Maymay's POV
Pinisil ni Edward ang aking pisngi ng mapansin niyang malayo ang aking tingin at tila may iniisip.
Napatingin ako at malungkot na ngumiti sa kanya.
" Malungkot ka nanaman May " sabi niya na may pag-aalala sa kanyang tono.
" Hindi ko maiwasan eh .." sabi ko .
" May itatanong sana ako sayo Edward " mahinang sabi ko .
" Ano yun May ? " tanong niya .
" Ano ba ang totoong nangyari sa akin ? Kasi simula noong magising ako mula sa pagkakaaksidente wala kayong sinabi sa akin kung ano ang totoong nangyari sa akin " seryoso kung tanong sa kanya.
Natigilan siya at hindi nakapagsalita.
Ilang segundo ang lumipas at nagsalita si Edward.
" Huwag muna ngayon May ... Ayokong mabigla ka sa lahat. Malalaman mo din ang lahat lahat kapag bumalik na ang ala-ala mo " sagot niya .
Hindi ko na lamang pinilit si Edward dahil wala din naman akong makukuhang sagot sa kanya .
" I-i miss your beautiful smile May " Napaangat ako ng tingin nang marinig ko ang mga katagang iyon.
Naabutan ko siyang nakatitig sa akin kaya hindi ko maiwasang mag-iwas ng tingin sa kanya .
Hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan ng ganito at kung bakit naiilang ako sa presensya ni Edward.
" Kapag sinabi ko bang. . " natigilan siya at bumuntong hininga ito bago tumingin sa akin .
" Kapag sinabi ko bang gusto kita .. Maniniwala ka ba sa akin ? "
Hindi ko alam kung paano siya sasagutin . Parang may bumara sa aking lalamunan .
" H-hindi ko alam Edward .. " tanging nasagot ko sa kanya .
" Alam ko na hindi pa ito ang tamang panahon para sabihin ko sayo to.. but i like you May..more than bestfriend " seryosong sabi niya .
" And gusto sana kitang ligawan " dagdag pa niya .
Bigla namang bumilis ang kabog ng aking dibdib .
" Pero baka ma... " putol kong nasabi dahil inunahan niya ako sa aking sasabihin .
" Okay lang kahit matagalan May ..basta payagan mo ako " pakiusap niya.
" Please May.. " malambing niyang pakiusap .
Parang may marahang humaplos sa aking puso dahilan para mapapayag niya ako .
" Sige payag na ako ..basta hintayin muna nating maibalik ang aking alala. " nakangiting sabi ko sa kanya .
" Thank you May .. " sabay yakap sa akin .
******
Pagbalik namin sa kwarto ko ay may lalaking nakaupo sa sofa .
I remember him ...
Siya si Patrick...
Siya yung lalaking humihingi ng tawad sa akin sa dahilang hindi ko naman alam.
Nakita kong masamang nakatingin sa kanya si Edward pero hindi pinansin ito ni Patrick .
" Can we talk May ? " biglang tanong niya .
Tumango ako sa kanya .
" Sige ..tungkol saan? " tanong ko din sa kanya at kusang pinaikot ang gulong ng wheel chair at nilapitan siya .
" Pwede bang tayo lang ang mag-usap? " pareho kaming napatingin kay Edward .
Na agad naman niyang nakuha ang ibig naming sabihin kaya lumabas siya sa kwarto at naiwan kaming dalawa sa loob ni Patrick .
" A-ano bang pag-uusapan natin ? " seryosong tanong ko sa kanya .
Napatikhim muna ito bago magsalita. Halatang kinakabahan siya sa kung ano man ang kanyang sasabihin sa akin .
" Gusto ko lang sanang magpaalam sayo. Aalis na kasi ako sa makalawa " napatingin agad ako sa kanya .
Bakit ano bang meron sa amin dati at kailangan pa niyang magpaalam sa akin ?
" Magkikita pa ulit tayo diba May ? " sabi niya .
" Oo naman " hinawakan niya ang aking pisngi at napatingin ako dito.
" I'm sorry ulit May .. " paghingi ulit niya ng tawad.
Eto nanaman siya nagsosorry pero walang masabing dahilan.
" Para saan ? " nakakunot noo kong tanong sa kanya.
May binigay siya sa akin . Isang sobre na may lamang sulat .
" Basahin mo nalang kapag bumalik na ang ala-ala mo May . " pag-abot niya ng sobre .
" O-okay "
" Can i hug you ?..please " hiling niya sa akin .
Tumango ako sa kanya at pinayagan siyang yakapin ako .
Isang matagal at mahigpit na yakap ang kanyang binigay sa akin .
" Thank you .. " sabi niya habang yakap yakap ako.
" Thank you saan ? " tanong ko sa kanya nang hindi din bumibitaw sa kanyang yakap .
" Sa lahat lahat May " kumalas siya ng yakap sa akin .
Humarap siya sa akin at hinalikan ako sa aking noo .
" Sige May .. I Have to Go " pagkatapos ay tumayo siya at tumalikod sa akin .
Nasa pintuan na siya ng muli niya akong nilingon.
Matamis siyang ngumiti sa akin at ginantihan ko din siya ng aking ngiti .
*******
Apat na bwan na ang nakalipas simula ng nangyari ang akisedente at hanggang ngayon ay wala parin akong maalala.
Kung ano ano ang mga activities na pinapagawa sa aking para lang bumalik ang aking ala-ala.
Napapagod na din ako sa sessions at therapy namin ni Dr. Gomez .
Nakakapagod na din maghintay.
*******
A/N
Lapit na sa Ending 😅😢
BINABASA MO ANG
Lucky Inlove With My Bestfriend ( BOOK ONE )
FanfictionMeet MaryDale Entrata , a Nerd who fell in love with his BestFriend , Edward Barber . ( COMPLETED BOOK )