Part 1: In a Relationship

2.9K 105 9
                                    

Maymay's POV

Nasa Koleheyo na kami ni Edward , and for several months ay Gra Graduate na kami . Nursing ang kinuha ko at Engineering naman kay Edward .

He was my bestfriend for almost 5 years .

Hmmmmm Pano kami nagkakilala ? Well mahabang kwento .

Papunta ako ng kantina nang napatingin ako sa puno ng mangga. May mga lalaking nakaupo sa bench at tumitipa ng guitara .

Ang isa naman ay nakaupo sa taas ng bench , habang nakatuon ang kanyang atensyon sa cellphone nya .

Nagulat ako nang bigla siyang lumingon at napatingin sa gawi ko , at binigyan ako ng isang matamis na ngiti .

Nginitian ko din si Patrick , at itinaas ko ang aking kanang kamay at kinawayan siya .

" Maymay !! " nabaling naman ang aking atensyon sa taong tumawag ng aking pangalan.

Nilingon ko siya at napangiti ako sa aking nakita .

He was wearing white sleeves, folded up to his elbows and black pants. Nakaback pack pa siya at may nakasabit na headphones sa leeg niya .

" May ! " Pasigaw ulit ni Edward na nakangiti habang papalapit sa akin . Tumabi siya sa'kin at inakbayan ako sa aking balikat.

"Makasigaw ka naman, akala mo may sunog ! " natatawang saad ko kay Edward .

" Miss mo na 'ko , ano ? " pang-aasar ko sa kanya .

Nagkatinginan kami ni Edward at tumagal ito ng ilang minuto . Agad akong nagbawi ng paningin at itinuon sa ibang direksyon , mahina kasi ako sa ganitong bagay at ako lagi ang talo .

" Oh may kailangan ka nanaman noh ? " pag-iiba ko ng mga sandaling iyon. Muli ko siyang sinulyapan at nakita kong nakatingin parin sa akin si Edward .

Pinitik ko ang aking dalawang daliri sa harap niya at doon lang siya natauhan .

" Yah .. I've missed you Maymay...always " bulong niya sa kanyang sarili.

" A-ano ? " tanong ko sa kanya . Hindi  ko kasi narinig ang kanyang sinabi .

"Haha w-wala May .. I-i s-said .. I have something to tell you " nakangiti niyang sabi sa'kin . Pero bakit siya nauutal ?

Weird !

Tinanguhan ko nalang siya  .

"Hmmn mamaya na yan! Libre mo muna ako .. Doon tayo sa canteen " I smiled and pointed out, our school canteen.

I was hungry, i did not eat my breakfast at home , because i hurriedly left our home earlier .

Di kasi kami magkasundo ni Daddy ... Gusto kasi niya na mag Abogado din ako tulad niya .. Pero nursing parin ang kinuha ko at may dahilan kung bakit ito ang kinuha ko .

"Okay ! Tara na sa canteen at doon ko nalang sasabihin sa'yo " nasasabik niyang sabi sa akin .

Nagsimula na kaming maglakad ni Edward at magkaakbay na tinungo ang school canteen .

I bought spaghetti and orange juice, while Edward was Piatos and in can coca cola .

Naghanap  ng bakanteng upuan si Edward at may nakita siya sa isang sulok ng kantina . Tinungo namin ito at sabay kaming umupo at magkaharap ang aming upoan .

Lucky Inlove With My Bestfriend ( BOOK ONE ) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon