" Lezzz Go ? .. "
Tipid na tango ang sinagot sa akin ni Patricia .
Tinitigan ko ang doorknob ng matagal bago ko ito hinawakan .
Pag lumabas ako dito... isa lang ang ibig sabihin .
Buo na ang aking disisyon .
.
.
.
.
.
.Huminga ako ng malalim bago lumabas ng aking silid .
Hinawakan ni Patricia ang aking beywang habang pababa ng hagdanan .
Nasa sala si Daddy at nakatalikod siya sa amin .
" Tito " tawag ni Patricia kay daddy . Humarap siya sa amin . Kagaya ni Patricia ay nanlaki din ang kanyang mga mata sa kanyang nakita .
" L-lara ! " pasigaw na tawag niya kay mama nang hindi inaalis ang kanyang tingin sa akin .
Mula sa kusina ay nagmadali si mama na puntahan kami sa sala .
Excited din si mama na makita ako .
Kung paano sila namangha noong una ay mas doble pa ngayon dahil tinanggal ko na aking salamin at pinalitan ito ng contact lenses .
Dumagdag pa ang dress ko na halter ang style at may split ito sa kanyang gilid .
" Hindi sa pagmamayabang pero maganda rin ang hubog ng aking katawan ."
Nakasuot din ako ng Red peep toe ,pump platform heels .
Malaki ang kanyang ngiting lumapit sa akin .
" Ang ganda ng baby girl niyo diba tita? " tanong ni Patricia kay mama .
Saglit niyang tinignan si Patricia sa aking tabi at muling binalik sa akin ang kanyang tingin .
Tumango tango ito habang nakatingin sa aking suot .
" Masagwa bang tignan ma ? " tinanong ko din ang tanong ko kanina kay Patricia .
" Hindi uy ! .. Ang sexy nga eh . "
Siniko ako ni Patricia.
" Sabi sayo eh ! " mahina niyang sabi .
" Tricia bantayan mo si MaryDale . Sayo namin siya ipagkakatiwala okay ? "
Ginawa pa akong bata ni Daddy .
Ngayon nga lang ako nagdadalaga eh ..
" Actually... Hindi lang si Maymay ang bantayan mo ,pati yung Edward na boyfriend niya . " dagdag niya .
" Ay hindi po siya yung ... mmm mmm " naputol ang sasabihin ni Patricia ng tinakpan ko ang kanyang bigbig gamit ang kanan kong kamay .
Pinandilatan ko din siya ng mata at inilapit ang aking mukha sa kanya .
" Huwag kang maingay Patricia kung ayaw mong tahiin ko yang bibig mo . " mahina kong sabi .
Pagkatapos ay tinanggal ko ang aking kamay sa kanyang bibig .
" Dy tara na .. " pag-iiba ko ng usapan .
Agad namang kinuha ni daddy ang susi ng aming sasakyan na nakasabit sa aming dingding.
Nauna siyang naglakad . Nakasunod kami sa kanya .
Magkatabi kami sa backseat ni Patricia.
Habang nasa loob kami ng sasakyan ay panay bilin sa amin si Daddy .
Hindi ko mabilang kung nakailang " opo " kami sa kanya ni Patricia.
Malayo palang kami ay naririnig na namin ang malakas na tugtugan .
BINABASA MO ANG
Lucky Inlove With My Bestfriend ( BOOK ONE )
FanfictionMeet MaryDale Entrata , a Nerd who fell in love with his BestFriend , Edward Barber . ( COMPLETED BOOK )