Patrick's POV
Nag paalam nadin ako kay Marco at Marcus , mukhang alam ko na kung nasaan si Maymay .
Kaso daig pa nila ang isang reporter sa dami ng tanong .
" Bakit ? Saan ka pupunta ? Hindi pa nga tayo nakakapag take ng order , aalis ka na agad ? " sunod sunod na tanong sa akin ni Marcus .
Wala akong maisip na pwedeng idahilan kaya kung ano ano nalang ang naisipan kong isagut sa kanila.
" I-im not hungry yet " pagdadahilan ko .
" Hindi ka lang pala nagugutom , bakit aalis ka pa ? "sabat naman ni Marco .
Damn ! Ang daming tanong !!
" Basta !..sige I have to go guys . Enjoy your meal . chaooo " paalam ko at agad agad akong umalis nang hindi na hinintay ang isasagot nila .
--------------
Parang nag uunahan kami ni Edward sa paghahanap kay Maymay .I went outside of our school gate and looked for Maymay .
Patingin tingin ako sa aking paligid . Nagbabakasakaling makita ko si Maymay .
Hindi nagtagal ay nahagip din siya ng aking mga paningin .
Sa di kalayuang lugar ay nakita ko syang papalabas sa isang fast-food restaurant .
As usual , nag-iisa siya at may hawak na libro .
Tinawag ko siya.
" Maymay .... " sigaw ko .
Nagulat ko ito kaya muntik na nyang mabitawan ang hawak nyang Libro .
Natatawa ako habang papalapit kay Maymay .
" Bushaaakkkk ka Patrick , muntik na akong atakehin sa puso ! " halos pasigaw nyang sabi sabay hampas sa braso ko .
Tawang tawa parin ako sa kanya .
" Lahhh , grabe baiii ... Tawang tawa sa akin oh " sabi nya .
" Hindi ko alam na magugulatin ka pala " natatawang sabi ko .
Ginaya ako ni Maymay.
Tumawa din siya ng malakas .
Ung tawang fake , tapos sabay bawi .
Sabay simangot .
Haha nakakatawa talaga siya .
She's funny and cute huh ...
" Sorry , my sunshine...hindi ko kasi mapigilan eh . " sabi ko sabay akbay sa kanya.
Napatingin sya sa kanyang balikat .
" Halika my sunshine ,samahan mo akong kumain. " sabi ko . Tumungo kami sa restaurant at sabay kaming pumasok sa loob .
Naunang umupo si Maymay.
Lumapit ako sa cashier at nag order .
" Hi , can I order 1 beef steak , 1 rice , 1 french fries and 2 large drinks please . Thank you "
Inabot ko sa cashier ang aking bayad .
Pagkatapos kong umorder ay tinungo ko ang lamesa kung saan nakaupo si Maymay .
BINABASA MO ANG
Lucky Inlove With My Bestfriend ( BOOK ONE )
FanfictionMeet MaryDale Entrata , a Nerd who fell in love with his BestFriend , Edward Barber . ( COMPLETED BOOK )