinnie

Ngumiti ako.

"Si Ate Veronica po nasaan?"ako

"Ah, nasa printing room. As usual."Chinnie

Finding HopeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon