Maymay's POV
Katatapos lang ng vacant time nila Edward at nagpasya na silang pumasok sa klase nila .
Mamayang 11 pa ulit ang klase ko , pero sasabay nadin ako kela Edward .
Nagpaalam muna si Edward kay Jenny at sa tatlong babaeng kasama nya .
Bumaba na kami sa bleachers at hinihintay namin si Edward .
" We'll go ahead , see yah again later guys " paalam ni Edward .
Habang kinukuha ang kanyang bag sa bleachers ay lumapit sa kanya si Jenny .
Nakita ko kung ano ang ginawa ni Jenny kay Edward.
Hinalikan nya si Edward sa pisngi nya .
Parang ako yung nahiya sa ginawa ni Jenny kay Edward .
Nakita kong sumilip ang mga mata ni Jenny at sa akin sya nakatingin , kaya mabilis akong nagbawi ng tingin sa kanilang dalawa at itinuon ko ang aking pansin sa ibaba .
Patrick looked at me to make sure I was okay.
" You okey ? " pabulong nyang sabi .
Hindi ko sya sinagot .
" Tapos na ba kayo ? " rinig kong sabi ni Marco kay Edward at Jenny .
Napaangat ako ng tingin sa kanila .
Napatingin naman si Edward kay Marco , tumingin din sya sa akin .
Parang may kung ano sa tingin nyang 'yon na agad naman nyang binawi .
" Let's Go ! " biglang pag aaya ni Patrick sa akin saka hinawakan ang kamay ko at hinila ako palayo sa kanila .
Napalingon ako at nakita ko na nakasunod ang kanilang mga tingin sa amin ni Patrick .
" P-Patrick ,teka lang " pagpupumiglas ko .
Napatigil kami sa paglalakad .
"Bakit mo ginawa yun !!! " tanong ko .
Naramdaman kong bumitaw ang kamay nya sa kamay ko at tinitigan nya ako sa mata .
" Because I do not want to see you hurt , my sunshine "
Napatingin ako sa kanya kaya nagkatitigan kami .
Bakit ganito si Patrick sa akin , dati hindi naman .
----------
Lumabas ako sa aming classroom , dahil inutosan ako ni Ma'am na kunin ang bag nya sa office .
Nakita ko si Jenny at ang kanyang mga kaibigan na nakatayo sa may hagdanan .
Halatang may hinihintay sila .
Hindi ko siya pinansin at dinaanan ko lang sila .
Narinig ko pa ang pagtawag niya sa akin pero hindi ko siya nilingon .
Naramdaman ko ang pagsunod nya sa akin at hinawakan nya ang braso ko , tsaka ako hinatak at dinala sa isang sulok .
"A-aray Jenny ,ano ba masakit !!!.. "reklamo ko .
Mas hinigpitan pa nya ito.
" Alam mo na siguro kung bakit ko ginagawa sa'yo to ? " mataray niyang tanong sa akin .
BINABASA MO ANG
Lucky Inlove With My Bestfriend ( BOOK ONE )
FanfictionMeet MaryDale Entrata , a Nerd who fell in love with his BestFriend , Edward Barber . ( COMPLETED BOOK )